Chapter 4 *Say what?*

40 2 0
                                    

Hindi rin nagtagal, lumabas na siya sa CR at napansin kong iba na yung suot niyang t-shirt.

"Nasaan na sila? At bakit ikaw lang ang nandito?" yan ang unang mga tanong niya sa akin?

Sasagot na sana ako, kaya lang nung makaramdam siya eh ang bilis ba namang tumakbo mula sa dulo hanggang sa pintuan. Sinubukan naman niyang buksan kaya lang wala siyang magawa. Pagkatapos niyang sipain yung pinto sa inis niya, huminto na rin siya.

"Siraulo talaga yang si Shanlynn!"

psshhh.. sinabi mo pa! Naku, yan tuloy nadamay pa siya sa akin.

"Pasensya ka na ah!"

"Para saan?" tumingin siya sa akin.

"Kasi nadamay ka pa sa akin. Akala siguro nila ako lang yung tao dito sa loob. Hindi naman nila alam na nandiyan ka pa sa CR."

Tinaas naman niya yung paa niya at nag relax doon sa upuan niya. Tama ba yun?

"Anong gagawin natin?"

"Anong gagawin? Wala. Maghihintay na bumalik sila mamaya." yung boses niya eh mukhang iritado.

"Anong oras ba sila babalik?" hay Chris! Ang daming tanong!

"Dahil practice period, an hour or half."

Grabe, ang tagal nun ah!

"Bakit hindi tayo mag-ingay? Baka may makarinig na teacher sa atin."

"O sige sayangin mo oras mo. Dulong classroom to, malayo sa kabihasnan."

Sabi ko nga eh.

Dahil ang tahimik namin parehas, medyo na bored naman ako, Kung titignan mo kasi siya, tulog na yata eh.

Tinuloy ko na lang yung balak kong pagtugtog ng gitara. At syempre dahil ayokong makaistorbo sa natutulog, hininaan ko na lang yung pagkanta ko.

Siinngggiinnnggg!! blah! blah! etc. etc.

Humarap naman ako doon sa bintana sa opposite ng side niya kaya hindi ko na siya nakikita.

Aba, isang malaking himala! Ngayon lang ako nakakanta ng totoo sa school. Usually kasi, tagatugtug lang ako ng gitara o kaya kung pakantahin man ako, sinasabi ko lagi na hindi ako marunong.

Nag-simple pause lang ako at kakantahin ko na sana yung second bit ng kanta, umikot na uli ako at nakita ko namang gising si Ash at nakikinig sa akin.

Nabitawan ko na lang bigla-bigla ang gitara.

"Oh, bakit tumigil ka?" nakangiti pa siya talaga.

"I.. uh.. ayoko na. Nagbago na yung isip ko." binalik ko na yung gitara sa pinagkuhanan ko.

"Bakit naman? Nahihiya ka? You don't have to be. Honestly, you have one great voice."

Ewan ko kung bakit nairita na lang ako sa sinabi niya.

"Yeah right!!!" sarcastic pa yung pagsagot ko sa kanya.

"Im serious." tumayo siya sa upuan niya at umupo doon sa lamesa ng teacher,

"You know what, you're suprising me. Unang-unsa, nagtry-out ka sa skateboarding team eh sa history ng Sports Curriculum wala pang babae na sumubok nun. Tapos ngayon, marunong kang maggitara at magaling kang kumanta. How many hidden talents do you have?"

"Wala akong talent. Suwerte lang yung iba, tsamba yung ilan."

Ngitian naman niya ako.

"For a girl, you're such a mystery."

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon