Chapter 3 *~Continuetion

60 3 6
                                    

"Ask that menace! Argggghhhh!" kumuha siya ng tissue at pinunasan niya yung mukha niya. Tiyak malagkit yun.

"Anong ginawa mo..    Mr.. . I mean Miss... ?"

"Kung anong itsura ng ginawa ko, yun na yun. She started it. Nilagyan niya ng lead yung pagkain ko."

Napuno yata yung teacher sa amin lalo na nung simulang magreklamo ni Shanlynn. Tapos sumigaw siya ng 'REFERRALS!!!'

Imbis na malungkot ako doon sa referral na natanggap ko, natuwa pa ako. I think it's worth it.

Lumabas na ako ng cafeteria, bumalik sa classroom, at syempre.. . nagklase. Meron pa bang iba? 

Pero bago pa yun.. naramdaman kong nag-tap sa likod ko.

"Good Job!"

Sabi nga nila, never-ever as in never messed up with the queen dahil nga parusa ang aabutin mo. Dito siguro sa Sports Curriculum, si Shanlynn ang considered QUEEN. Alam kong hindi siya basta-basta magpapatalo sa akin, kaya ano mang oras niyan eh gaganti na siya.

Pero umabot nun yung hapon eh wala pa rin talaga siyang ginagawa sa akin. Instead, masasamang tingin lang talaga. Siguro nga inover-estimate ko siya, she's weak!! Akala niya huh!

Nung breaktime uli namin ng hapon at hindi ako lumabas,pumasok si Ash na ang dumi-dumi ng damit. Dumeretso pa nga siya sa CR at may dala-dala siyang shirt. Hindi ko na lang pinansin. Instead, nabaling yung attention ko kay Shanlynn.

"Hey people! Practice time na natin ngayon di ba? So labas na! Chupi!" tapos nagsilabasan naman yung iba.

Ako rin naman lalabas na kaya lang may isang babae na kumausap sa akin.

"Chris, pwede mo bang kunin yung bola ng volleyball doon sa dulo. Ikaw kasi pinakamalapit eh."

"Ohh. ok." pumunta naman ako doon sa dulo.

Nung nakuha ko na yung bola, bigla ba naman silang nag silabasan at sinira yung pinto. Napatakbo ako ng de-oras kaya lang nailock na nila sa labas.

"Sorry! Ako pa kasi pinili mong kalabanin eh!"

In short, yung babae kanina eh kunwari pinapakuha lang niya yung bola para lumayo ako sa pintuan at hindi ako makalabas. Ngayon.. ako lang yung mag-isa dito na naka-lock! Practice period pa naman daw!

Grrrr!! Nag-iinit talaga yung ulo ko doon.

Dahil wala naman akong magagawa at nakakandado doon sa labas, umupo na lang ako at kinuha ko yung gitara. Malay ko kung sino ang may-ari nun. Tutugtog na sana ako eh bigla-bigla na lang may ingay akong narinig sa CR. Hindi pa naman ako nakakita ng multo pero nakakatakot kung may ingay na ganyan at ako lang ang tao dito.

Kaya ang ginawa ko eh, nag dahan-dahan akong lumakad at pumunta doon sa CR. Medyo naka bukas kasi kaya nung binuksan ko.. .. . biglang sumara ng malakas.

Tumakbo nga ako doon sa board. May multo nga yata dito.

Tapos narinig ko na lang na may sumigaw... 

"Hindi na ba pwedeng magpalit dito ng walang nakikialam??!!!" 

whoa.. may tao pala??

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon