Chapter 27 *Golf Mode w/ Something Unusual*

23 2 1
                                    

Hindi niya alam yung ending nung story? Sayang naman. Tapos ngayon, ako pa ang magke-create ng sariling ending. Paano ba naman, ako daw magsabi sa kanya. Pero kung ako yung tatanungin... dalawa naman talaga yung possible ending. Or more.


"Well.. I don't know. Kung wala namang nararamdaman yung girl sa kanya, it's possible na sinagot niya yung guy na mas mabuti kung friends na lang sila. O pwede ring nagalit siya, so she'll say.. 'Put a sock on it!' " tapos dinaan ko na lang sa tawa.


Ngumiti lang din siya sa akin.


"Pero kung mahal nung girl yun.." napaisip naman ako, "Hmm.. kung ako siguro yun at mahal ko yung guy? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Baka yakapin ko lang din siya. Alam na niya ibig sabihin nun. Kapag yumakap ka matapos niyang sinabi yun, it means tinatanggap niya. Do I have to say it to him?" tanong ko naman kay Ash.


"Yeah... you have to say it." tumango naman siya.


Tinignan ko naman siya.


"Corny naman sasabihin pa nung girl?" tinaasan ko siya ng kilay ko.


"What if the guy wanted to hear it from her? Paano niya sasabihin?"


"Ash, alam ko yung ending. I wanted to keep it in my mind. It's a secret. You don't wanna' know."


Hindi naman na siya nakipagtalo sa akin. Wala nga akong idea kung saan ako dadalhin ni Ash eh. Hindi naman niya sinabi kung ano ba yung idea na iniisip niya.


Ang sarap pa man din nung hangin lalo pa at ang bilis magpatakbo nug driver. Hindi naman ako naiinip. Nasa likod ko kasi si Ash at hindi na rin siya nagsasalita.


Alam ko nga ba talaga yung ending ng story? Siguro. Naguguluhan na rin ako.


Finally napansin ko nag-para na lang bigla si Ash at hinawakan niya ako sa kamay ko. This is a date right? And a normal one I guess...


Pero bakit nandito ako sa...


"Dito ang date?" napatingin ako doon sa nasa harapan ko. Binitawan na niya yung kamay ko. Lisa's Foot Spa and Body Massage Centre.


Hindi talaga ako makapaniwala nun.


"As in.. dito? Are you serious?"


"Yeah!" sagot naman niya na ang sound eh masayang-masaya.


Pagtingin ko sa kanya, hindi pala kami iisa ng tinitignan. Saka lang siya napatingin sa akin nung nakita niya yung daliri ko na nakaturo sa Lisa's Foot chuvaness Centre. Binaba ko nga.


Lumapit siya sa akin at hinila ako.


"Ano ka ba Chris! Not there!" hinarap niya ako doon sa kabilang direksiyon. "There." tapos tinuro niya.


R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon