IONI'S POV
"It hurts, you know?"nakangiwing aniya habang hinihimas ang pisngi niya na nasampal ko.
"H-Ha?"
"Tsk!nothing."
"Nakuu! sorry talaga!"Hindi mapakaling sabi ko habang pinagkikiskis ang mga palad ko."Hindi ko naman talaga sinasadya eh!y-yung..yung lamok kasi eh!Oo,yung lamok. Sorry—mp!"idinampi niya ang kanyang hintuturo sa labi ko,dahilan para matahimik ako.
"Okay na nga,diba?masyado ka'ng madaldal,"napanguso ako sa sinabi niya. Tinanggal naman niya ang daliri niya at uminom uli ng alak.
Napapalunok ako'ng umayos ng upo at tumingin nalang sa harapan. Sa swimming pool.
Ilang minuto pa ang nakalipas at nanatili lang kami'ng tahimik. Naiilang tuloy ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na naiilang.
"Gusto mo'ng malaman ang storya ko,diba?"bigla ay sabi niya. Nagtataka ako'ng tumingin sa kaniya.
"H-Ha?ayos lang naman kung ayaw mo eh. Makulit lang talaga ako—"
"Nagloko ang Mama ko ilang taon na ang nakalipas."mahinang aniya. Napalunok ako ng magsimula sya.
"At kung sa inaakala mo ay iyon ang dahilan ko para magalit sa kaniya—nagkakamali ka. Hindi lang isang beses o dalawa nangyari yon. Paulit-ulit. At iyon ang hindi ko matanggap."may hinanakit sa boses niya.
"Nakakasawa eh. Nakakasawa palang magpatawad 'no? Ang hirap,lalo na kapag hindi siya nagtitino. Hindi siya nagbabago. Pero sabi ko "It's okay,Zander. Bigyan mo pa siya ng last chance. last chance." Kaso wala eh. Nung minsan nga noon nakita ko siyang may kahalikan. Gusto ko nun silang sugurin at bugbugin ng bugbugin yung lalaki kaso wala eh,hindi ko kaya. Naiisip ko tuloy,kung ako nasasaktan sa ginagawa ng Mommy ko—paano pa kaya si Dad?Doble o triple siguro ang sakit na nararamdaman niya 'no?"bumuntong hininga siya bago lumagok ng alak."I don’t know how Dad manages to forgive her,eh pa-ulit-ulit din naman siyang niloloko?Isn't he tired like me? How does he put up with what Mom is doing?Ang daming tanong eh. Ang daming tanong pero nakakatawa dahil isa lang ang sagot.."
Nakangisi siyang lumingon sakin kaya napataas ang kilay ko."Dahil nagmamahal siya.."tumingin siya sa malayo."Dahil mahal niya si Mom."
Napatitig ako sakaniya sa sinabi niyang iyon.
"Dahil nagmamahal siya.."
Ganon pala 'yon?ganon pala kapag nagmamahal?
Nalito ako. Ang daming tanong ang pumasok sa isip ko.
"Funny, isn’t it?"nakakaloko siyang tumawa."Nagagawang magpatawad ni Dad kahit paulit-ulit siyang nasasaktan—samantala ako hindi?Napaisip na naman ako,May karapatan kaya ako'ng magalit sa sarili ko'ng Ina kung ang Daddy ko eh hindi nagsasawang magpatawad?Hindi siya nagagalit?"nakakaloko siyang ngumiti.
Napabuntong hininga ako."Nakakatakot pala.."
Nangunot ang noo ko habang inaalala ang mga sinabi niya.
YOU ARE READING
MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)
DiversosRamirez Series #1 "True love comes at the right time, with the right person." iyan ang kasabihan niya sa buhay. Siya si Ioni Yvette Gonzales, ang babae'ng laging nakangiti, mapagmahal na anak, at may mabuting puso-pero engot. Bata palang si Ioni ng...