Author's Note: Yehey malapit ng matapos ang Twelve Academy, ang sarap magsulat ng magsulat I mean mag type ng magtype nakakawala ng stress. Enjoy kayo sa pag babasa salamat ng marami.
CHAPTER FORTY SEVEN
Miyu
***
Madaling araw na ngayon pero ito pa rin kami nasa sala at pinagpaplanuhan ang gagawin naming kung ano anong klaseng logic na rin ang binigay naming sa isa't isa pati na rin ang mga nakaraang logic dito sa school pinag isipan na rin namin. Baka mamaya nyan di naming masagot ang kay Aina edi nalagot na.
"Ano Jaja wala ka na bang ibang maisip? Ikaw ang valedictorian dito satin"
"Walang hiya kang lalaki ka anong akala mo sakin utak ng lahat?"
"Ganun na nga babae"
"Tama na yan baka bigyan nanaman kayo ni Vinle ng kutsilyo tingnan nyo nakatayo na sya" sabat naman ni Chiaka at tumahimik naman si Jaja at Jusper kaya naman natawa kami.
"Kaasar naman bakit kutsilyo pa kasi ang ibibigay samin? Tsk kung di ko lang mahal tong lalaking to baka nasaksak ko na talaga to"
"Itong babaeng to sarap na sarap sa pang aasar sakin pero kahit na ganun mahal ko pa rin sya"
"Ang sarap siguro maging in love noh?" isang malaking mata naman ang ibinigay nila sakin "Hahaha bakit ba ganyan ang mukha nyo?"
"This is the first time na magsalita ka tungkol sa love anong nakain mo?"
"Jusko Maya wala akong nakain it just that nakakabasa lang ako ng isip" tapos kinindatan ko sila Jaja at Jusper at parang bigla namang namula ang dalawa hahaha
"Anong sabi anong sabi?" pang aasar naman ni Rika.
"Ganito kasi yan Rika---"
"MIYU"
"Hahahaha oo na di ko na sasabihin sige mag asaran pa kayo at lalabas na lang yun bigla sa bibig ko"
"Hindi na po" sabay nilang sabi.
Nagpatuloy na lang kami sa ginagawa namin at noong nakaramdam na kami ng pagod ay agad naman kaming tumayo at saka naligo. Alam naman naming masama maligo pero kailangan naming mawala ang antok namin dahil ngayon din kami pupunta sa Black Forest para lang makausap sila Aina.
Nung matapos na kaming magprepare ay agad naman kaming lumabas at ang nakakagulat ang daming tao ngayon, anong meron? Siguro sa sobrang pagod di ko narinig ang mga iniisip nila at siguro sa sobrang focus ko rin sa mga pinag gagawa namin di ko rin napansin ang mga nangyayari sa labas, siguro nga ito ang magiging kahinaan ko.
BINABASA MO ANG
Twelve Academy: The Beginning
FantasyWhat if there's a light would you allow your curiosity to follow it? Start: February 24 2015 (Draft) May 01 2015 (Publish) End: July 26 2015
