Chapter 6 *Rules*

45 3 0
                                    

Kasasabi ko pa lang sa kanya na hindi ko gagawin, tumakbo ako habang nakalingon ako sa kanya. Ang bilis tumakbo!

Dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, narinig ko na lang siya..

"Chris! Stop!"

At bakit naman ako hihinto? Para maabutan niya ako? Na-uh.

Pero hindi talaga ako huminto. Pagharap ko, alam ko na kung bakit niya ako pinapahinto.

Nauntog ako doon sa poste sa gitna. Napatumba tuloy ako. Hinawakan ko yung noo ko. Ang sakit nun ah.

Pakiramdam ko mahihilo na lang ako bigla. Nakakahiya naman yun! Jackpot naman yung nakuha ko! Bigla na lang may nag-offer ng kamay sa akin.

"Chris, ok ka lang?" sabi niya sa akin na para bang nag-aalala.

I swear.. I would give up a million pesos to be outta' here!

"I"m great... ayos lang naman!" tumayo na ako nung kinuha ko yung kamay niya at pinagpag ko yung jogging pants ko na nadumihan.

"Gusto mo dalhin kita sa clinic?"

Napailing-iling na lang ako. Grabe, nagiging weird yung itsura ko kapag si Chester nasa harapan ko.

Naweirduhan yata sa akin kasi napakunot-noo siya.

"O-K. Sige una na ko."

Dumating naman si Ash sa pagkakatakbo niya at hinihingal-hingal pa. Sumandal pa siya doon sa poste.

"Pare, ako na bahala."

Tumango lang si Chester at naglakad na papalayo. Hindi naman nakapagsalita kaagad si Ash, peor nung nakahinga na siya.. tumawa ba naman ng tumawa.

Nainis nga ako. Binatukan ko nga.

"Tawa ka ng tawa! Kung hindi mo naman ako hinabol hindi naman sana ako mapapahiya kay--" nadulas ba ako???

Tinignan niya ako. Alam ko yun ngiti na yan, pati yung style ng mata niya. The WOLF LOOK!

"Si Chester pala ang mahiwagang lalaki sa nag-iisang Chrisandra." nag-drama pa sa harapan ko.

"Shut up."

"I told you we'll make a deal." lumakad-lakad siya back and forth sa harapan ko, "Mag-pretend ka lang na ikaw yung nililigawan ko.."

"Bakit ko naman gagawin? As if my benefit ako."

"Syempre meron! Kaya nga deal 'di ba?" sabi niya sa akin na nakangiti pa, "Sabi mo sa akin na worried ka na... you'll make a fool of yourself sa pageant. I'll tell you what, I'll pay for everything. Make-up, gowns.. and basta lahat! Please.."

"Hay naku! Hindi pa naman sigurado na makukuha ako diyan sa pageant na yan. Sabi nga, makukuha ka lang kapag consistent." tapos tumalikod ako, "Why bother?"

"Then, I'll make sure it's consistent."

Humarap ako sa kanya.

"ANO?!? Blackmailer!!"

"Hndi naman magiging blackmail kung papayag ka. Deal na nga eh. Besides, mas marami kang magiging benefit sa akin. Ako si Shanlynn lang. Ikaw, yun pageant, si Shanlynn... and Chester!"

Tinulak ko nga ng malakas.

"Sino namang maysabi na may gusto ako dun? Ikaw lang!" teka, siya nga lang ba ang maysabi?

"May mata ako at common sense para malaman ko na yung tingin, pagiging nerbiyosa mo sa harap niya eh... normal lang. 'Di ba?"

Mukhang talo talaga ako dito sa taong 'to. Ang bilis gumana ng utak. Parang factory.

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon