- CHAPTER FIFTEEN -
" Is that so?"tugon niya," ok. Turuan na lang kita."
At yun nga ay tinuruan niya ko. Shempre dapat ay hindi tayo marunong kaya todo acting ako. Kahit mukha ng tanga ay tuloy parin sa pagpapanggap. Gusto ko na sanang laruin yung bola eh.
" Ganto?"tanong ko sabay hagod ng bola ng patalon. Para akong tanga bvset.
Mahina siyang natawa. Loko to ah! Kung hindi ko lang talaga kelangang magpanggap ay talo ko na to ngayon kapag naglaro. Tsk!
" Pfft... No not like that. Ganto." Saka ipinakita kung pano ang tamang pag-shoot.
Ibinalik nya sakin ang bola at pinagawa yon ngunit hindi ko parin ginawa ng maayos. Natawa nanaman siya at kalaunan ay tumigil din. Tumahimik na siya kaya inulit ulit ko lang yun kahit mukha akong ewan. Maya maya pa ay may naramdaman akong presensya sa likod ko.
Naestatwa ako saking kinatatayuan habang nakataas sa ere ang aking mga kamay hawak ang bola, aktong ishoshoot. Nang maramdaman ko ang hininga ng taong nasa likod sa tenga ko. Nanigas lang ako at hindi malaman ang gagawin. Mabilis rin ang tibok ng puso ko nagkakarera nanaman ito sa pagtibok na siyang isang tao lang ang dahilan. Ryu?
Inistrech nito ang kaniyang kamay at umabot sa kamay kong may hawak ng bola. Pakiramdam ko ay nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan ng magdampi ang kanyang palad saking kamay. Ramdam ko rin ang kaniyang dibdib saking likod dahil sa pagkakadikit namin. Namumuo na ang pawis ko sa noo sa di maipaliwanag na dahilan. B*s*t! Ba't ba ko nagkakaganito?
" Like this."napaigtad ako ng muli kong naramdaman ang kaniyang hinga saking tenga na naghatid sakin ng milyong boltahe ng kuryente. Pvta!
Inayos niya ang pagkakahawak ko sa bola bago isinargo at ishinoot. Nashoot naman ito pero naiwan naman sa ere ang kamay ko. Tulala lang ako at ang tumatakbo lang sa aking isip ay kung bat ako nagkakaganito gayong malapit lang naman itong lalaking to sakin?
" That's how you do it. Tsk!"ani niya na nakapagpabalik sakin sa ulirat.
" You don't need someone to teach you how to do it. I'll teach you instead... So you don't have to be too close to others." Hindi ko na narinig ang huli nitong sinabi.
Nangunot ang noo ko sa paraan ng pagkakasabi niya. Para bang galit na naiinis na ewan tong lalaking to. Pasiring niya kong pinasadahan ng tingin saka siya tumalikod para kunin ang bola at muli akong turuan. Ano bang problema sakin nito?
_ ツ _
Aishh! Kapagod.
Nakakapagod yung pagtuturo sakin ni Cypher. Lutang ba naman kasi ako habang tinuturuan niya ko. Hindi ko kasi magawang mag-concentrate kapag malapit siya sakin. Kaya ayun hirap mag-concentrate kapalit ng ilang ulit at pagod. Ang hirap talagang magpanggap.
Nakatanggap pa ko ng pagsusungit ng bvset. Tulad ng—
" Tsk!"
" Are you that lame to move?"
" Again."
" You look like stupid."
" Repeat it."
" How will you able to play if you're not even concentrating?"
Diba? Sungit ang pvta! Kasalanan ko ba na siya yung nagprisinta dyan na turuan ako? Sarap dagukan kainis!
Kung hindi ko lang kelangan mag-pretend naibato ko na sa pagmumukha niya yung bola.
Matapos ng practice nila at ng pagtuturo sakin qunno kung pano ay umalis na ko agad at baka makasapak na ko. Papunta akong cafeteria dahil nagutom ako don. Mamaya na lamang ako maliligo at magbibihis, papahinga na muna ako habang nakain.
BINABASA MO ANG
She's The Badboy
CasualeSynopsis Blood is thicker than water they say. The question is, how far can you do just because of the love you have for your family? Especially your sibling. Naparusahan na lumipat at tumira sa ibang bansa sa loob ng ilang taon si Louise. Ngunit sa...