Chapter 38 *Shocking Events*

13 3 0
                                    

Nung tumakbo ako sa backstage eh doon na ako umiyak pero pinipigilan ko pa rin yung sarili ko dahil nga nasa pageant ako. Ayoko namang makita nila akong umiiyak. Nakita ko namang pababa na rin ng stage si Ash kaya sinimulan ko nang punasan yung luha ko at binilisan ko yung lakad ko in case na hindi niya ako makita. Pero hindi rin nagtagal, hinawakan na niya ako sa braso ko.

"Whoa.. whoa.. whoa.. wait." hindi na ako makalakad nun, "What was that all about?"

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso nun. Sa sahig lang ako nakatingin.

"I.. uh.. babalik na ako sa dressing room. Ok? Pwede ba?"

Hinawakan naman niya ako sa chin ko at inangat niya yung ulo ko.

"Hey Chris.. look at me. Chris.. look at me." tinignan ko na rin siya, "Anong problema?"

Hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa akin at hindi ko na alam yung mga gusto kong sabihin.

"Ewan ko! Hindi ko alam kung anong problema! Ako?!? Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nare-realize na hindi naman dapat ako pumayag sa deal na yun eh!" napaatras siya sa akin, "Ash, siguro nga tama ka kay Shanlynn. There's more Shanlynn than we all expected. Siguro nga hindi naman siya talaga ganun. Alam mo kanina? Nakita ko siya nag-iisa! Tapos mamaya anong gagawin natin? Ipapahiya siya? Wasn't that enough?!?"

"What do you mean? Hindi ko na dapat ituloy?"

"Ayoko na. Hindi ko na kaya." umiling ako sa kanya, "But don't worry, tatapusin ko yung pageant gaya ng usapan. But please! Huwag mo nang ituloy yung plano mo. Naging kaibigan ko rin naman siya!"

Lumapit naman siya sa akin at ako naman ngayon yung umatras.

"Yun ba lahat?" mahinahon na yung boses niya.

"Meron pa. Keep your distance."

Matapos kong sinabi yun eh pumasok na ako doon sa dressing room ko. Hindi ko na kailangang magpalit dahil saglit lang naman eh Question and Answer naman na. Alam kong napapansin na ni Nicole na hindi na normal yung mga kilos ko. Pero pinili naman niyang hindi na magtanong.

Naupo lang ako doon mag-isa. Si Nicole eh nakikinig sa labas in case na tawagin na kami pare-parehas. Tumingin siya sa akin.

"Chris.."

Tumingin naman ako sa kanya.

"Yeah?"

"Kausap ni Ash si Shanlynn. Do you want to go?"

What? Ang gulo na naman!

"Err.. no. I'm fine." yumuko lang ako uli.

Hindi naman nagtagal eh tinawag uli ako ni Nicole. This time, hindi naman na tungkol kay Ash o kaya kay Shanlynn.. or Chester. Tinawag niya ako dahil Question and Answer portion na. Gusto ko lang tapusin ito para wala na.

Fine.. you can do it Chris. Answer that question. Let's get this over with tapos umuwi ka na. Hinga ng malalim.

Umakyat na ako sa stage nun. For the first time ngayong gabi nung umakyat ako, saka ko lang na-realize kung gaano karaming tao yung nasa harap ko at nanood kanina. Pinalakpakan naman nila ako.

'Each contestant will answer two questions. One from the audience, and one from one of the assigned Judges. And now, here's the question from one of our students.'

Narinig ok namang parang pinasa yung microphone. Hindi ko alam kung sino yung nagtatanong sa akin.

"Miss Chris, gusto ko lang itanong sa iyo kung ano sa tingin mo ang greatest gift na pwede--" kaya lang bigla siyang huminto at nagkaroon ng feedback sa microphone.

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon