C H A P T E R • NINETEEN

105 10 0
                                    

- CHAPTER NINETEEN -

" Louie, sabay sabay na tayo." tumango lang ako at nag ayos na.

Uwian na at napagpasyahan nilang sabay sabay na kaming lumabas. Pinagtitinginan at pinagbubulungan pa rin ang section namin habang naglalakad, which is nakasanayan ko na. Araw araw yan ang nangyayari, wala namang bago. Maingay at magulo kahit pauwi na.

" HALA MGA PRE, TIGNAN NYO!" bulalas ni Luan at huminto pa sya sa paglalakad kaya nabangga sa likod niya ang kasunod na si Reo.

" Tang*na mo naman pre! Ba't ka ba biglang tumigil? Nasira tuloy ang moment ko with chix." Inis na bulyaw nito.

" Hehe sorry," sabay nagpeace sign." Pero tignan nyo to pre." Pinakita niya ang hawak niyang selpon. Sinilip naman nila yun.

" Pvta! Ang gwapo." si Reo ang unang sumilip kasi siya ang pinaka malapit.

" Anong gwapo? Loko ka, anong gwapo dyan?!" asik ni Luan.

" Huh? Ayan gwapo." Turo sa selpon." Gwapo oh."

Tinignan ni Luan kung anong pinagsasasabi niya. Nakita naman niyang nakapatay pala kaya makikita ang repleksyon.

" Ayy... Oh ito na." At muli niyang pinakita.

Muli nilang tinignan yun. Kitang kita ko ang gulat sa ekspresyon nila. Nag agawan pa sila kung sino ang susunod na titingin.

" Gag* pre."

" Grabe, may ganyan na palang nagaganap dito."

" Shet."

" Luh! Ba't ngayon lang natin alam?"

" Gag*! Shempre ngayon lang pinost."

" Nikko, pre. Diba malapit yan senyo?" tanong ni Reyver.

" Patingin nga." Ani ni Nikko sabay agaw sa selpon. Ngunit ng makita niya ito ay hindi malaman ang reaksyon niya.

Gulat na gulat ito na may halong kaba at sobrang takot. Namutla na rin siya at nagsimula ng manginig. Tulala lang siya sa litrato. Kinuha na lamang ng iba ang selpon sa kanya at tinignan din. Na-curious din ako kaya nakisilip na rin.

' 6 NA LALAKING NATAGPUANG PATAY SA ******. BAWAT ISA SA KANILA AY MERONG TAMA NG BALA SA KANILANG ULO.'

Yan ang nabasa ko. Hindi tulad ng reaksyon nila ay kalmado lang ako. Akala ko naman bago. Yun lang pala.

" S-sila yon." Halos pabulong na ani niya kaya napabaling kami sa kaniya dahil hindi namin masyadong narinig.

" Ano yun pre?"

Inangat niya ang tingin at sinalubong nun ang amin. Kahit na namumutla at kinakabahan ay pilit pa rin siyang bumigkas.

" Sila yon." ulit niya.

" 'Sila yon'? Sila yong ano?" naliligong tanong ni Allan.

" Woii, sagot."

" Y-yong nambugbog sakin."

" Talaga? Anyare ba't patay?"

" Hindi ko alam." Tanging sagot niya." A-ang alam ko lang eh binugbog nila ako tas ayun nawalan na ko ng malay... Matapos ko marinig yung malamig na boses."

" Baka siya yung gumawa nun." Yohan.

Napatango ang iba.

" Kung puntahan kaya natin?" suhestiyon ni Eron.

She's The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon