CHAPTER 35

196 7 0
                                    

IONI'S POV

"A-Aray!teka lang!"napapangiwi'ng ungot ko dahil sa higpit na pagkakahawak sakin ni Zander.

"A-Ano ba nasasaktan ako!"inis kong binawi ang braso ko dahilan para mapahinto siya."Ano ba'ng problema mo,ah?!"

Kanina pa kasi niya ako hila-hila hanggang sa makarating kami sa bahay!

"Ha!"hindi makapaniwalang sambit niya."Ang lakas din ng loob mo para tanungin kung ano'ng problema ko?!samantalang ikaw ang problema ko!"

"A-Anong ako?"nagtatakang tanong ko.

"Ang tindi mo din,eh,no?ano bang klase'ng utak ang mayroon ka,ah?!"

"Dahil hindi ko maintidihan kung bakit kailangan mo'ng sumigaw!"

'Kanina pa siya,ah?buti nalang ay umalis na si Raven.

"So,lumalaban ka na?"naiinis siyang ngumisi.

Napalingon naman ako sa paligid at nanlumo ako ng maisip na wala si Xandra Bess–hindi kasi siya makakauwi. Sina Manang man ay makakauwi pero hanggang ngayon ay wala parin sila.

"Eh nakakainis ka na eh!hindi mo kailangan sumigaw dahil 'di naman ako bingi!"inis kong sagot.

"Sisigaw ako hangga't gusto ko,naiintindihan mo?"sarkastikong anas niya.

"Alam mo,hindi kita maintidihan eh!ano ba kasing pinuputok ng butsi mo?!"

"Ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo!"

"A-Anong.."

"You heard me, didn't you? You're fired–at ayoko ng makita yang pagmumukha mo pagkagising ko bukas–kaya ngayon palang mag-impake kana!"

"S-Saan naman ako magtatrabaho?"

"Hindi ko na problema iyon!hindi ko na problema kung saan ka man magtrabaho!Kung gusto mo ay pumunta ka sa bar at doon ka maghubad!baka sakaling bumenta ka't magkapera!"

Napamaang ako sa sinabi niya.hindi agad ako nakapag-salita,bumubuka ang bibig ko pero wala salita ang lumalabas doon.

"What's going on here?"

Natauhan lang ako ng may pamilyar na boses ang magsalita sa likod ko–Sina Tito Carlo.

"Zander?Ioni?Ano'ng nangyayari?"salubong ang kilay na tanong ni Tito Carlo.

"Buti dumating na kayo?"sarkastikong tanong ni Zander,napamaang ako."naalala niyo pa pala kami?"

"Kinakausap ka ng maayos ng papa mo, Zander."Sabat ni Tita Zharm.

Pero sa halip na sumagot si Zander ay tumawa lamang ito, sarkastiko.

"What's funny?"salubong man ang kilay ay nagtatakang tanong ni Tita Zharm.

Maging ako ay napatitig sa tumatawang si Zander.

Abnoy ata..

"You're funny,"natatawang aniya pa.

"What?"lalo'ng nagsalubong ang kilay ni Tita Zharm.

"Tsk. Bitch."dinig ko pang bulong mi Zander bago sumeryoso."bakit ba umuwi pa kayo?"

MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)Where stories live. Discover now