- CHAPTER SIXTEEN -
Uwian na. At ito ako, bangag pa ata dahil hindi mawala sa isip ko yung katawan nung hinayupak. Naku! Kagigil, gusto ko hawakan — I mean kagigil, ayaw umalis sa isip ko. Oo yun yun.
Paalis na sana ako ng tawagin ako ni Dyllan.
" Louie."
" Hm?"tugon ko.
" Sama ka sa Sunday?"tanong niya.
Sunday? Bar night yun ah, tuwing linggo ay pumupunta sila ng bar at shempre sama samang umiinom at yung iba naman ay nang chichix.
" Sa sunday? Anong meron?" Kunwari ay hindi ko alam.
" Magbabar kami Sunday night. Sama ka."yaya nito.
Saglit akong nagisip. Kung sasama ako ay pwede akong makakuha ng impormasyon, pero puyat nanaman ako nun. Yung last time na sinundan ko sila ay napuyat ako,muntik pang malate. Mga hinayupak. Hindi na sana ako kaso ay mapilit sila dahil dumagdag ang ibang hunghang sa pamimilit sakin kesyo ito rin daw ang unang beses kong makakasama sila ng wala sa eskwelahan.
_ ツ _
So ayun nga. Napapayag nila ako kaya papunta na ko ngayon sa bar na hilig nilang puntahan dahil madami daw chix dito at nagpapapasok ng highschool students.
Hindi na ko gumamit ng kotse at nagtaxi na lang ako kasi ang alam nila ay hindi ako marunong magmaneho ng sasakyan. Pagkahinto ay nagbayad na ko at bumaba. Nakita ko na ang ilan sa kanila na naghihintay sa labas. Nangingibabaw lalo ang kanilang kagwapuhan dahil sa porma nila. Mukha silang mga adult na kung pumorma. Samantalang lahat naman ay teenager maliban kay Barron na 20 na. Nagsisimula sa 16 ang edad nila na sila Yohan at AC,17 naman sila Dyllan, Yuel, Nikko, Reyver, at Luan. Sila Eron, Gabby, Hendrick, at Reo ay 18 na. Habang ang dalawang sina Larry at leader nilang si Cypher Ryu ay 19.
" Fafa Louie, dumating ka!"bakas ang tuwang bungad ni AC.
" Buti naman at dumating ka. Kala namin ay hindi ka pupunta eh." Dyllan.
" Ang cute mo sa suot mo Kuya Louie." Komento ni Yohan sa suot ko. Kuya na talaga ang tawag niya sakin.
Hanggang sa sunod sunod na nilang cinompliment ang kacutan ko daw dahil sa suot ko. Ang suot ko lang naman ay pink na hoodie, baggy pants, white sneakers, at shempre hindi mawawala ang glasses.
" Diba insan, ang cute ni Louie?"baling ni Yuel sa pinsan niya.
Hindi ko alam kung anong meron sakin at hinintay ko talaga ang sasabihin niya. Kinabahan pa ko sa kung anong ikokomento niya kung sakali. Pakiramdam ko ay ang kaniyang compliment ang makakapag paboost ng confidence ko sa pagsusuot ng pormahan ni bunso.
" Yeah, he's cute. It suits him good."sabay iwas ng tingin.
Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pamumula ng pisngi ko. Siguro kung hindi masyadong madilim sa pwesto namin ay makikita nila ang pangangamatis ko sa pagkapula.
Pumasok na kami ng dumating na ang iba. Malakas na music, mga nagmemake out, sumasayaw, at umiinom ang bumungad samin. Humanap na kami ng pwesto at umorder na ang iba ng maiinom.
_ ツ _
Ilang oras na ang tinagal namin dito at yung iba ay nagkalat na sa paligid, maghahanap daw sila ng chix hindi daw pwede na hindi sila makadilig ngayong gabi.
Pakonti konti lang ang inom ko para naman hindi nila isipin na mataas ang tolerance ko sa alak. Nakasandal lang ako habang umiinom dito sa couch sa pwesto namin at pinapanood kung pano maging mas wild ang paligid ng mas lumalim ang gabi. Nakikita ko pa ang iba naming kaklase na may kasayaw at kahalikan sa dance floor. Mga lalake nga naman.
BINABASA MO ANG
She's The Badboy
RandomSynopsis Blood is thicker than water they say. The question is, how far can you do just because of the love you have for your family? Especially your sibling. Naparusahan na lumipat at tumira sa ibang bansa sa loob ng ilang taon si Louise. Ngunit sa...