Chapter 6

115 5 0
                                    

WHAT A BITTER DAY?

Mamatay-matay ako nang umuwi sa bahay...

Anyare?? bakit si Maine?? 

A/N: At bakit hindi si maine! merriam?

Oo nga naman author bakit hindi si maine! HuHu!

Baliw na ata ako kinakausap ko sarili ko...

A/N: ngayon mo lang nalaman na baliw ka!

Leshe! author moment ko to sinisira mo! 

kailangan ko na sigurong ikunsulta problema ko kay tito may sagot siya sa mga love problems eh..

A/N:Pasok tito LITO ATIENZA!

"Bakit! iha, anong problema mo?" pagtatanong ni tito teka san dumaan yun, magic!

"Kasi po yung taong mahal ko, hindi ako mahal pinaasa lang ako tapos ang masama pa dun ang ginerlfriend niya bestfriend ko pa!" busangot ang mukha ko dyan hihi..

"Iha, kung alam mong masaya naman ang bestfriend mo na kasama niya yung taong mahal niya maging masaya kana rin, ganun talaga ang magbestfriend nagbibigayan!"  pagpapaliwanag niya

"teka tito, kahit po ba sa lalaki may bibigayan din?" pagtatanong ko..

"Hindi, dahil kung gusto mo lang naman yung lalaki at hindi naman naging kayo, mas mabuti nang magparaya kana kaysa maging bitter ka dyan pangit kana nga lalo ka pang papangit" Wow! hiyang hiya ako sa muka ni tito...

"O sige po itatry ko po" malumanay kong pagsagot..

"Hindi dapat itry gawin mo dapat dahil kapag lalong lumalim yung nararamdaman mo sa BF ng bestfriend mo, magiging bitter ka lang at baka magaway lang kayo ng bestfriend mo" pagpapaliwanag niya na may sense naman..

" Opo" simple kong sagot..

"Oh sige eexit na ko!" san kaya dumadaan to si tito..

"Salamat po sa advice!" pahabol ko..

Kinabukasan..

Sa school..

habang naglalakad ako papunta sa school nakita ko sila maine at ethan ang sweet pero hindi sila bagay..

A/N: Ang Ka-Bitteran mo merriam umiiral na!

"Sooooory poo!" - me

"Mar!" may tumawag sakin mula sa likod at alam ko na kung sino yun..

"Bakit bess!" wow hindi naman bess ang tawag ko kay maine dati nagsisimula na ata akong maging bitter nito.. baka mahalata ako..

"bess? Magandang tawagan natin yan ah! sabay na tayo bess!" at hinawakan niya ako sa baraso at agad niyang tinanggal at kumapit kay ethan... "Tingnan mo bess oh, andamin ampalaya na nakatanim" sabi niya, Tingnan mo talaga tong author na to walang magawa pati ampalaya dinadamay sa kabitteran ko..

A/N: hoy! wala akong ginagawa sayo!

Ang Buong paglalakad namin na puno ng kabaduyan ng dalawa ako OP! sa isang tabi lang.. sinabayan pa ako..

A/N: kaya kayo kung may kaibigan kayo may BF, wala lang sinabi ko lang.. 

"Babe, anong ibrebreak natin mamaya?" Wow tawagan pa nila Babe ah! Baboy lang!

A/N: hayaan mo sila merriam! nangengealam ka nanaman eh..

"Opo!!!" -me

"Ikaw bahala babe! yun may palamig want mo?" Wow ang cheap ah! aish, bitter nanaman ako..

"sige babe tara" landee rin pala ni maine no..

Ewan ko kung nagpapaselos or what tong dalawang to eh, magsasabay daw kami pero iniwan ako dito..

"Mar! tara! want mo rin ba?" pagtatanong niya, kahit na uhaw na uhaw ako hindi ako iinom niyan mahawa pa ako sa kalandian niyo dalawa..

"Ah hindi na maine!" pag sagot ko.. "Una na ko maine ah baka malate pa ako eh" ayoko nang atmosphere sa kanila..

"Sige mar! ingat! " all the while nakatingin lang sakin si ethan at di nagsasalita, nahalata niya siguro..

Sa paglalakad..

Parang may sumusunod sakin! tingin sa likod, kaliwa, kanan, harap wala naman bigla---

"Amina cellphone mo!" arurururu patay!

"heto po wag niyo lang akong sasaktan" hindi naman na umimik yung nangunguha ng cellphone..

mga ilang minuto..

"Oh!" at inabot niya uli yung cellphone ..

"Po??" sobrang pagtataka, haharapin ko sana yung snatcher kaya lang pinigilan niya ako..

"Wag mong susubukan, ayaw mo ba uli ng cellphone mo eto na!" at kinuha ko ang cellphone ko..

umalis na ito, pagharap ko likod na lang niya ang nakita ko.

"Naka uniform nang katulad sa amin?? Hala, Anong ginawa niya sa cellphone ko, BAKA KINUHA YUNG NUMBER KO! che! assumera!

Sa School..

"Classmates are you ready to pray?" patay late nanaman ako..

"yes! we are" well ako hindi pa!

pagkatapos ng prayer pumasok na ko agad at humingi ng pasensya kay ma'am ..

"ma'am sorry i'm late!" pag sabi ko "your forgiven, sit down" aniya

haay salamat,, bakit antagal nila maine, Bad Influenze talaga to si ethan..

dumating na sila..

"Good morning ma'am sorry we're late" sabay pa sila sa pag sabi..

"Okay sit down " - ma'am

lahat ng classmate ko nagtinginan sa kanila, kasi magka holding hands sila, ANSAKET SYET! chaka di pa alam na mag-on na sila.. ang alam may gusto daw si ethan kay maine dati pa! Pinaglaruan lang pala ako nito ni Ethan masakit na! siguro kailangan ko na syang kumprontahin!

Naghiyawan ang lahat sa nakita nila! "Ayeeei sabi na eh bagay talaga sila" sinigaw pa ng classmate ko sa tapat ng tenga ko! "oo nga torpe lang kasi yan si ethan eh, gusto rin naman pala siya ni maine" pasigaw pa nung isa..

"Hoooy! may teacher tayo! mahimik nga kayo respeto okay?" pasigaw ko rin

"Luh, bitter siya" sabi nung isa kong classmate..

"Hin-- hindi ak-- ako bitter no!!" padipensa ko..

Tinignan ko sila maine at ethan mukang hindi naman nila narinig.. at nakahinga ako ng maluwag!!

lesson na .. para maiba na ang topic.. Sakit na eh! AWTSU HURT!

WHAT A BITTER DAY!

itutuloy...

vote and Comment na rin pag may time! may time ba kayo? hehe V ^_^V

Mahal ko siya, Mahal niya ba ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon