C H A P T E R • TWENTY-ONE

103 15 0
                                    

- CHAPTER TWENTY ONE -

A week has been passed. Naging extra careful at maalarma ang buong section D. Una ay dahil sa baka balikan sila ng panibagong grupo ng mga kalalakihan at isa nanaman sa kanila ang kabanatang, at pangalawa ay dahil din dun sa kung sino mang pumatay sa grupo ng mga lalaking ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang nag-utos nun sa mga lalake. Napapaisip na nga ako kung napagtripan lang ba si Nikko, o meron talagang nakapag utos sa kanila.

Kasi kung napagtripan lang naman ay bakit meron silang dalang armas. Ang sabi naman ni Nikko ay hindi niya kilala ang mga ito.

Papunta kami ngayon sa cafeteria at napagpasyahan nilang dun na lang kumain ng lunch dahil nandun daw si Eron. Nag part time daw sya. Busy ang utak ko sa pag-iisip pero nakikiramdam pa rin ako sa paligid. At nararamdaman kong merong mga matang nakamasid samin. Hindi ko mawari kung bakit, pero kanina ko pa sila nararamdaman simula ng lumabas kami saming silid.

Pasimple kong iginala ang aking paningin at tama nga ako. Meron. Dalawa sila, at sinusundan nila kami. Ilang metro lang layo nila samin. Hindi mo sila paghihinalaan dahil nakasuot sila ng pang estudyante.

" Uy, Louie. Nakikinig ka ba?" tanong ni Dyllan.

" Ha?" may sinasabi pala siya?

" Aishh! Ano ba yan. Sige mamaya na lang ulet, ayan na yung cafeteria oh."

Deretsong pasok na kami sa loob nito. Pagtapak pa lang sa loob ay nabaling na agad ang tingin ng mga estudyante samin at napatigil sa paguusap. Akala ko ay tahimik na sila ay hindi pala. Kasi kalaunan ay napalitan ito ng tilian at bulungan.

" KYAAAAAHHHH! ANDITO ANG SECTION D!"

" OH MY GHAD! Bakit hindi ako informed? Hindi tuloy ako nakapag retouch."

" DITO NA ULET SILA KAKAIN."

" AYIEEEE, MAKAKASAMA NA ULET NATIN SILA!"

" MGA ASAWA KO, ANDYAN NA!"

Tulad na lamang noong unang araw ko dito sa eskwelahang ito. Malalakas na tilian ang bubungad sa grupong ito. Ang pinagkaiba lang eh, isa na ko sa kanila.

Umupo na kami at ipinagsawalang bahala na lamang ang ingay sa paligid. Pinili namin iyong pwestong magkakasya kaming lahat. Iilan lang naman kami. Patuloy parin ang ingay hanggang sa makaupo kami.

" Ano ba yan! Ang ingay namaaaan!" pagpaparinig ng nasa kabilang lamesa kung kaya't natahimik ang paligid at bumalik na lang sila sa kanina nilang ginagawa.

May ilan pang bumubulong ng kung ano ano pero hinayaan na lang. Wala na rin ang kaninang nakamasid samin.

Tinignan ko yung nagparinig kanina. Pamilyar siya sakin pero hindi ko alam ang pangalan. Meron rin siyang mga kasama na pamilyar sakin. Ang alam ko ay nakita ko na sila sa dati kong section, section A. Siguro ay mga naging kaklase ito ni bunso.

Ilang sandali pa ay pumunta samin si Eron. Suot nito ang tulad ng mga stuff dito at nakapaskil ang isang malaking ngiti. Kinantyawan agad sya ng mga kasama namin ng makalapit.

" Yun oh! Eron ' gwapings ' Miraculo mga ser!"

" Pogi natin pre ah."

" May discount ba kami?"

Madami pa ito ngunit tinawanan lamang ni Eron sila. Nakakatuwa silang pagmasdan. Pati ako ay napapangiti na lang tulad ng ibang hindi masyadong maingay samin. Ang ganda ng samahan nila kahit na nasa huling section sila. Magkakapatid pa ang turingan.

She's The BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon