CHAPTER TWENTY EIGHT
Chiaka
****
Para akong ewan dito sa kwarto namin nakatulala at hindi umiimik di pa rin kasi maabsorb ng utak ko yung mga nalaman namin nung nakaraan at ngayon naman pinapatawag kami nila lolo kaya napagising kami ng maaga, ano ba naman yan inaantok pa ako. Humiga ako ulit at pumikit pero may bumato sakin ng unan at tiningnan ko kung sino.
"Tayo na jan" sabi ni Miyu at di ko naman sya pinansin.
Ipinikit ko ulit ako at binalak matulog ng maramdaman kong parang umaangat ako at nung idinilat ko ulit ang mata ko nakita kong nakahiga ako papunta sa CR saka ko tiningnan yung nasa pinto, ugh! Mga wala ba tong balak patulugin ako?
"Oo na baba mo na ako Rika" nakasimangot kong sabi at binaba naman nya ako "Mga walang balak matulog eh alam nang di ako agad nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi nila Makoto at Shana eh" dagdag ko pa habang papasok sa loob ng CR
"Abah babae wag kami ang sisihin mo sila lolo dahil sila ang nagpatawag sa atin" sabi naman ni Jaja bago ako makaderetso sa loob.
Ano naman kayang sasabihin nila lolo? Ang aga aga naman kasi nila kami ipatawag like hello~ normal na gising ko pag di ako nakakatulog ng maayos sa gabi ay 11AM tapos ngayon? Wow ang aga nila ah yung totoo natulog ba sila? Hindi kami natulog, pasensya na apo kung napaaga ang gising nyo kailangan nyo na kasi to sige na bilisan mo nangmaligo jan at naririnig ko ang shower tsk lolo naman kung may sakit ako sa puso baka namatay na ako dahil sa pabigla bigla mong pagsasalita sa isip ko ano bay an di naman ako nakakabasa ng isip pero nakakarinig ako ng isip sa loob ng isip ko. Gaya ka talaga sa mama mo reklamadora din Dalian mo na baby hahaha sumisingin ka na rin po lola ah! Oh sya oo na po maliligo na ako at manahimik na kayo jan
Pagkatapos ng maikling usapan nay un ay agad naman akong naligo at ginawa ang dapat gawin pagkatapos ay lumabas na kami sa dorm at dahil may mga klase ang lahat ngayon walang masyadong tao dito sa labas at iilan na lang siguro dahil sa break time nila or di kaya wala silang teacher. Pero di pa rin nawawala ang tingin nila sa amin, wala na bang ibabago to? Yung totoo di na ba kami talaga normal? Ay natural di na may mga powers daw kami na kung tawagin nilang Ability.
BINABASA MO ANG
Twelve Academy: The Beginning
FantasíaWhat if there's a light would you allow your curiosity to follow it? Start: February 24 2015 (Draft) May 01 2015 (Publish) End: July 26 2015
