Jaja

7.1K 208 1
                                        

CHAPTER FIFTEEN

Jaja

*****
Nagulat na lang ako ng makita kong di pa rin gising sila Miyu lalong lalo na si Rika Usually kasi sila ang mga unang nagigising samin at ako ang huli at biruin mo nga naman oo anong nangyari sa mundo ngayon at bakit ako ang naunang gumising? Teka 2PM na? abah naman di man lang namin namalayang hapon na pala, tumayo ako sa kinahihigaan ko at saka nagpunta sa CR ng girls at naghilamos. Maayos pa naman ang mukha ko ganun pa rin wala pa ring pinagbago ang ganda ko pa rin.

Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon sa mundong ibabaw at biglang nag exist ang mga ganito to the point na isa kami sa mga magbabarkadang meron nitong mga superpowers na to well even though I still didn't know what kind of ability I have. Paki ko ba kasi jan? basta masaya sila masaya na rin ako lalong lalo na si Miyu, wag lang talagang masaktan ang babaeng yun kundi makakapatay ako ng tao ng di oras. Ganyan ko sya kamahal ayaw na ayaw kong masaktan sila, mas okay na ako kesa sila. Kaya ko naman kasing tumiis ng ganun kung gugustuhin ko yun nga lang di ko nga lang kakayanun kung sila na mismo ang nasasaktan.

"Magpapamisa na ba ako?" agad na bungad sakin ni Jusper nung papunta na ako sa sala

"Wow ah! Galing mo talaga, ang aga aga galing mo manira ng mood -___-" sabi ko sa kanya at tumawa lang naman sya

"Hahahaha nakakagulat lang at mas nauna ka pang magising kesa sa kanila" sabi nya naman sakin at tumayo sya "Kumain ka na? nagluto ako jan! lalabas lang ako saglit" sabi nya at naglakad na sya

"Teka, hintayin mo ko kakain lang ako at maliligo lalabas din ako" sabi ko sa kanya at nagulat naman sya pero agad namang naningkit ang mata nya

"Alam mo ba kung gano ka katagal maligo Jaja?"

"Ahm~ one and a half hour?"

"For pates sake Jaja, alam mo bang aamagin ako nyan kakahintay sayo?" naiinis nyang sabi, kaya ang sarap asarin ng lalaking to eh laging napipikon

"Panis ka na kasi, oh sya layas na baka matapon pa kita sa basurahan" natatawa kong sabi at umalis naman sya.

Hindi ko alam kung bakit pero nasasayahan talaga ako tuwing nakikita kong asar na asar na sakin si Jusper, hahahaha siguro dahil sa mas masarap syang asarin dahil sa pikon sya. Pero kung pikon yan once na magsalita yan putek napapatahimik ako sa salita nya. Pero kahit na ganun yan di ko alam pero parang ganun na talaga yan hahahaha ang gulo ko, kumain lang ako habang nakatulala. Di ako sanay na walang T.V habang kumakain, pano ba naman sa bahay lagi kaming nanonood kapag kumakain kami.

"Oh anong nakain mo?" tanong sakin ni Vinle at ngumiti naman ako "Iba atang ngiti yan ah" dagdag nya pa

"Alam nyo kayo kung ano ano na lang ang napapansin nyo sakin noh? Favorite nyo ko asarin noh?" tanong ko at nag nod naman sya abay napaka honest naman ng batang to =___= "Kain na nagluto si Jusper lumabas lang saglit yun ewan ko kung anong gagawin" sabi ko at kumain na ulit.

Kumuha naman sya ng plato, kutsara at tinidor nya saka sya kumuha ng pagkain, masarap naman pa lang magluto ang bakulaw na yun eh, mas masarap pa ata to sa luto nila Chiaka at Miyu. Bakit kaya nagluto to ngayon ano kayang nakain nun? Bakit kaya ganun yun? Himala lang matuturing ang ganito, tumingin ako kay Vinle at parang alam ko na rin ang iniisip nya.

"Isang himala" sabi ni Vinle at natawa naman ako, sabi na nga ba at iisa lang ang nasa isip namin.

Himala naman kasi talagang matuturing sa pagkakaibigan namin ang ganito, I mean yung minsan ginagawa nang lagi tapos yung di pinapakita lagi nang pinapakita, nakakagulo talaga ang nangyayari ngayon sa mundong to. Nakakawindang silang lahat.

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon