IONI'S POV
Namimilog ang mga mata kong tinatanaw ang buong building. Hindi lang pala ito maganda sa labas, dahil triple ang ganda nito sa loob. Napakalinis at napaka organisado.
Mataimtim ko rin pinagmamasadan ang mga empleyado na tutok sa kanilang trabaho. May mga janitor at janitress na abala sa kanilang ginagawa. Mga empleyado na talaga namang agresibo sa pagkilos.
"Wow,"Napangiti ako sa nakikita ko. First time ko kasing makapasok sa ganito kalaking kumpanya. Grabe, sobrang laki!
"Let's go."
Natauhan ako ng marinig ang baritonong boses ng aking Amo. Dali-dali akong kumilos para sabayan siya sa paglakad.
Lahat ng empleyado ay napapahinto sa kanilang ginagawa para lang batiin siya. Todo ngiti pa sila kung bumati. Hindi naman mawawala ang mga empleyado na kung tumingin sa kaniya ay para siyang hinuhubaran. Napangiwi ako.
"Nakangiti lahat, siya lang ang hindi," mahina kong bulong ng mapansing seryoso lang siya mula pa kanina.
'Masyadong seryoso ang kuya nyo'
Nagpatuloy lang ako sa pagsunod sa kaniya. Tinahak namin ang isang hallway na parang wala ng hangganan. Juice colored!Ano ba ang dulo ng hallway na 'to?Kaharian ba ng demonyito kong Amo?
Nakasimangot akong nakasunod sa kaniya samantalang seryoso naman siya. Ang sakit na ng paa ko!Sana pala ay nagtsinelas nalang ako.
"Good morning Sir,"bati ng isang empleyado na nakasalubungan namin. Napatingin naman ito sakin kaya ngumiti ako. "Good morning din po Ma'am."
Ngumiti lang ako sa kaniya hanggang sa lagpasan na niya kami. Infairness, ang popogi ng mga nagtatrabaho dito. Para silang mga artista. Buti pa dito, samin kasi mukha silang balot–lahat panot!
"Hey bro," bati naman ng bagong dating. Nag fist bump pa sila ni Cancer. Pinakatitigan ko ang lalaki;matangkad, maputi, bagsak ang buhok at talaga namang gwapo. Mukha nga siyang kuryano dahil singkit ang mga mata nito lalo na kapag ngumingiti.
Napansin nito na nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin siya sakin. Nginitian ko naman siya ng bonggang bongga.
"Kung hindi ko makukuha si Papa P, baka ito masungkit ko ehee"
"Hi,"mahinhin kong bati sabay ipit ng buhok ko sa tenga. Pabebe din akong tumingin sakaniya sabay ngiti.
Tumingin ito sakin. Nakangiti at kagat labi niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Pakiramdam ko tuloy may iniisip siyang iba ehe ehe.
"And who is this beautiful woman next to you?" nakangiting tanong niya kay Zander. Saglit namang tumingin sakin ang masungit kong Amo.
"Ioni. Her name is Ioni," walang ganang sagot nito.
"Oh, your name is beautiful just like you," ngumiti ito sakin at naglahad ng kamay. "Ako nga pala si Gio. Ang lalaking para Gio." mapogi itong ngumiti saka kumindat.
Ha?nudaw?
"A-Ahh hehehe,"pilit akong ngumiti bago inabot ang kamay niya.
"Corny," mayabang na sabi ni Zander, dahilan para bitawan ni Gio ang kamay ko.
"Ito naman, suportahan mo nalang ako," nakanguso, kumakamot sa ulong ani Gio. Napangiti naman ako sa kacutan niya.
"Back off dude, you can't get her," seryosong tumingin si Zander sa lalaki.
YOU ARE READING
MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)
AléatoireRamirez Series #1 "True love comes at the right time, with the right person." iyan ang kasabihan niya sa buhay. Siya si Ioni Yvette Gonzales, ang babae'ng laging nakangiti, mapagmahal na anak, at may mabuting puso-pero engot. Bata palang si Ioni ng...