CHAPTER 17

753 22 1
                                    

Chapter 17

Kate's POV.

Nanginig ako sa takot nung tumigil na ang sasakyan sa tapat ng bahay namin.
Pinagbuksan ako ni Kuya Rik ng pinto.
Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, wala akong makita reaksyon mula sa mga mata niya.

Hila-hila ko ang maleta ko nung pumasok kami sa bahay.

"Magandang araw po" I smiled at Tita Jassy but she just looked at me up and down. Parang nakakadiri ako para sa kanya.
Bumuntong hininga ako bago ko siya nilagpasan.

"Kate, come inside my office" napatigil ako sa pagbukas ng kwarto ko nung marinig ko ang seryosong boses ni Daddy.

"Opo, susunod na po ako" tanging sabi ko bago ako pumasok sa kwarto ko.
Inilagay ko ang maleta ko sa gilid ng kama ko.

Pinalakas ko ang loob ko bago ako lumabas ulit ng aking kwarto.

"COME IN!" malakas na boses ni Daddy ang narinig ko mula sa office niya.
Binuksan ko ang pinto at agad akong pumasok.

Kunot-noo niya akong tinignan nung umupo ako sa swivel chair na nasa harap ng mesa niya.

"Pinalaki kita ng maayos Kate, anong nangyari?" Nangilid ang luha ko nung tanungin iyon ni Daddy.

"Saan ako nagkulang? NAKAKAHIYA ANG GINAWA MO KATE! ANO NALANG ANG SASABIHIN NG IBANG TAO DAHIL SA VIDEO MO NA KUMAKALAT?! KLARONG-KLARO NA IKAW IYON! NAKAKAHIYA KA!" Humagulgol ako ng iyak noong sigawan niya ako.

"B-bat di niyo manlang po ako natatanong kung ano talaga ang nangyari? Wala po akong alam tungkol sa scandal" umiiyak na sabi ko.

"WALA KANG ALAM? KITANG-KITA SA VIDEO NA SARAP NA SARAP KA SA GINAGAWA NUNG LALAKING KATALIK MO!" gusto kong sumigaw pero kinikimkim ko nalang ang galit na nararamdaman ko dahil lalala lang ang sitwasyon.

"Dad, niloko niya ako" sabi ko.

"NILOKO KA MAN NIYA O HINDI, LUMANDI KA PARIN KATE! ANO ANG SASABIHIN NG IBANG TAO?! MALANDI KA!" Sigaw nito.

"OO MALANDI AKO!" Nagulat siya dahil sa bigla kong pagtayo at pagsigaw.

"Ano pa? SYEMPRE SASABIHIN NG IBANG TAO NA MAKATI AKO DAHIL DUN SA SCANDAL NA YON! BAT BA LAGI NIYO NALANG INIISIP YUNG SASABIHIN NG IBANG TAO AT HINDI NIYO MANLANG INIISIP KUNG ANO YUNG NARARAMDAMAN KO! HINDI NIYO ALAM ANG TOTOONG NANGYARI!" sigaw ko.

"See? You don't even respect me, sinusumbatan mo ako, hindi kita pinalaki ng ganyan" hindi ako makapaniwalang tumitig kay Daddy.

"Dad, nung pinatulan mo ba yung Jassy na yon sinabihan ba kita ng malandi? Hindi ko inisip yung sasabihin ng ibang tao dahil kasiyahan mo yung ginawa mo, I think I should leave now, hindi niyo manlang pinapakinggan ang opinyon ko" I smiled bitterly before I walked out of his office.

Bumalik ako sa kwarto ko at inayos ko ang itsura ko. Kinuha ko ang maleta ko bago ako lumabas.

Nung makababa ako ay nakita ko si Tita Jassy at Chiara na nag-uusap.

"Ohh nandito kana pala? Saan ka pupunta? Sa Sugar Daddy mo?" Natatawang tanong ni Tita Jassy.
Or should I just call her Jassy.

"Huwag mo akong igaya sa sarili mo, ano mo ba si Daddy? You just want him because of his money, nagbabalat- kayo ka pala?" I smirked.

"Nakikitira ka lang naman dito diba? Wala ka ngang karapatan na tumapak dito dahil akin tong bahay na to, sa akin ipinamana ni Mommy ang lahat ng ari-arian niya, at kasama na doon itong bahay na to, sa tingin yayaman si Daddy kung hindi niya nakilala si Mommy?" Umawang ang labi niya dahil sa narinig.

"Kaya huwag kang umasta na alam mo ang lahat tungkol sa amin, nakakaawa kalang dahil biktima ka ni Daddy" Inirapan ko siya bago ako lumabas ng bahay.

Rinig ko ang sinabi ni Chiara kanina.

"Naikalat na, we ruined everything already, mapapasatin na ang yaman"

After all those things she did to me.
Kasinungalingan lang pala.

"I would love to be with your kids on the future, ako yung rich Tita, tapos ibibigay ko sa kanya lahat ang gusto niya"

Tsk! What a desperate bitch.

__________

Thank you for reading!!

Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon