Chapter 22 *Night Mode*

25 2 2
                                    

Seryosong-seryoso siya nun at ako rin eh seryosong-seryosong nakatingin sa kanya. For some moment, nagtitigan lang kaming dalawa doon. Finally nung marealize ko, tumawa na lang ako ng malakas at tinapik ko siya sa balikat niya. Sumakit nga yung tiyan ko kakatawa eh.


"Good one Ash! Ang galing mo talagang magbiro.." sabi ko tapos hinawakan ko na yung tiyan ko.


"Ooh.. right." sabi na lang niya tapos tinalikuran niya rin ako.


Tama ba yun? Hindi man lang ako sinabayan sa pagtawa ko?


Nauna na siyang lumabas sa akin at naiwan ako doon sa loob. Dala-dala na niya yung mga gamit niya. Nung nalaman ko na talagang ako na lang yung tao doon, yumuko ako.


What's up with him? He couldn't be... I mean.. with me? He can't.. can he?


Crap.


"Hey, pick you up at 3?" nahulog na lang ako doon sa inuupuan kong table.


Bakit ba bigla-bigla na lang siyang nagsasalita? Akala ko pa naman wala na siya?


"3? Anong 3?" hindi ako makapag-isip ng maayos nun, "Bahala ka na."


Nakita kaya niya na nag-iisip ako doon? Nakakahiya naman kung ganun.


Tumayo na ako at kinuha ko na yung bag ko para umuwi na rin ako. Hindi ko na lang iisipin yung presentation.


Naabutan ko naman siyang naglalakad at hawak pa niya yung laptop niya sa kaliwang braso niya. Napansin lang niya ako nung sumabay ako at may kausap siya sa phone.


"Yeah Mom.. I know." halatang naiirita din siya, "Just tell Dad he's not doing good this past few days..." 


After ng ilang sinasabi niya, binaba na rin niya yung phone at tumingin sa akin.


"Mommy ko. Masyado na namang worried sa mga bagay-bagay. Especially Peter. Medyo namumutla nga siya kagabi pa."


"May sakit ba siya?"


"Dati rin nagkakaganyan siya. Sasakit yung ulo... namumutla... pero ilang araw lang din, balik na siya sa dati." kahit hindi niya masyadong pinapakita, halata mong concerned pa rin siya sa kapatid niya.


Nilagay niya yung isang kamay niya sa bulsa niya at nakita kong may connecting chain siya sa pocket niya. Eh sa dress code namin, bawal na yun. Baka daw kasi magkaroon ng idea yung mga estudyante na gamitin sa kung ano yun.


"Hey.. may connecting chain ka sa back pocket mo? Bawal na yan ah!"


Napatingin din naman siya sa likuran niya. Napahawak siya doon sa back pocket niya.


"Ahh.. yan ba? Nalimutan ko kasing alisin eh.." tapos tinignan niya yung laptop niya, "M-may email ka ba?"

R-12Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon