The Forbidden Spell

5.5K 173 5
                                    

CHAPTER FORTY NINE


Ritzu


***


"Excuse me"


Napalingon agad ako sa nagsalita at nakita ko ang isa sa malalakas namin na kakampi.


"Vinle"


"Paki asikaso naman sya kailangan nya ng magamot di ko natanggal ang lason sa sugat nya pero nabigyan ko na sya ng first aid" pagkasabi nya nun ay agad naman syang umalis.


Isa ako sa best medicine maker dito sa Mint Academy at di ko aakalain na ang isang lalaking hinahangaan ko sa pagiging healer ay nakausap at kinausap ako saglit. Inalalayan ko ang babae at inilagay sa isang bed, nasa labas lang kami ngayon dahil sa loob ng school ginagawa ang lahat mula weapon hanggang sa medicine.


"Ritzu dun ka sa may portal mag bantay pero wag na wag kang lalabas"


"Opo"


Ako lang ang may courage sa school na to na tumingin sa nangyayari dahil di nila kayang makita ang mga actual na namamatay sa labanan, pagdating ko sa portal agad kong nakita ang isang lalaki at sa harap nya ang walong malalakas. Si Hector na ata yun. Kinilabutan ako ng may hinagis sya sa dereksyon ko at nadaplisab ako sa pisngi.


Shemay napansin at nya ako, pero sorry ka dahil di ako basta basta nasisindak. Sila Miyu, Rika at Renji ang nasa front line nasa likod naman nila at nakaabang si Chiaka at Jusper tapos sa likod nila Chiaka si Maya and then sa likod naman ni Maya si Vinle.


Nanood ako sa laban pero kinagulat ko ang mga sumunod na nangyari.


------


Maya


***

Kinakabahan ako sa mangyayari pero pinipilit ko pa ring magpakatatag dahil alam kong ganito din ang nararamdaman nila Rika, hindi ako mahilig sa away dahil si Kuya ang nakikipag away para sakin pero ngayon kasama ko sya at nakikipag laban sa di ordinaryong tao na gaya namin.


"Maya ngayon na!" sigaw ni Miyu kaya naman agad kong pinatigil ang oras "Chiaka! Jusper" pagkatapos ay nagkaroon ng circular spell sa harap nila Miyu at sa gilid nun mga kaluluwa "This is ours!"


Sumugod sila Miyu, Renji at Rika pero agad naman silang tumalsik pabalik samin, di gumana ang plan A. Agad na nagliwanag sila Miyu at nawala ang mga sugat. Thanks to Vinle.


"Plan B" sabi ni Chiaka at sya ag umabante.


Nasa front row mag isa si Chiaka sa likod nya ako and then sila Miyu, Rika, Jusper at Renji sa Pinaka likod naman si Vinle. Meron kaming pitong plano pero di namin alam kung may magtatagumpay ba sa mga yun!

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon