PROLOGUE

3.4K 59 20
                                    

Prologue

"Goodmorning!" Masiglang bati ko kay Theon.
Sumandal ako sa likod niya at natawa ako nung magsimula na naman siyang magreklamo.

"Di mo ba ako namiss? Kasi ako namiss kita" ako ang kinikilig sa sarili kong salita.

"Kahapon lang tayo nagkita, bakit kita mamimiss? Girlfriend ba kita?" Ouch, nakakahurt ka naman ng feelings.

"Hindi, pero soon" nginisihan ko siya at kinindatan. Inirapan niya lang ako.

"Keep imagining things, I like Xyra so stop it" kinagat ko ang labi ko at napatango-tango.
I know that you love her.

"I will never like you because you're like a sister to me" sabi niya kaya natawa ako ng mapakla.
Tangina naman.

#sisterzoned

"Uuwi na'ko mamaya, ihatid moko" sabi ko at umiling siya.

"May lakad kami ni Xyra" oh okay sorry naman.

"Ahh, ba't lagi kayong magkasama, ba't di ka pa niya sagutin? Paano kung pinapaasa kalang niya?" Tanong ko.

"Ayoko siyang madaliin, we're still studying kaya ligaw ligaw muna" natahimik ako dahil sa sinabi niya.
Sana lahat nililigawan.

"Sige, ingat nalang kayo mamaya, bye!" Sabi ko bago ako lumabas ng condo unit niya.
Sobrang sungit niya pero okay lang.

Tumambay ako muna ako sa isang resto malapit sa condo unit ni Theon.
Nakita kong pumasok si Xyra sa building.

Sila parin ang naiisip ko habang kumakain ako.
Ilang sandali ang lumipas ay sabay silang lumabas ng building.

Medyo makalat na ang lipstick ni Xyra.
I smiled bitterly, tangina ba't ba ako umaasa kahit alam kong wala namang pag-asa?

Bumuhos ang malakas na ulan nung lumabas na ako ng resto.
Nagpasundo ako sa driver namin, kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Kuya rik nung makita niya akong basang-basa.

Pati ang cellphone ko ay nabasa na, ang mga ala-ala namin ni Theon, yung mga pictures namin na tinitignan ko gabi gabi bago ako matulog ay wala na.

"Kuya, pwede mo po ba akong ibili ng Ice cream?" Tanong ko.
Mabilis na tumango si Kuya Rik, iniabot ko sa kanya ang pera bago siya lumabas ng sasakyan.

Bad mood ako kaya pagkauwi ko ay nagtungo agad ako sa kwarto ko at nagpalit na ako ng damit.
Kinuha ko ang Icecream na nasa sidetable ng kama ko at kinain ito.

* * *
Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko.
Nilalamig din ako at masakit ang katawan ko kaya hindi ako bumangon.

Pumasok sa kwarto ko si Chiara.
Siya ang pinakaclose kong pinsan ko kasi pateho kaming maingay.

"Gaga may lagnat ka!" Mabilis siyang lumabas ng kwarto ko. Pagbalik niya ay may bawak na siyang isang box.
May laman itong mga gamot at thermometer.

Mataas ang lagnat ko, naalala kong may klase pa ako ngayon pero diko talaga kayang pumasok.

Inalagaan ako ni Chiara buong magdamag, nasa ibang bansa ang parents ko dahil sa business nila.

Alam ni Chiara ang nararadaman ko para kay Theon, kaya pag broken na broken ako dahil kay Theon ay dinadamayan nya ako sa pag emote.

#Cousingoals!

Tatlong araw akong hindi pumasok.
Bumili nadin kami ng bago kong cellphone dahil wala na yung dati kong cellphone.

* * *

"Kate" napalingon ako sa tumawag sa akin. Kumunot ang noo ko nung makita ko si Theon.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ba't hindi ka pumasok ng ilang araw? Hindi mo rin sinasagot ang mga tawag ko, bakit?"Tanong niya.

"Nagkalagnat ako tsaka nasira yung cellphone ko" walang ganang sagot ko.

"May goodnews ako sayo" natutuwang sabi niya.

"Sinagot na ako ni Xyra" Parang gumuho ang mundo ko dahil sa narinig.
Napakagandang bungad naman niyan.

"Ahh congrats" pilit akong ngumiti.

"Ako nalang ang single, maghahanap nalang ako" sabi ko at natawa kaming dalawa.
Pesteng buhay to...

_______

Thanks for reading!!

Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon