Chapter 18

19 0 0
                                    

Masakit isiping gustong-gusto mong maging masaya pero andaming kumukontra.

Hindi parin talaga ako makapaniwala sa ginawa ng babae sa akin. hindi ako makapaniwalang dahil kay ethan kaya niyang gawin ang lahat.


Pero kung sya kaya nyang gawin yun. kaya ko ring magpakamartir, ngayon ako yung mahal ni ethan.

*Kriiiiiiiiiing!*

Sino naman kaya to.

Maine calling..

"Maine? napatawag ka?" ani ko..


"Merriam pwede mo ba akong samahan kahit saan?" ani ni maine.

Dahil masama ang pakiramdam ko..


"Sorry maine. wala kasi ako sa mood maglakwatsa eh. sorry talaga." ani ko.


"Ah sige. okay lang. Sorry din. sige. bye!" ani ni maine at binaba.


Sorry talaga maine. Wala talaga ako sa mood.

*Tok Tok*


"Anak! kumain kana ba?" tanong ni mama mula sa labas ng aking kwarto.


"Opo ma!" sagot ko. Ayokong sabihin kay mama ang nangyayari sakin ngayon. alam kong pagagalitan niya lang ako.


"Anak! may nagahahanap sayo!" sigaw ni mama.

Ha? gabi na ah. sino kaya.


"Saglit lang po ma." sabi ko. nag-ayos muna ako ng sarili ko at tsaka lumabas.


"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko. Walang 'yang babae to. si angela.


"Anak! kausapin mo ng maayos yung bisita mo." sabi ni mama. kung alam mo lang ma.


"Ah. tita okay lang po kung sa labas nalang kami mag-usap." Sabi ni angela. Langya kang babae ka. plastic mo hoy!


Tumango naman si mama kaya lumabas na kami ni angela sa bahay.

"Ano ginagawa mo dito?" sabi ko.

"Ah. Gusto ko lang mag-apologize sa nangyari kanina." sabi niya.


Aba. "Anong nakain mo't nagkakaganyan ka? wala kong panahong patulan ka ha!" baliw kana angela desperada ka pa.

Aakma na akong umalis ngunit hinigit niya ang buhok ko.

"Eto! ganto mo ba gusto ang pakitungo ko sayo?" sabi niya.


"Lukaret ka talagang babae ka. Ano bang gusto mo!?" sigaw ko.

"Si ethan. kaya layuan mo na sya." sabi niya.


"Uulitin ko. Mahal namin ang isa't-isa kaya wala kang magagawa." sabi ko.

Ngunit parang hindi sya natinag kaya hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa buhok ko.


Pero hindi na ako nagpatalo.


"Ako nagtitimpi lang ako sa'yo, baka nakakalimutan mo nasa teritoryo kita! napuno na ko sayo!" sabi ko.


Ginantihan ko na sya. Hinigpitan ko ang paghawak sa buhok niya.


Mas hinigpitan ko hanggang sa mapahiga sya sa lupa. Di ako tinuruan ng nanay ko na lumaban pero hindi ako dapat maagrabyado.

"Ano ba bitiwan mo ko!" sigaw ni angela.


Lumabas naman si mama, kaya inawat kaming dalawa.

Di ko inaasahang dumating si luke, at nakita niya ang ginawa ko kay angela.

Napahinto ako.


"Babe! ano ginawa mo?" sabi ni ethan.

Mahal ko siya, Mahal niya ba ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon