C H A P T E R • TWENTY-NINE

100 10 3
                                    

- CHAPTER TWENTY-NINE -

REIGN'S P.O.V.

" Sama ka?" Ngingisi ngising tanong ni kuya Ro.

" Heh!" Pinag-cross ko yung mga braso ko tsaka sya inirapan. " Babe oh! Si Kuya Ro, nang aasar." Sumbong ko.

Tinignan naman sya ng masama nito, nang tumigil sya ay binelatan ko sya. Hmp! Kala nya ha. Di porket mas matanda sya eh.

" Sige na, umalis na kayo... Ingaat." Nakanguso kong turan.

" Asuuus!"

Di ko nalang sya pinansin at baka magkahabaan pa kami, maubusan pa ng pasensya tong isa.

" Let's go." Sabi ni Len.

Originally talaga yun tawag ko sa kanya, eh yun naman talaga tawag sa kanya ng lahat. Shempre para naman kakaiba, nakipag CS ako sa kanya ng 'babe' hihi. Pasikat nga lang yun si Kuya Ro nakikiiba ng tawag. Hmp! Gaya gaya.

Saglit ko silang pinanood habang naglalakad palapit sa dapat nilang puntahan.

' Dapat kasama ako ihh.'

Muli nanaman tuloy akong napanguso dahil dun.

Binuksan ko na muna yung bintana sa tabi ko at ipinatong yung dalawang siko ko para patungan ng ulo ko. Wala pang ilang minuto ng halos pumalakpak ang mga tenga ko sa narinig ko.

" BALOOOOTT! BALOT PENOOOY!... BALOOOOTT!! BALO--"

" WAIT, WOIII KUYA!" Napalingon naman sakin yung naglalako. " Halika dito dalii! Bibili ako."

Halos lumuwa na ko sa sasakyan at mahulog sa bintana para lang matawag itong si Kuyang nagbabalot. Todo kaway pa si me, kaya ng lumakad sya papalapit sakin ay todo din ang kilig ko. Goshhh, balot.

" That's balot right? Omayghaaaad, how much po?... Or wait, wait, pakyawin ko nalang kaya? Hmm, how much po lahat, kuya?"

" Talaga po?" Sunod sunod na pagtango naman ang naisagot ko.

Pagkaalis ni kuyang nagbabalot, dali dali akong kumuha ng isa at sinimulang kainin. Ngunit di pa ko nangangalahati ng meron nanaman akong narinig. Pero this time, di na nakakapalakpak. Kasi namaaaan, pag tingin ko sa may direksyon nila babe nandun parin sila.

Ano ba naman tong mga to, ba't di pa sila pumapasok?!

" Woii, kayo ba naman kasi. Pinagsabay sabay nyo pa, mga loko."

" HAHAHAHAHA, kaya nga naman."

Nang maaninag ko ang section D sa may side mirror ay di ko malaman kung anong gagawin ko. Palipat lipat ang tingin ko sa direksyon nila babe at sa side mirror.

" Sh*teeeee!" Halos pabulong na mura ko ng malapit na sila tas itong dalawa di parin pumapasok.

Wala na kong ibang nagawa at sinubo nalang ng buo yung kinakain kong balot. Eh kasi nga padalos dalos, ayun nabulunan si me, huhu.

Di tuloy ako magkamayaw sa paghahanap ng tubig. Nang mahanap ko naman ito ay wala akong sinayang na oras at nilagok yun.

" Waaah. Putek, balot pa ata at pagkakabulon ang dahilan ng kamatayan ko. Hooh!" Mangiyak-ngiyak kong ani.

She's The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon