IONI'S POV
"Good Morning mga suki kong magaganda! Halina't bumili na kayo dito!!"sigaw ko habang pumapaypay pa sa kanila.
"Yoohoo!!mga suki!!bili-bili na!fresh pa ang mga gulay..yoohoo!"sigaw ko pa.
Ano ba yan!namamawis na't lahat wala paring bumibili! Malapit ng mapaos ang beautiful voice ko!huhu.
"Mag pahinga ka muna anak. Ako na muna dyan,"alok ni Mama. Agad naman akong umiling at ngumiti.
"Ma, kaya ko!ako pa!eh Gonzales ata to,"nakangiting sabi ko kaya walang nagawa si Mama.
Kaya mo yan Ioni!ikaw pa!ikaw ata si Ioni Gonzales-Ang dyosa ng inyong pamilya!kaya keri lang!
"Yoohooo!Mga suki, bili na kayo!! May discount ang first five na bibili!"sigaw ko.
Napatingin naman sakin ang mga bumibili. Kaya napangiti ako. Ayan na Ioni! Gumagana na ang karisma-este tricks mo!hoooo!
"Ano pang hinihintay nyo! Halina kayo! May discount ang first five na bibili! Fresh pa naman ang gulay namin!"tawag ko pa sa kanila. Mabilis naman silang naglapitan sa pwesto namin.
"Talaga miss?"
"Oo naman. Kaya pumila kayo ng maayos para mabigyan kayo ng dagdag!"nakangiting sagot ko na agad naman nilang sinunod.
"Ito nga miss!"
"Eto sa akin ineng. Dagdagan mo ah."
"Kalabasa at talong ang akin, hija."
"Ito nga ineng."
"Sitaw at pechay ang akin."
"Upo ang akin dalawa."
Mabilis naman kaming kumilos ni nanay para ibigay ang mga pinamili nila.
"Salamat po. Salamat ate. Salamat ate ganda!"Sabi ko ng nakangiti.
Hoo! Naubos ang gulay namin ni mama! yehey!
"Ito po Lola. Salamat po,"nakangiting Sabi ko sa huling costumer. Nginitian nya naman ako.
"Ang galing mo talaga anak pag dating dito,"puri ni nanay habang inaayos ang mga basket namin
"Naman!"taas noo'ng sabi ko kaya napailing si nanay habang nakangiti"Gonzales ata to!"
"Ikaw talaga."
"Hehe,"ako.
"Asus!kaya lang naman bumenta 'yang mga bulok nyong gulay dahil inuuto lang ng anak mo ang mga kostumer!"
Napatingin naman kami ni nanay sa nagsalita.
Si aling bebang na naman?kailan ba to titigil?
"Kami ho ba ang pinariringgan nyo aling bebang?"tanong ko sabay lingon sa paligid. Konti nalang kaming tindera ang natira. Salamat naman. Kaso lang lahat sila nakatingin samin.
"Aba eh kung natamaan kayo edi kayo yon!"masungit nyang sabi.
Tumaas ang kilay ko at nakagat ko ang labi sa inis.
YOU ARE READING
MAID TO BE INLOVE (ON-GOING)
SonstigesRamirez Series #1 "True love comes at the right time, with the right person." iyan ang kasabihan niya sa buhay. Siya si Ioni Yvette Gonzales, ang babae'ng laging nakangiti, mapagmahal na anak, at may mabuting puso-pero engot. Bata palang si Ioni ng...