EPILOGUE

1K 31 5
                                    

EPILOGUE

NAGING mahirap ang pagpapalaki ko kay Kalev. He grew up with his three friends.

Noong araw na iniuwi ko siya sa bahay ko ay hindi ko alam ang gagawin. Tinawagan ko si Aaliyah para turuan ako kung paano palitan ang diaper ni Kalev. Nagpaturo ako kung paano siya paliguan.

Noong baby pa sina Israel at Inessa ay nakita ko kung pano sila alagaan ni Aaliyah, pero gusto kong sigurado ang mga ginagawa ko kay Kalev.

Paminsan minsan ay bumibisita sina Chiara at ang Daddy ni Kate.
Sinisigurado ko naman na wala silang masamang gagawin kay Kalev.

Laging tahimik si Kalev, kahit saan kami pumunta ay may dala siyang libro, isinasama ko siya sa loob ng Company pero gusto niyang iniiwan ko lang siya sa loob ng office ko.

Ayaw niyang nakikipag-usap sa mga hindi niya gaanong kakilala.
He grew up smart and understanding, even though I wanted him to socialize with a lot of people he didn’t want to, I didn’t want to force him to do that.

I want him to enjoy his childhood, Israel and Inessa are the ones he prefers to be with. They always tease Inessa but Inessa doesn't care.

"Papa Theon, may gusto si Kalev kay Feyre" Napatingin ako kay Inessa dahil sa sinabi niya.

"Who is Feyre?" Kunot ang noong tanong ko sa kaniya.

"Yung kaklase ni Kalev, anak nila Mr. And Mrs.Ventura" sabi nito tsaka siya sumubo sa kwek-kwek na hawak niya.

She loves eating street food.
Masarap naman kasi.

"Hey Dad!" Nginitian ko si Kalev habang naglalakad siya palapit sa amin ni Inessa.

"There she is!" Tukoy ni Israel sa kapatid. Umirap si Inessa tsaka siya pumasok sa loob ng sasakyan ni Israel.

Gusto nilang magbakasyon sa Sta.Ana.
Pumayag naman ako dahil matagal na mula noong huling dumalaw kami doon.

Inilipat ko sa pangalan ni Kalev ang mga ari-arian ng kaniyang yumaong mga magulang.

Sumakay na ako sa loob ng sasakyan tsaka ko sinabi sa driver na aalis na kami.
May sariling driver sina Israel, kasama nila si Kalev sa loob ng sasakyan nila.

They treat him like their own cousin, and I'm thankful because of that.
Hindi nila ipinamukha kay Kalev na hindi talaga nila siya kadugo.

Hindi naging madali ang pagkawala ni Kate, she promised her fiancè that she will take care of their son, pero talagang hindi nakisama ang tadhana.

Ibinigay ko kay Kalev ang lahat ng gusto niya. I don't wanna make him feel that I don't love him.

Itrinato ko siya na parang tunay na anak, kahit wala akong asawa ay kaya ko naman na tumayong Mommy at Daddy ni Kalev.

May araw noon na nagtanong si Kalev tungkol sa totoo niyang mga magulang.
Sinabi ko sa kaniya ang totoo, ano ang silbi ng pagsisinungaling ko kapag malalaman din naman niya ang totoo?

Hindi namatay ang anak nila Maverick,  naging matalik itong kaibigan ni Kalev kahit mas matanda na ito sa kaniya.

* * *

"Magandang Araw Sir Theon" salubong ng mga katulong sa loob ng bahay.
Kita ko ang paglingon ng isang babae sa amin, noong una ay hindi ko siya namukhaan.

"Amaia!" Tili ni Inessa tsaka siya tumakbo patungo sa matalik na kaibigan.

"Hi Amaia" Israel smiled at her.
Namula ang mukha ni Amaia bago siya nag-iwas ng tingin.

"Okay! Let's eat" aya ko pati sa mga katulong.

Sabay-sabay kaming kumain.
Nag-aya ang mga bata na maligo sa dagat, tuwang-tuwa sina Inessa nang makarating kami sa tabing dagat.

"Hindi halatang matanda kana Papa Theon" sabi nito. Sumipol sina Kalev at Israel tsaka sila sabay na natawa.

"Matanda na si Papa Theon, pero nagtitinginan parin sa kaniya yung mga nadadaanan natin kanina" sabi ni Israel.

"Sanay na ako diyan, sino ba naman ang hindi lilingon sa isang gwapo na katulad ko?" Hinawakan ko ang baba ko nagkunwaring nasusuka sina Kalev.

"Dad, magpacheck tayo bukas" sabi ni Kalev kaya natawa ako.

Loko kang bata ka.

Isinama namin si Amaia para may kabonding si Inessa.

I stared at them while they're laughing at each other.

Nakikita ko ang kabataan ko kay Israel.
He's annoying

Bumawi ako kay Kalev,  sobra-sobra ang kasalanan ko kay Kate kaya kahit bumawi ako kay Kalev ay makasalanan parin ako.

If you can't do anything about it then let it go. Don't be a prisoner to things you can't change.

Naaalala ko ang sinabi ni Aaliyah noong nag-iinuman kami ng asawa niya.

"I respect any man who can heal a heart he didn't break and raise a child he didn't make"

Halos ipamukha niya sa akin noon na masama talaga akong tao dahil inakala nila na ako ang nagpakalat nung video.

Pero unti-unting naayos ang lahat.
She helped me taking care of Kalev, itinuring niyang parang tunay na anak si Kalev.

Parenthood requires love, not DNA.

   

                                   END

Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon