CHAPTER THIRTY TWO
Jusper
***
Nadito kaming lahat ngayon sa kwarto nila lolo. Kaming SL, sila lolo tapos si Shana at Makoto. Hindi namin kasama sila Kesha at Akiko dahil hindi pa ganun katibay ang tiwala namin sa kanilang dalawa dahil pwede pa rin nila kaming traydorin kagaya nung ginawa ni Jordan sa school, pero sana naman wag na ulit mangyari yun. May sasabihin daw kasi si Maya na napaka importante kaya naman lahat kami ay nacurious tungkol pa naman to dun sa Phantom War kaya mas nakakataas ng tension.
"Ano bang sasabihin mo Maya?" Panimula ni lolo January at napalunok naman si Maya
"Kanina po kasi habang nagdidiscuss po si Lola eh parang may sumabunot sakin na naging dahilan para mapatingin ako sa kisame at kasabay po nun eh may nakita ako"
Lahat kami nagtaka I mean kaming SL lang dahil sila lola at sila Shana at Makoto ay napagasp tipong parang alam na nila kung ano ang mga sinasabi ni Maya. Nagbigay ng sign si lola Feb na ipagpatuloy ni Maya ang pag kwento kaya naman nag nod lang si Maya at saka nagsalita ulit.
"Nakita kong nasusunog ang lahat ng bagay dito sa school, maraming sugatan, maraming patay at isa pa po nakita ko din po yung lalaking may gawa nun pero di po ganun kalimaw. Tumatawa syang parang demonyo"
Kinilabutan ako sa sinabi ni Maya, parang mas matatakot pa ako sa lalaking yun kesa sa sarili kong ability. Napabuntong hining si lolo March at saka tumingin samin kaya naman napaupo kami ng maayos dahil sa kaba.
"Yun na ata ang sinasabi nilang pinakamalakas sa Chase Phantom" sabi ni lolo March at napabigat pa lalo ang pakiramdam ko
BINABASA MO ANG
Twelve Academy: The Beginning
FantasyWhat if there's a light would you allow your curiosity to follow it? Start: February 24 2015 (Draft) May 01 2015 (Publish) End: July 26 2015
