Dedicated to kay Ms. Ellalelis natawa ako sa Please niya eh. hahaha! ^___^
"Masarap maging masaya, pero hindi pwedeng lagi ka nalang masaya. no choice kana, matutunan mong hindi lahat ng nangyayari ay laging na ayon sa kagustuhan mo"
Kinabahan naman ako sa sinabi ni ethan.
"Bakit ka pinapasundan?" tanong ko.
"Wag mo ng intindihin, lets go." sabi ni ethan, bakit parang ang cold niya na.
Haaaaaay. hindi ako susuko.
Papasakay na sana kami, ng makita ulit ni ethan yung lalaking sinasabi niyang kumukuha ng litrato samin.
"Hayop ka! Sino nag-utos sa'yo!" sigaw ni ethan at hinawakan ang magkabilang kwelyo nito.
"Ethan tama na yan." sigaw ko.
"Dyan ka lang wag ka lalapit dito! pumasok ka sa loob ng kotse! Sino nag utos sa'yo!" sigaw ni ethan at sinuntok yung lalaki.
"Wala akong alam sa sinasabi mo!" sigaw nung lalaki at agad niyang dinepensahan ang mga suntok ni ethan.
"Sasabihin mo o eto na ang huling kita mo sa mundo?!" sigawni ethan. mukha namang natakot ang lalaki.
"Ang tatay niyo ser! inutusan lang nya akong kuhaan at matyagan ang mga kinikilos niyo." sabi nung lalaki, napabitiw naman si ethan mula sa pagkakahawak sa kwelyo nang lalaki.
"Don't you ever touch her." mula sa loob ng kotse hindi ko na narinig ang salita ni ethan dahil hininaan nito ang boses niya.
"Umalis kana!" sigaw ni ethan.
Di ko natiis kaya lumabas na ako ng kotse.
"E-ethan." kinakabahan kong tanong sa kanya. ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit.
Nagulat ako ng bigla niya akong hilain at yakapin, halos di na ako makahinga sa yakap niya.
Di ko na mapigilan at napaluha na ako.
"Shhh. don't cry." pagpapatahansakin ni ethan.
"Ano ba kasi problema?" tanong ko.
"Nothing okay. lets go. labas na sipon mo oh. hehehe." pagpapatawani ethan.
"Kahit kailan ka talaga, sige na nga tara na." at pumasok na ako sa kotse nya at tinungo namin ang office.
Office..
"okay na babe. you don't have to worry okay, sa business lang yun." sabi ni ethan at niyakap ako.
"So is that your oh so called girlfriend ethan?" nagulat kami ni ethan sa nagsalita.
"Angela." malamyang tugon ni ethan.
"I thought office to di ako na inform." sabi ni angela, agad namang lumipat ang tingin nito sa akin.
"Naturo ba sa inyo na kapag may may-ari na, hindi na pwedeng kunin?" sabi nung angela.
"Angel stop!" sigaw ni ethan.
"nope. why would i do that, hindi naman ako mangangain, nagtatanong lang." sabi nung angela. di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
ang bilis namang magbago ng tadhana, ansaya lang namin kanina :(
"ah sorry miss, di ko alam yung sinasabi mo at ayoko rin ng gulo." sinserong sabi ko kay angela.
"Sino bang may sabing gusto mo ng gulo, i'm only asking. why don't you answer my question?" tanong nung angela.
ako nagtitimpi lang talaga ako eh. malapit na.
"Ah. sir una na po ako, punta lang po akong rest room." paalam ko kay ethan. at dali-daling pumunta sa banyo.
yumuko ako sa sink, nag hilamos at tumingin sa salamin.
nakita ko namang sumunod si angela. hindi na ako nagulat ano pa nga bang aasahan mo sa isang to.
"Tinatanong kitang babae ka!" sigaw ni angela. at hinawakan ako sa buhok.
"Ano ba bitawan mo ako! araaaay! masakit!" sigaw ko. nilock pala niya ang pinto. hindi ko maabot dahil hawak niya buhok ko.
"Masasaktan ka talaga pag hindi mo tinigil ang kalandian mo kay ethan. fiancè na niya ako at hindi ako papayag na may lumalandi sa kanya." sabi ni angela. hawak parin niya ang buhok ko.
nakalimutan ko palang isarado ang gripo. kaya lalong hindi kami maririnig sa loob ng rest room.
"Fiancè ka lang, ako mahal niya, kaya bakit magiging malandi ako. ikaw ang malandi wag mo ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya, dahil hindi ka niya mahal!" sigaw ko, nagulat siya sa sinabi ko at nabitawan niya ang buhok ko. pagkakataon ko na para makatakas.
Pero nahabol niya prin ako.
"San ka pupunta ha!" sigaw niya at nahawakan ako sa damit kong pang-opisina. dahilan para matanggal at masira ang mga butones nito, ngayon ay kita na ang aking brashier.
"Ano babitawan mo ko! Tulong! ethan!" sigaw ko.
*Tok* *tok*
Saktong may kumatok na sa pinto dahilan para gumaan ang pakiramdam ko. pero ang buhok ko ay nananatiling hawak ni angela.
"ma'am " sigaw ng isang lalaki, parang Utility staff to.
"Kuya tulong! Pabukas po!" sabi ko sa manong.
"No need dahil ako na ang magbubukas, pero eto ang tatandaan mo! Layuan mo si ethan, dahil di mo alam kung ano ang kaya kong gawin maging akin lang siya" sabi niya at tuluyang binuksan ang pinto. naiwan akosa loob.
Nakita ko namang pasugod si ethan.
"merriam!" sigaw niya at hinubad ang coat nya at nilagay sa akin.
"Si angela ba?!" sigaw niya at aakmang hahabulin si angela.
"Wag na ethan." sabi ko, gusto ko ng umuwi at mag pahinga.
"Babe. san ka pupunta?" tanong ni ethan, tinitigan ko lang siya sa mata at sinabing..
"I'm tired." tipid na sagot ko. at umalis ng opisina. hindi naman niya ako pinigilan. kailangan ko munang magpahinga. gusto kong mapag-isa.
Sumakay ako ng taxi at umuwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
Mahal ko siya, Mahal niya ba ko?
Romance-------------- Kaya mo bang magparaya? kaya mo bang sabihing mahal mo sya kung alam mong hindi ka nya mahal? what if magkabaliktad? mahal ka niya, hindi mo sya mahal? "Ito ay mga taong Nagmamahal at Minamahal.. kaya minsan sa sobrang pagmamahal, May...