Chapter 3

176 4 1
                                    

wushu !!! eto na! sorry natagalan mag update :)

Andito ako ngayon sa canteen kasalukuyan kong hinihintay ang aking bestfriend na si maine dahil ako'y nagugutom na! paglinisin ka ba naman ng daanan eh!

"Mar! dito!!" narinig ko naman agad ang sigaw ni maine na parang kinikilig..

"anong nangyari sayo para kang sinapian ng kitikiti!?" pagtataka ko sa kanya..

"ano kasi eh! ah kasi! andito!ah--" naudlot pa sayang ..

"hey! mar! maine! andito lang pala kayo!' andito si jhana!

A/N": kung gusto niyong malaman kwento ni jhana eto story niya "One month happiness with my crush" ganda din yan.. haha sumegway talaga ..

"Ano bang bibilhin natin?" pangungulit ni jhana...

"hmmm.. ano bang masarap?" pagtatanong ko..

"spaghetti!!" biglang sulpot ni mhaan...

si mhaan kaibigan din namin sya nila maine at jhana.. sama sama kami.. tinatawag kaming kilabot ng room namin! sa sobrang kabaliwan... 

"yan nanaman tayo eh! almusal ko spaghetti break time naman natin ngayon spaghetti paren!" pag aangal ni maine...

"ganto nalang pag may dumaang gwapo! mag e-espaghetti tayo! kapag alam niyo na mag buburger  tayo!" pang hahamon ko sa kanila..

"gege" pag-sang ayon ng lahat...

"hmm.. kung kailan tayo naghihintay chaka naman walang dumadaan.. nung wala pa tayong hinihintay daan ng daan!!" pag angal ni jhana...

ilang minutong paghihintay sa wakas may nadaan na!

"Anak ng tipaklong! na may balat sa pwet!" pag aangal ko!

"Waaaaaaaaah!! si si si ETHAN!" nanginginig halata mo na may gusto si maine..

"Huwaaaat?? Crush mo yang Ungas na yan??" naiinis kong sabi...

"Oo, bakit kilala mo na ba si ethan?" pagtatanong ni maine..

"ahh! Wala Hindi Hindi ko kilala" pagtutol ko...

"Haaay! parang ayoko nang kumain! makita ko lang sya busog na ko!" pasweet pa nyang sabi...

"Ano ba! ano ipapakain nyan sayo ni ethan Yung Totoot niya!" pangaasar ni mhaan na halata mong nagugutom na...

at sabay-sabay kaming nagtawanan ng malakas " HAHAHAHA!!"

Ang kaninang nangangarap na si maine, ngayon ay nagtatago na! Nak ng-- allam niya na kasi ritwal namin kapag ang crush ay nandyan eh...

"Ehem! MAINE! Sya ba? sya ba yung sinasabi mong "MAKITA KO LANG BUSOG NA KO?" ha? at nagtawanan kami! ngayon naman ay pulang-pula ang muka ni maine...

"Isa Tama na yan! yare kayo sakin pagdumaan lang talaga mga crush niyo" pag babanta ni maine...

"kung mabantaan mo ko! wala naman akong crush eh!"  pag mamayabang ko sa kanya...

"Edi kayo nalang jhana at mhaan! yare ka sakin jhana kay Dyron!" sabay tawa nito na parang mangkukulam...

"Huy! di na kita Aasarin!" pagmamakaawa ni jhana...

Nagulat nalang kami nang biglang may lumapit samin, na lalong ikinapula ng muka ni maine...

"Ehem! ako ba pinaguusapan niyo!? ahm mga miss alam kong gwapo ako, pero wag naman harap harapan ko kayo magkagulo! please?" pang aasar pa nito..

"Abat! Grabe! Ang hangin mo ring Ungas ka ha!" sabi ko sa kanya na medyo nayabangan..

"Ah! hindi pa nga tayo magkakilala miss may tawag ka na agad sakin masyado ka naman yata atat" lalo pang pangaasar nito!

"huh? Ako atat? May interes sayo? patayin mo nalang ako" mapanghamon kong sabi...

"huh! ako? papatay? di na makulong pa ko! anyway bago kayo mahimatay sa kagwapuhan ko! ako nga pala si ethan. ethan Gil" kung gano kagandang pangalan! sya namang pinangit ng ugali nito!!

tinitigan ko ito ng masama..

"Ano maghapon nalang tayo magtititigan! Alam ko! gwapo ako!" mga tingin niyang nakakapangasar...

ang mga kaibigan ko naman! NgaNga! lalo na si maine! di niya alam na si Ethan kilala ko na! siya yung Nag kalat ng nilinis ko...

Nang matauhan ako! agad na kong umalis! bahala na sila dyan! pero hinabol parin nila ako...

bakit kaya nila ko hinahabol ng mga bff ko? tinignan ko ang oras! 

"HOOOOOOW MY GASSHHH! 30 minutes late!!! PATAY!!" nangangatog kong pagsabi..

"Ow my! Another linis nanaman ito! pero this time magkakasama na tayo!" na mas lalong ikinaputla ng muka ng classmate ko...

kinakabahan na kaming lahat ng may biglang sumigaw...

"Ahm... miss snob! anong pangalan ng friend mong yan?" tinuro ni ungas si maine...

"Maine!" si maine na mismo ang sumagot..

"Ah! Maine! I want to know you more!" sabay kindat sakin...

Ano?? Teka!!! kinidatan sino? ako? yuck! no way!

"Sino kaya ang tinutukoy niya? ako kaya o si maine?" pabulong kong sabi...

A/N: Ahm! sorry readers, short update lang nagawa ko bawe nalang ako sa next update...

Mahal ko siya, Mahal niya ba ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon