Chapter 3 *OMG*

63 2 0
                                    

Iniwas ko yung tingin ko sa kanya dahil nakatitigan kami. Siya rin naman eh, napansin niya yunkaya iniba nalang niya yung usapan.

"Ash Alan Valdez." sabi niya tapos nagsimula na rin siyang maglakad nung naglakad ako, 

"Hindi pa pala ako nakakapagpakilala kanina.. ."

"Oo nga eh. Lumabas ka na lang ng bigla." 

Tapos naisip ko naman yung form na binigay niya kanina,

"So, ikaw ba ang captain ng R-12 Skateboarding Team?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"R-what?!?"

Napaatras naman ako dahil humarap siya sa akin.

"13? Hindi ba yun yung pangalan ng Skateboarding Team niyo?"

Umiling naman siya tapos medyo ngumiti.

"It's R-R . Not R-12

"Ohh," hinanap ko sa bag ko yung papel at tinignana ko, R-12 talaga yung nakasulat, "See? R-12?"

Nakatingin din naman siya pero hindi niya kinuha yung papel sa akin.

"That's R, not 12."

Kaya pala mapagkamalan kong 12 yung R eh magkahiwalay kasi yung pagkasulat niya. Parang 1, tapos 2. Magkadugtong pala yun. Hindi ko kasi ganun ka galing ang penmanship eh. Pero yung pirma naman niya sa baba ay super cute.

"Si Miss Labitigan kasi hindi masyadong ayusin yung pagsuat.." Sabi ko nga yung teacher ang nagsulat nun at hindi siya!

Tumango na lang ako nun.

"Hindi pa kita nakikitang mag-skateboard.."  Mahinaon pa yung pagkakasabi niya pero nagulat na lng ako nung hawakan ako sa dalawang balikat ko ng mahigpit,

"Magaling ka ba talaga?"

"Hey!.. .easy lang bro!" tapos inalis ko yung kamay niya sa akin, 

"Nakakagawa ako ng bagay-bagay sa skateboard. Yun nga lang, hindi ko alam ang tawag doon."

"Ok, siguraduhin mo lang. Dalhin mo yung skateboard mo bukas at titignan ko yung gagawin mo.. tapos susubukan kitang i-train ng tama. Sige, una na ko."

Hindi man lang nag-bye sa akin basta umalis na lang! Yan talaga ang sakit ng gago yan! Hahay! Mahilig talaga siya sa maagang pag-alis.

Dahil wala na akong gagawin sa school, nagsimula na akong maglakad pauwi ng bahay namin. Magaan naman yung bag ko kaya hindi naman ako nahirapan at hindi rin naman sumakit  yung likod ko,

Dumaan muna ako sa isang tindahan sa kanto.. TINDAHAN?!? ayy hindi! Sari-Sari Store! (balik na nga sa storya)

Para bumuli ng chewing gum at wala na akong stock sa bag ko. Nagmumukha na nga akong kambing kakanguya eh. Nagchewing gum lang naman ako kapag trip ko. Hindi naman sa lahat ng oras.

"Manang pabili nga po." tumingin naman yung ale sa akin, "Doublemint."

Nung babayaran ko na, may dumating naman sa gilid ko kaya naharangan yungsikat ng araw. Pagtingin ko. sino pa nga ba? 

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi niya siguro inaakala na kakausapin ko siya at hindi rin niya napansin na nandun ako.

"Bumili." Oo nga naman Chris, bumili! So sarcastic!

"I mean bakit ka nandito?"

Nakuha na niya yung binila niya at yung sa akin eh wala pa. Nauna pa siya sa akin. Bakit ganun?

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon