𝓚𝓪𝓫𝓪𝓷𝓪𝓽𝓪 32

5.9K 99 5
                                        

WARNING: MATURED CONTENT AHEAD.
READ ON YOUR OWN RISK

┈┈┈┈┈┈┈┈

Nagkaroon ako ng dalawang alaga sa linggo na 'yon. Si Maxine at si Maximus. And to be honest, Maximus is more pain in my ass than his six years old daughter.

Kasi ang tigas ng ulo niya!

"I told you to stop working out until your wound is fully healed!" Iyan ang litanya ko sa kaniya tuwing umaga.

Iniwas ko ang mata ko sa pawisan niyang katawan at sa mukha niya na lang ako tumingin. Sinamaan ko siya ng tingin. He slowed down the treadmill until his running turns to walking. Nakatingin siya sa akin mula sa salamin na nasa harapan niya kaya nandoon din ang tingin ko.

He brushes his hair backward before he turns his head to look at me. "Why not? I'm not straining my shoulder. I'm just running, not lifting anything heavy."

"That's still working out, Maximus." Kunot noong saad ko. "Why can't you just wait until you fully heal?"

"I can't sleep without breaking a sweat, Katalia." The way he said that was too sensual and meaningful. "Unless you'll allow me to sweat in a different way."

Pumasok sa isip ko ang isa pang way ng pagpapawis maliban sa pagwo-work out. Kumalat ang init sa pisngi ko.

"B-Breakfast is ready." Paglilihis ko ng topic at umiwas ng tingin.

Pinatay niya ang treadmill at mabagal na bumaba sa flat form. Lumapit siya sa kung saan nakapatong ang pamunas niya at tubig. He grab the water bottle first and chug the water in it till its last drop. Wala sa sariling pinanood ko ang pagtaas baba ng lalamunan niya na kumikintab dahil sa pawis. Sweats are trailing down from his face onto his neck and to his glistening chest and washboard abs.

Napalunok ako. Bigla akong nauhaw. I almost fan my face 'cause heat is spreading all over my body the longer I watch him stand there sweating and topless. Umiwas ako ng tingin pero binabalikan talaga siya ng mata ko!

"I'll just take a shower." Tumingin siya sa akin.

I look away and pretend to look interested on the gym equipment near me. Hinawakan ko pa iyon para mas maging makatotohanan ang pag-arte ko. So he won't get suspicious that I was gawking on him.

"Huwag kang maligo pagtapos magpapawis. Rest for a few more minutes."

I saw him move from his reflection on my left side. Salamin kasi ang kaliwa at kanang pader ng gym habang ang harapan ay glass wall kung saan makikita ang pool. May sliding door din papunta sa pool kaya kung gusto mong magswimming matapos magwork out or vice versa, hindi mo na kailangan lumabas pa ng gym.

"Where's Maxine?"

Lumingon ako sa kaniya at nakitang nagpupunas na siya ng pawis. His muscles are flexing with his every move, lalo na ang braso niya tuwing kinukuskos niya ang buhok niya. Mabuti na lang at medyo malayo siya sa akin at abala siya sa cellphone niya kaya hindi niya nakikita ang paglalaway ko sa kaniya.

I mean, who wouldn't? He's so freaking hot!

Bigla siyang tumingin sa akin na ikinalaki ng mata ko. "I asked where's Max, Katalia. Answer me." Ayan kasi, ang harot!

"S-She's prepping when I left her room." Mabilis at kabadong sagot ko "Bilisan mo nang maligo para makapag-almusal kaagad siya." Sinabi ko ng makabawi.

I talk casually to him now. Nasanay na ako sa ganon lalo na tuwing sinisinghalan ko siya sa katigasan ng ulo niya. Nabawasan na din ang pagka-ilang ko sa kaniya at nararamdamang intimidation. Because I know he won't hurt me kaya napalagay na ang loob ko sa kaniya.

Unsuccessful Landing; Crashing to him (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon