Chapter 2 *Embarrassed*

85 5 0
                                    

Lumabas na ako doon sa loob nang room at naglakad na rin. Tinignan ko yung papel na copy ko nung pinirmahan niya sa akin. Pagkabasa ko eh ito yung nakasulat sa handwriting niya.

R-12 Skateboarding Team

Hmmm.. bakit kaya R-12? Kung sabagay at kung meron pa siguro silang ibang members na hindi ko nakikilala maliban doon sa tatlo, ewan ko na. Mukhang makukulit kasi sila eh.

Isa sa nagustuhan ko dito sa Sports Curriculum wh yung uniform. Jogging pants kasi ang regular. Syempre ako, kumuha ng Large na T-shirt at XL na pants. Gusto ko kasi malaki eh. Isa pa, yun naman yung nakasanayanko.

Nung nasa Computer Curriculum ako, skirt at blouse naman yung regular uniform. Pero ako eh kumuha ng pagkahaba-habang  skirt na talagang aabot sa ankle ko, at hindi ako bumili ng blouse. T-shirt sin na malaki yung binili ko pero school related. Tapos naka rubber shoes ang madalas kong attire with sumbrero para cool tignan. Hindi ko kasi ma imagine na naka-blouse ako. Kaya nga sa Guidance kanina sinabihan ako na mag-blouse daw ako paminsan-minsan. Yun na yung problem eh, wala ako nun.

Hinahanap ko na yung classroom ko. Malapit na din naman mag-uwian kaya ok lang kahit hindi na ako pumasok. Nung nahanap ko na yung room number ko, tumingin ako sa bintana at mukhang ang ingay-ingay nila sa loob. Yun pala eh nagsasayawan doon at palakpakan naman yung iba. Wala kasing teacher.

Nung lumapit ako ng kaunti.. .alam ko na kung sino. Kung hindi lang din naman si Shanlynn Urduja, ang pinakamaarte sa lahat ng pinakamaarte. Alam ko exaggerated na masyado, pero kahit kailan talaga hindi ko siya magustuhan.

Kung sa movies at may nakikita kayong popular girls na mean, at sa totoong buhay eh hindi naman sa lahat ng school eh may ganun, dito sa school namin eh meron at usong-uso. Palibhasa kasi malakas siya sa principal ng school.

Naghintuan naman silang magpalakpakan at parang alam ko na kung bakit. Nakatingin c Shanlynn sa akin.

"Hindi ako makapaniwala na may isa pa pala akong fan na nasa labas? Bakit hindi niyo papasukin!" nagkukunwari lang naman siya nun pero nagtawanan yung iba. Paglabas niya eh tumingin siya sa akin, "Ohh, I thought you're a guy! Opps. my bad! Malay ko ba na si Chris pala!"

"Really? Ang labo na pala ng mata mo. Mag salamin ka kung may problema ka sa paningin. Ay hindi pala, contacts na lng. You look like one of geeks kapag salamin eh. So, why not try faking it?" Dumaan ako at nabanggan ko yung isang balikat niya.

Nag-cheer naman yung iba sa akin. Akala niya ha! Excuse me? Ako Shanlynn?! In your face!

Dumaan na ako dun at naghanap ako ng bakanteng upuan. Nakakita naman ako sa bandang dulo at syempre, nadaanan ko yung iba.

"Hi Chris!"

Nakipag-tapikan lang din ako sa kanila gaya ng ginawa ng mga lalaki. Panay pa ang sabi nila sa akin ng 'Bro musta na?'.. .

Naupo ako doon sa dulong upuan at yung mga katabi ko eh malalayo so mag-isa lang ako doon. Nag-chewing gum pa nga ako eh. Tapos dumating yung isang teacher. Dahil ako lang yung nakasumbrero, napansin ako kaagad.

"I can see na may bago pala tayong makakasama.."

"Yeah. a bubblehead freak!"

Hindi ko na pinansin si Shanlynn nun. may teacher kasi kaya hindi na muna ako papatol.

"Mr .. I mean Miss.. uhmm.. pwede tumayo ka dito at magpakilala ka?"

see? Pati teacher nagkamali sa akin sa unang tingin.

Kapag hindi mo kasi ako kilala at isang bese mo lang akong tinignan, siguro nga lalaki ang tingin mo. Pero kapag ilang beses mo akong titignan , mapapansin mo na babae pala ako.

Even in the inside.

Pumunta ako doon sa harapan. nag-chewing gum parin..tapos nagsalita.

"Chris Orellana." yun lang yung sinabi ko tapos umalis na ako sa harapan.

Nagulat yata sila sa akin dahil ang ikli nung sinabi ko. Ani bang pakialam nila?

Tapos nanghina na lang yung tuhod ko nung may bumati sa akin sa pagbalik ko sa upuan.

" 'Zup Chris! Welcome sa Sports Curriculum!' " It's Chester.

Siguro nga kakaiba pero tuwing nakikita ko yan, lagi akong pumapalpak. Kung hindi matatapon yung iniinom ko, mauuntog, o kaya naman..

"Hey.. ok ka lang?" inalayan niya akong tumayo dahil nadapa ako. Sinasabi ko na nga ba papalpak na naman ako eh.

"Ok lang pare!"

Tinawanan na naman ako. Akala ko dala lang nung pagkakadapa ko ng nanghihina kong tuhod, nakita ko si Shanlynn. Nakataas yung kilay niya sa akin niya sa akin, at yung paa niya eh nasa daan.

Away ito!

Tinuloy ko na lng yung pagbalik ko hinintay ko yung uwian. Kaya nga nung nag-alarm kahit na nagsasalita pa yung teacher eh wala na kaming pakialam lahat at lumabas na kami. Si Shanlynn naman, inabangan pa talaga ako sa labas.

"You don;t belong here! Look at you! Doon ka dapat sa geek people curriculum!!" with matching swing pa siya ng hair niya.

May umakbay naman sa balikat ko at hinigpitan pa kaya napalapit ako sa kanya ng de-oras. Tumama pa nga yung sumbrero ko kaya nag-panic ako at baka mahulog.

Pagtingin ko, yung lalaki pala kanina.

"Shanlynn, that's so rude! She's on my team. So if you wanna mess up with her, you should mess up with me."

"How pathetic Ash! Magsama pa kayo!" tapos tinalikuran niya kami parehas at sumama na doon sa barkada niya.

Nakatayo lang kami parehas ni Ash dun at hindi kami nagsasalita habang pinapanood namin na makalayo si Shanlynn.

Tapos na isipan ko rin magsalita..

"I hate her."

Nagtinginan kaming dalawa.

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon