IONI'S POV
"Saan na naman tayo pupunta,Xandra Bess?"napapakamot sa ulo'ng tanong ko kay Xandra Bess.
"Basta,"ngingiting sagot niya habang nagmamaneho.
Halos malukot ang mukha ko dahil sa sagot niya.
Mamamalengke pa kami ni Manang eh!
"Anong 'basta' ka diyan?kaltukan kaya kita?"lukot pa rin ang mukhang ani ko.
"Fine.."umiirap na aniya."bibili tayo ng mga damit mo."
"Ano?bibili?eh bakit naman?may mga damit pa naman ako ah,di ko kailangan ng bago."agad na angal ko.
Tsaka marami pa 'kong damit eh.
Ang mukha naman niya ang nalukot,"Duh? You're probably my brother's girlfriend so you need presentable clothes, you can also use that kapag may emergency, right?"
Halos magkadahilo-hilo ang mga bulate sa utak ko dahil sa sinabi niya.
Kailangan ba talaga english?grabe.
"H-Hindi ko maintidihan,"mahinang sabi ko.
Napatampal naman sa noo si Xandra Bess.
"Basta kailangan mo 'yon,since boyfriend mo ang isa sa pinakasikat na CEO sa bansa,"
"Eh?pero fake lang naman yun Xandra Bess,hindi mo kailangan gawin to--"
"Just shut up,okay?I'm your bestfriend so ako na ang bahala,"pagputol niya sa sinasabi ko.
Okay.
*****
"Edi ibig sabihin iba 'tong mall nato sa mall na pinuntahan natin ni Zander noon?"tanong ko pa kay Xandra Bess.
Kasalukuyan kasi kaming nagkukwentuhan ni Xandra Bess ngayon habang naglilibot sa mall.
"Yup. Yung pinuntahan natin before is owned by Gio, and this mall is owned by Sheena–my friend,"Maarteng sagot niya habang naglilibot ng tingin.
"Wow ah,grabe,bigatin talaga kayo no?"namamangha,napapatangong sabi ko.
"Not so much,"maarteng sabi niya.
Natawa naman ako.
"Why?"nagtatakang tanong niya.
"Wala,"ngingiting sagot ko naman.
Siya na talaga pambato ko sa pagiging maarte.
"Eh bat ka tumatawa?"tanong niya pa.
"Wala nga,"
"Psh,pinagtatawanan mo'ko no?"nakasimangot na aniya.
"Uy hindi ah,"agad kong sabi.
Okay,ako na sinungaling -,-
"Sus, defensive ka masyado ah,"
"H-Hindi kaya..mabuti pa bilisan nalang naten,para naman makauwi na tayo,"pagiiba ko sa usapan.
"Actually,nandito na tayo,"nakangiting aniya ng huminto sa isang store at tuloy-tuloy na pumasok.
Naiwan na naman ako sa labas na nakatanga.
Akal ko si Zander lang ang feeling hari,pati din pala ang isang to.
"Magkapatid nga,"mahinang sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/249402829-288-k93796.jpg)
YOU ARE READING
MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)
RandomRamirez Series #1 "True love comes at the right time, with the right person." iyan ang kasabihan niya sa buhay. Siya si Ioni Yvette Gonzales, ang babae'ng laging nakangiti, mapagmahal na anak, at may mabuting puso-pero engot. Bata palang si Ioni ng...