- CHAPTER SEVENTEEN -
" ARAAAWCH!!"
Malakas na daing ni Reign ng konyatan siya sa ulo ni Louise pagpasok na pagpasok pa lang nila sa kotse. Hindi pa siya makakabawi ng muli siyang ambahan nito.
" Ano bang ginawa ko? Ang sama talaga ng ugali mo! Hmp!"singhal niya sa dalagang nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.
" You're really asking huh?"
" Uh oo?"
" Tsk!" Asik na tugon sa kanya," tuwang tuwa ka no? Naku! Ikaw na babae ka. Alam mo hindi ko alam kung san ako magtatago sa kahihiyang pinaggagagawa mo kanina. Aishh!" frustrated nitong ani.
Abot abot langit ang pagtitimpi niya kanina na hindi kutusan sa harap ng mga kaklase ang babae sa mga pinaggagagawa nitong kalokohan. Umuungol at todo hagikhik kunwari ay may ginagawa silang milagro dun sa loob ng bar. Todo cheer naman ang mga kasama nila at todo kantyaw sa kanila. Siya naman ay hindi malaman ang gagawin dahil sa kahihiyan.
" Ahhh... HAHAHAHA ayun lang pala! Well atleast nasagip kita HAHAHAHAHA katawa ka kaya kanina. Shempre sinulit ko na kasi hindi naman kita magaganon eh. HAHAHAHA ansaya!" tuwang tuwa nitong turan.
Napailing na lang siya sa kaabnormalan ng kasama. Gusto man niyang magalit pero hindi niya magawa. Ito lamang ang pinagtiyagaan ang ugali niya. Hindi siya nito iniwan kahit na makailang beses niya itong tinaboy. Napapangiti at napapatawa rin siya nito kaya kelan man ay hindi siya nakaramdam ng galit dito.
Napabuntong hininga sya sa alaala. Sa tagal nilang pagsasama ay nasanay na sya sa ugali nito. Maingay, maloko, masayahin. Kaya naisip niyang hinding hindi nito sasaktan ang kambal niya kung magkakatuluyan man ang mga ito.
" Uy daan naman tayo sa fast food or kahit sa convenience store manlang. Nagutom ako sa kakatawa." Nakangusong yaya nito sa kaniya na ikinatawa niya ng mahina.
Minaneobra niya ang kotseng sinasakyan nila papunta sa malapit na convenience store na alam niya. Kotse ni Reign ang gamit nila kasi nga hindi niya ginamit ang kaniya. Buti na lamang at nagdala ang kasama niya.
Habang nasa byahe ay may naaninag siyang bulto ng mga tao. Ang isa don na nauuna ay lalake na nakilala niya sa kasuotan. Nagmamadali ito, ganun din ang sumusunod sa kaniya. Grupo ito ng mga lalaking may pusong babae. Mukhang nakukursunadahan ito.
" Psst! Babe, parang kilala ko yun." Turo ni Reign." Oo nga kilala ko. Kaklase mo yun diba? Kasama natin yan kanina eh. Kasama yan dun sa mga playboy slash fvckboy na kaklase mo."
Dun niya napagtanto na isa nga yun sa mga kaklase niya. Si Nikko.
" Hoy uy uy! San ka punta? Ayun na yung convenience store eh! Nilagpasan mo na huhu."angal ng kasama.
" Tsk! We can go back after. I have a bad feeling about this."
" Ok. Basta libre mo ko ha."
_ ツ _
NIKKO's P.O.V.
Sh*t! Sh*t! Sh*t!
Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa isip ko. Sh*t talaga. Sinusundan kasi ako ng grupo ng mga bading. Bakit pa kasi ngayon pa nataunan na nasira ang auto ko? Wala akong sasakyan na gamit ngayon dahil pinapaayos pa. Nagtaxi lang ako papunta sa bar at ngayong pauwi ay napagdesisyunan ko na lang na ilakad gusto pa sana akong ihatid ng mga loko pero tumanggi ako dahil malapit lang naman ang village namin. As in pwedeng walking distance lang.
Kaso wrong decision ata, meron kasi akong nadaanan na mga bading. Tinatawag pa nila ako pero hindi ko sila pinapansin at mabilis na naglakad. Kinakabahan na ko dahil meron kasi akong masamang experience na kagagawan ng mga bading kaya nauwi yun sa trauma.
Nabuhayan ako ng loob ng maaninag ko ang bungad ng village namin. Ngunit nawala rin yun ng may biglang humablot sa braso ko at napadpad kami sa madilim na lugar. Tang*na! Wag naman sana mga bading to.
_ ツ _
Madilim ang paligid pero sakto lang ang liwanag ng buwan para kahit papano ay maaninag ko sila. Hindi sila yung mga sumusunod sakin kanina. May mga hawak silang armas. Kitang kita ko ang pagngisi nila.
" Sino kayo?" Buong tapang kong tanong.
Hindi sila sumagot bagkus ay sinugod nila ako isa isa. Ano ba yan! Linggong linggo mapapalaban ako. Eh pano yan? Lunes bukas. Naku naman baka mabawasan ang chix ko nito.
Nang may makalapit na sakin ay walang pag aatubiling sinapak ko ito. May sumugod pang isa at siya naman ang pinatamaan ko. Ok lang na kayo yung mabangasan sa mukha wag lang yung akin.
Muli nanaman nila akong sinugod ngunit sa pagkakataong ito ay yung may dala ng bat ang sumugod sinundan din ito ng iba kaya hinanda ko ang sarili ko. Ilag dito, ilag doon. Sapak dito, sipa doon.
Napapagod na din ako ngunit wala akong pake. Masyado silang madami kesa sakin na iisa lang, plus may dala pa silang mga pamalo at pang depensa.
" YAAAHHHH--ACKK!"
" Tang*namo! Ang ingay mo!" Singhal ko pagkatapos ko siyang sikmuraan.
Nakita kong sabay na sumugod yung dalawang may hawak ng tubo ay sila naman ang pinagtuunan ko. Ihahampas na sana sakin ng isa ang hawak nila ngunit nailagan ko ito at sinalo ang paghampas ng isa. Akala ko ay mapipigilan ko ito ng hawakan ko rin ang kanya, bale magkabilang kamay ang gamit ko sa paghawak sa mga tubong hawak nila.
Ngumisi lang sila sakin na ikinakunot ng nuo ko. Abnormal ata tong mga to.
Ngunit nalaman ko rin ang dahilan ng kanilang pagngisi ng bumagsak ang katawan ko sa lupa. Fvck! Ang sakit! May kung anong matigas na bagay lang naman ang humampas sa likod ko.
" Hawakan niyo." Utos nung may hawak na baseball bat. Iyon ata ang pinanghampas sakin.
Sinunod nila ito dali-dali akong hinawakan at itinayo.
" Ackk!" Daing ko ng maramdaman ko ang sakit na dulot ng kanina.
" Ano bang kelangan nyo?!" Pasigaw kong tanong.
Hindi ako nito sinagot at binigyan lamang ng isang malakas na sapak sa sikmura. Feeling ko ay mabubuwal ako ng paulit ulit nito iyong gawin. Magsasalita na sana akong muli nang ang mukha ko naman pinatamaan niya.
" Damn." Not my handsome face!
Nalasahan ko pa ang sarili kong dugo, dulot ng pagputok ng gilid ng aking labi. Muli niya kong sinapok at this time ay mas malakas na. Halos nayanig ang mundo ko dahil don.
" Pakawalan nyo ko! Lumaban kayo ng patas! Mga duwag!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala.
Tinawanan lamang nila ako at muling tinira ang aking sikmura ngunit sa pagkakataong ito ay gamit na niya ang bat na hawak. Nang dahil don ay mapaubo ako ng dugo.
" T-tang*na nyo. S-sino ba k-kayo?" Tanong ko kahit na hirap na ko. Anytime ay pwede na kong bumagsak.
Binitawan na nila ako. Sa pag-aakala kong aalis na sila pero hindi pala. Bumagsak na ko pero pinagsisisipa naman nila ako. Wala akong magawa kundi ang depensahan ang aking ulo.
' huhu Lord, help me. Baka paglamayan ako ng mga chix ko'
Dasal ko sa aking isip. Patuloy lang sila sa pagsipa kasabay ng pagtatawanan. Mga demonyo kayo! Pag nakita ko ulit kayo babangasan ko rin kayo ng mas madami pa dito.
Maya maya ay tumigil din sila na siyang time na rin na linalabanan kong hindi bumagsak ang talukap ng aking mga mata. Hindi ko alam kung dininig ba ng diyos yung panalangin ko pero bago pa man ako bumigay at mawalan ng malay ay isang napaka lamig na tinig ang aking narinig.
" Tsk, tsk, tsk... Looks like somebody's playing without inviting me."
_ ツ _
- END OF CHAPTER SEVENTEEN -
BINABASA MO ANG
She's The Badboy
RandomSynopsis Blood is thicker than water they say. The question is, how far can you do just because of the love you have for your family? Especially your sibling. Naparusahan na lumipat at tumira sa ibang bansa sa loob ng ilang taon si Louise. Ngunit sa...