𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 18

4.1K 80 1
                                    

Puyat na puyat ako kinabukasan. The conversation between me and Eliaz was only short but it resulted hours of overthinking on my side. Dahil kung totoo nga ang sinabi niya, ibig sabihin hindi talaga ako makakaalis dito ng hindi dumadaan sa underhand method.

Either be a good person or be stuck here forever. Kahit siguro hindi nawala ang alaala ko ay hindi pa rin ako makakaalis dito.

Sinong magtatangka na umalis kung shoot to kill ang order ng may-ari?!


"Napuyat ka na naman?"

I lazily nod my head as I cut the carrots for the fried rice we are preparing for breakfast.

I want to sleep so bad. I slept past two in the morning already, and now I feel the fatigue of lack of sleep. Ang bigat ng katawan ko at medyo masakit din ang ulo ko. Nagsisimula pa lang ang araw pero gusto ko na kaagad magpahinga.

"Gusto mo samahan kitang matulog mamaya?"

Tumigil siya sa pagbabantay ng piniprito niyang itlog para humarap sa akin. Umiling ako sa suhesyon niya at pagod na ngumiti. Hindi ako pwedeng sumagot sa kaniya dahil may kasama kaming ibang katulong ngayon dito sa kusina. We're preparing breakfast not just for Don Maximus but also to few of his people who he called this morning. Para yata sa weekly report ng mga kaganapan sa isla.

After a while, I finally finished cutting the ingredients for fried rice, so Manang Caring starts to cook. Tapos na ang halos lahat ng agahan kaya pinanood ko na lang sila magluto habang nagtitimpla ako ng kape para sa akin at kay Jana. Si Manang Caring ang taga timpla ng kape ng Don kaya hindi na ako nag-abala pa na magdagdag ng ititimpla. Maaga namang nakapagkape ang ibang kasamahan namin dito kaya kami nalang ni Jana ang ginawan ko.

They finished cooking our breakfast but I just settled on eating just a few toast. I'm planning to sleep after eating since it's just eight in the morning.

Kaso hindi natuloy ang balak kong pagtulog.

"Maaari mo ba akong tulungang mag-ayos ng kaliwang bahagi ng hardin, hija? Maraming natumba at nasirang halaman dahil sa lakas ng hangin kagabi at kailangan maayos sila kaagad dahil makalat tignan."

I want to tell her I wanted to rest but I still nod my head so things won't get complicated. Maaga pa at nakakahiya kung tatanggi ako sa trabaho lalo na't magaan ang trabaho ko kumpara sa kanila. Isa pa, baka magkaroon pa ako ng issue dito na tatamad tamad kapag tumangi ako.

I sighed. I badly want to sleep.

Tinulungan ko si Manang Gloria sa hardin. Hindi ko inaasahan na madami pala ang nasirang halaman at iilang mga natumba lang kaya inabot kami ng hapon. We took lunch break then continue fixing the garden until two in the afternoon. Mabuti na lang at medyo malilim ang panahon kaya hindi sa balat ang araw.

I was smiling while taking a shower to clean myself since my clothes and skin has dirt on it. Matagal din akong nagblower ng buhok bago ako nakahiga sa kama.

It feels heaven when my back finally touches the mattress. After hours of slouching and picking up broken pots, I finally straightened my back. And I can finally sleep!

Nang may biglang kumatok sa pintuan.

"Reya? Pinapatawag ka ng Don sa opisina niya."

My world crumpled down as soon as I heard those words.

What a great timing!

Para akong pinagkaitan ng mundo sa sobrang bigat sa loob ko na bumangon. Wala na akong pakialam kung sino ang nagpatawag sa akin dahil mas matimbang ang sama ng loob na nararamdaman ko.

Unsuccessful Landing; Crashing to him (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon