Mission 5 : Blue Eternal Stone 1.2

5.3K 160 2
                                        

CHAPTER FORTY FIVE

Jaja

*****

Hindi namin alam kung ano ang nangyayari dahil kanina lang eh parang lumilindol tapos ngayon eto ang dadatnan namin? Di pa nga magaling tong si Akihiro eh.

"He's one of the Chase Phantom and he's here to kill Ran and Ayumi pero bago nya pa yun magawa ay hinarangan na sya ni Akihiro and ngayon target na din nya si Akihiro" Thanks to Miyu's ability, ngayon alam na namin kung anong nangyayari.

Nakita naming bumagsak si Ayumi sa simento at nagkaroon naman ng crack sa lakas ng impact. Di na ko nakapagpigil dahil di naman kayang makipaglaban si Ran ngayon, nag dodge ako ng pagkataas taas papunta doon sa lalaki saka ko isinummon ang two eyes ko at inihampas sa kanya nagulat naman ako dahil nasalag nya ang tira ko habang nakikipaglaban sya.

Ngumiti sya ng nakakatakot at di ko yan nagugustuhan kaya naman sumugod ulit ako. Oo mabilis sya di ko mapagkakaila yun pero di ako magpapatalo, nahagip ng mata ko si Akihiro at nakita ko naman ang gulat sa mukha nya. Yan, yan ang gusto ko makita.

"Akihiro back me up"

"Okay Jaja, I didn't know that you are good at sword"

"Stop chitchat."

Sumugod ako sa lalaki at habang papalapit ako ay inaayos ko na ang espada ko, nababalot na to sa matatalim na yelo. Pero kahit na nababalot na sya ay nagawa pa rin nyang salagin ang tira ko at di ko man lang nakita ang ginawa nya. Sumakit ang tagiliran ko at nakita kong may dugo, shet how did he do that? Naramdaman kong nalalaglag na ako kaya naman pumikit na lang ako, masakit ang impact nitong pagbagsak ko panigurado ako.

"Jaja" dinig kong boses ni Jusper, parang ewan ako naririnig ko ang boses ni Jusper "Hoy Jaja alam kong di ka pa mamamatay dahil di mo ko kayang iwan"

"Baliw" sabi ko at nilapag nya naman ako at saka nilagay ni Vinle ang kamay nya sa tagiliran ko

"Para ka talagang ewan Jaja masyado mong pinag aalala ang lalaking yun" saka sya tumingin sa taas at nakita ko namang nakikipag laban si Jusper "Ibang iba si Jusper pag ikaw ang nasasaktan hahaha pagmamahal nga naman oo"

Nakita kong gamit gamit ni Jusper ang soul blade nya pero napatitig ako dito parang di ko pa nakikita ang blade na yun, napapikit naman ako bigla ng makaramdam ako ng sakit at pagmulat ko ng mata ay nakita kong ginamit ni Rika ang rare summoning nya at madaming short knife ang nasa likod nya.

"Bilisan mo Vinle kailangan kong tumulong" sabi ko at umiling sya

"Sorry Jaja pero sa lalim nito ay matatagalan akong pahilumin to and besides the sword he use is not ordinary"

Napakagat na lang ako ng labi dahil sa sinabi ni Vinle, nakita ko kung paano makipaglaban at makipagsabayan sila Rika, Jusper at Akihiro sa lalaking Chase Phantom. Kung di ko sya matalo pano ko pa matatalo ang iba? Nakita ko ring nakisali na si Renji sa laban pero nagtatataka ako bakit di sumasali sa laban sila Miyu.

"Masyado ka kasing hot di ka man lang naghihintay ng utos ni Chiaka tingnan mo yang nangyari sayo, bago pa masabi ni Maya ang nakita nya eh nandun ka na nakikipaglaban. Ano ba namang pumasok sa isip mo ha?" Its Miyu

"Sorry"

"Hayaan mo na lang si Renji at Jusper jan, nakita ni Maya na silang dalawa I mean tatlo ang katapat ng lalaking yan." Tumingin naman si Rika sa taas na parang sumasayaw ang apat sa pakikipaglaban, nasa baba na pala sya.

Itinaas ni Renji ang Legendary Wind Sword nya at nagkaroon sa liwanag sa dulo nun kasabay nun ay ang pagkakaroon ng mga kaluluwa na pumalibot dun at napalibutan pa ulit ng apoy. Ang Infinite na share nilang dalawa kasama ang di SL? Pumikit lang ako saglit at pagdilat ko ay nakita ko na lang na nalalaglag ang lalaki at habang nalalaglag sya ay nagiging abo sya.

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon