ZANDER'S POV
Medyo gabi na ng makauwi kami sa bahay ni Iron. Tuwang tuwa pa siya habang tumatakbo papasok sa bahay. I smiled secretly.
Pinark ko lang rin ang kotse ko bago maglakad papasok. Napatingin ako sa key chain na hawak ko, isang maliit na sunflower. Tumaas ang kilay ko tsaka umiling ng maalala kung sinong nagbigay dito.
Cute
I decided to go inside to rest, I have a lot to do tomorrow. Lalo na ang ginagawa kong alak. Kailangan ko ng matapos 'yon before the end of the month.
"Zander."
Nahinto ako sa pag iisip ng may tumawag sakin. Huminto rin ako sa ikalawang baitang ng hagdan. I turned back to face him. Si Dad. Seryoso siyang nakatingin sakin.
May hawak siyang dalawang beer sa magkabilaang kamay, naka bukas na ang isa na siyang iniinom niya ngayon.
"Gabi na,"seryoso pa rin siya.
"Yeah, I know,"nabigla pa ako ng binato niya ang hawak niyang beer, nasapo ko naman 'yon agad.
"Yeah?"nalilito ko siyang tinignan ng isenyas niya ang hawak kong beer. Pinapabukas.
Napabuntong hininga ako bago buksan yon at uminom. Pero lalo akong nagtaka ng maglakad siya papunta sa swimming pool area at pasunurin ako.
"Do you have something to say, Dad?"nalilito paring sabi ko ng huminto kami sa harap ng swimming pool. Nakapamulsa siya habang hawak ang beer sa kanang kamay.
"I think I should be the one to ask that. May gusto ka bang sabihin sakin, Zander?"
"What?"nalilito ko siyang tinignan. Nakatingin lang ito sa malayo at may tipid na ngiti sa labi.
"I want to know bago kami umalis ng mommy mo,"sumulyap siya sakin bago uminom ng beer.
"To know what?I don't know what you want to say."
"You know what I'm talking about, Zander. Don't play numb."
"Of course I don't know. Can you just tell me? Pinapahirapan mo pa ako,"naiinis ko sabi.
Pwedi niya namang sabihin kung anong gusto niyang sabihin. Why does it have to be difficult? Gusto niya ba akong gawing manghuhula? Kung hindi ko lang talaga siya tatay baka nilayasan ko na 'to katulad ng ginagawa ko kapag nababadtrip ako.
Narinig ko naman siyang natawa. Tinapik niya pa ang balikat ko.
"Dad?!"asik ko.
"I'm just happy for you. I used to be like that too."bagya pa siyang natawa. Nagtataka ko siyang tinignan. "Katulad mo, hindi ko rin maisip na magugustuhan ko siya."
Lalo akong naguluhan sa sinabi niyang iyon.
"What are you talking about? Lasing ka na ba?"nagtataka talaga ako sa sinasabi niya, at the same naguguluhan! Si Dad ba talaga 'to?
Hindi ito sumagot, ngumiti lang ito bago uminom ng beer. Naguguluhan tuloy akong gumaya sa ginagawa niya.
'Ano bang trip ni Dad?'
"Gusto mo siya?"he asked. I looked at him at hindi sumagot. "I shouldn't be asking that. I know you do."
Bumuntong hininga ako at tumingin sa malayo.
YOU ARE READING
MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)
RastgeleRamirez Series #1 "True love comes at the right time, with the right person." iyan ang kasabihan niya sa buhay. Siya si Ioni Yvette Gonzales, ang babae'ng laging nakangiti, mapagmahal na anak, at may mabuting puso-pero engot. Bata palang si Ioni ng...