Chapter 20 *Realize*

22 2 1
                                    

Matapos niyang sinabi yun, iniwan niya akong nakatayo at dumire-diretso na siya sa pag-alis niya. Ako naman eh tumalikod din sa kabilang direksiyon at nagsimulang maglakad papunta sa garden. At least doon walang tao at tahimik.


Nung nakaupo na ako mag-isa sa bench, saka na ako nagisip-isip kung ano ba talaga yung deal na pinasok ko. Forget about the whole 'Rules' thing, gusto ko lang pag-isipan eh yung Deal in general.


Para saan nga ba yun???


I know this deal means alot to him. Si Shanlynn, selfish naman yung bruha na yun. Gusto niya lahat ng attention nasa kanya. Lalo pa ngayon at ako yung archenemy niya na bigla na lang nabigyan ng atensiyon galing sa skateboarding captain, parang sinaksak na rin siya sa likuran niya dahil lumalabas na pinagpalit siya ni Ash sa akin. Then... she'll realized she likes Ash. Oh wow! Big deal! Lahat naman yata gusto niya. Tapos anong gagawin ni Ash? Gaganti sa kanya? I like the idea... so case closed.


Eh ako naman... para saan? Isa na siguro sa reason ko eh si Chester. Ok, I like him. May crush na ako sa kanya dati pa. Hindi ko lang inaamin sa sarili ko. Pero dahil si Shanlynn nga ang lagi niyang kasama, parang tinatamaan na rin ako. In short, nagkabaliktad kaming dalawa. And of course, the pageant thing. I don't want to look stupid in front of everybody. Ilang beses na akong nagmukhang ewan sa kanila, ayoko nang masama pati yung ibang guests sa araw na iyon. And it's a chance to prove na Chris... is Chrisandra. More of a Miss... not Mister...


I don't care about those rules. Ni-hindi ko na nga sila matandaan eh! Rule-12 lang talaga ang pinapakialaman ko. Hindi nga ba siya pumayag noon? Hindi ko na matandaan. Pero sinabi niya eh. Ang masaklap pa sa lahat, wala pa yun sa papel na sinulat niya. Bakit ba hindi ko yun naisip noon?


At ano nga ba si Ash sa akin? Natatakot ba ako sa kanya kaya ganun ko na lang kagusto na may distance sa aming dalawa? Ewan ko ba. Ang gulo ng utak ko ngayon.


Nag-alarm na at magsisimula na yung first class. Tumayo na ako doon sa bench at pumunta na ako sa classroom.


Naupo ako doon at dinaanan ko pa si Ash. Hindi kami nag-usap na dalawa. Papalipas oras na lang muna kami siguro.


Nagklase kami ng walang imikan. Ganun din ako sa kanya. Mukhang hindi nga rin siya nakikinig nun kagaya ko. Paano ba naman nung tinignan ko siya sa kabilang table nagda-drawing lang siya sa notebook niya. Narinig ko na lang na sinabi niya ng mahina...


"Cinderella.." ano daw?


Hindi naman siya ganun kagaling mag-drawing pero kitang-kita mo na may babae doon na naka-gown tapos may lalaki na naka-kabayo.


"Cinderella?"


Ngumiti lang siya sa akin.


"Kita mo sa drawing na niyayaya siya nung Prince 'di ba? Pero nagdadalawang isip siya. Sabi nga ni Cinderella, 'Do you love me because I am beautiful, or am I beautiful because you love me?' "


Nagtataka naman ako sa kanya.


"Yeah.. so?"

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon