C H A P T E R • THIRTEEN

115 11 0
                                    

- CHAPTER THIRTEEN -

Pabalik na ko sa room. Kahit na absent ako ng isang subject ay bahala na. Basta ay matagal ko lang ang impluwensya ng alak sa katawan ko. Galing ako sa shower room, shempre ano pa bang ginagawa dun? Edi naligo ako. Nakapag palit narin ako ng damit. Sigurado na kong hindi na ko mangangamoy alak. Fresh na ko ngayon.

Ininom ko rin yung kape na binigay sakin kanina ni Cypher. Gusto ko ngang kutusan ang sarili kasi habang iniinom ko yun kanina ay hindi mawala ang pangangamatis ng mukha ko. Manginig nginig pa nga kung humigop ako. Sa susunod nga ay matutulog ako pagkatapos ko uminom ng alak siguro ay epekto lang yun.

Nang marating ko ang room ay as usual maingay sila. Tumahimik naman ito ng pumasok ako.

" Yow Louie. Musta? Ok ka na?" Tanong ni Reyver.

" Oo ayos na." Nakangiting tugon ko.

" Buti naman! Nga pala bakit ka pala uminom?" Usisa ni Eron.

" Uh..."sh*t pano to? Hindi ako ready!

" Oo nga! Wag ka ng mahiya, magkwento ka samin. May problema ka ba?" Reo.

Hindi ako makapagsalita kasi wala akong maisip na idahilan. Idagdag mo pa ang tingin nilang feeling ko ay tumatagos sa pagkatao ko. Hindi ko sila matignan ng maayos. Humahanap pa ko ng magandang idahilan.

" Lika dito fafa Louie, upo ka sa tabi ko."yaya sakin ni AC.

Wala naman akong nagawa at umupo na lang sa tabi niya. Makikita mo sa mukha nila ang paghihintay sa isasagot ko.

" Uh... Ano kasi eh. Wala namang problema. Nagkayayaan lang." Paliwanag ko.

" Ahhh oh ayun naman pala eh! Wala naman palang problema." Ani Yohan." Pero bakit hindi mo kami niyaya? Duga mo naman! Sino ba kasama mo?"

" Si ano, si Reign."

" Si girlfriend naman pala." Larry.

" Kayo lang?" Sabat ni Gabby habang merong nakakaloko ng ngiti.

" Oo. N-namiss niya daw kasi ako." Celebration daw kasi.

" Ayun! Namiss pala ni girlfriend!... Masarap?" Nikko.

" Huh? Uh oo, masarap." Masarap naman yung alak eh. Branded yun shempre bigatin ang mga iinom.

" Oooh!"sabay sabay nilang ani.

" Sh*t men masarap daw!"

" Shempre! Ikaw ba naman magkaroon ng ganung chika babes tignan natin kung hindi masarap yun."

" Teka guys ako naman magtatanong... First time mo ba?" Pakikisali ni Barron.

_ ツ _

Ito first time, ngayon ko lang nakitang nakisali siya sa kantyawan ng mga kaklase namin. Silang dalawa kamo ng leader nila. Ang pinagkaiba lang ay itong si Cypher ay wala pa ring pagbabago tahimik parin at taimtim akong pinagmamasdan.

Pinagmamasdan? Pinasadahan ko siya ng tingin at nalaman kong pinagmamasdan niya nga ko ng magtaka ang aming mga mata. Ngunit agad na uminit ang aking mga pisngi dahil bigla kong naalala ang nangyari kanina. Sabay nanaman kaming napaiwas ng tingin. Ako ay nangangamatis ang mukha,siya naman ay pisngi at ang tungki ng kanyang mga tenga. Siguro ay parehas kami.

" Uh first time? Naku hindi ah. Nakailang ulit na rin, nasanay na kasi kaming dalawa. Yung ito lang ang umabot kami ng umaga." Mas lalong lumaki ang mga ngisi nila at mas lalong umingay.

" T*ng*n* pre! Apakaswerte!"

" Woohoo! Astig mo men inabot ng umaga!"

" Lintik na yan, Idol!"

" Grabe ka! Teka ito since inabot ng umaga, nung tinigilan mo gano kapula?"

" Kapula? Yung ano?" Nagtataka kong tanong.

" Tek! Shempre alam mo na yun!"

" Yung ano nga?!"

" Yung perlas pre." Halos sabay sabay muli nilang ani.

Nangunot naman ang noo ko. Nalilito na ko sa mga unggoy na to. Mukhang tuwang-tuwa pa sila habang nagtatanong. Mga abnormal ata tong mga to eh. Yung perlas daw-- teka ano namang gagawin sa perlas? Nung ganap nun? Perlas, perlas, perlas...

" ANO?! NAKU GUYS IT'S NOT WHAT YOU THINK! HINDI YUN YUN! HINDI TALAGA!" Sigaw ko ng mapagtanto kung ano yung pinagsasabi nila.

Hindi ko naman alam na yun na pala ang iniisip nila. Nanumbalik ang pangangamatis ng mukha ko dahil sa kahihiyan. Gusto ko na talagang kainin ng sahig kasi hindi naman nila ako pinaniniwalaan. Tumingin ako sa leader nila para sana humingi ng tulong ngunit naudlot yun ng ulingan niya lang ako.

Hanggang sa mag uwian na ay kinakantyawan at tinatanong pa ko ng kung ano ano. Tulad ng ilang rounds daw ba kami, anong posisyon, tapos kung-- ayy basta!

- KINABUKASAN -

Pagpasok ko palang sa room ay kantyaw nanaman ang bumungad sakin. Tungkol nanaman ito dun sa kahapon. P*t*! Hanggang kelan ba ko magtitimpi? Gusto ko ng bangayan mga pagmumukha nitong mga to. L*tch*! Ang akala ko pa naman ay belong ako sa section na to dahil ' same vibes' pero di pala.

T*ng*na nila! Kapapanget kabonding!

_ ツ _


- END OF CHAPTER THIRTEEN -

She's The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon