CHAPTER 18

769 20 5
                                    

Chapter 18

Kate's POV.

   TAAS-noo akong pumasok sa simbahan. Yes, umattend parin ako ng kasal ni Aaliyah.

She's my friend, and I don't care if Theon will see me here.

Panay ang tingin sa akin ng mga tao pero wala akong pakialam dahil hindi sila ang dahilan kung bat ako nandito.

"Hey, are you okay?" Hinawakan ni Ate Roise ang balikat ko. Tipid ko siyang nginitian bago ako tumango.

Pinanood ko kung pano nangako si Aaliyah at Lucas sa isa't isa.
They're so good together.

Napangiti ako nung maghalikan na sila.

"PICTURE PICTURE!" malakas na sabi namin ni Ate Roise kaya natawa sila Aaliyah.

Tumabi ako kay Aaliyah, hindi ko inaasahan na may ibubulong siya sa akin.

"Everything will be okay" Nginitian ko lang siya bago ako tumingin sa camera.
Nagpose pose pa kami ni Ate Roise.

* * *

Nakisakay na si Ate Roise at Drina sa sasakyan ko nung nagtungo na kami sa venue.

Medyo maraming tao pero buti nalang at may nakareserve na table para amin nila Ate Roise.

"Are you hungry?" Tanong niya sa akin kaya tumango ako.
Sumunod ako sa kanya para kumuha ng makakain.

Naglagay ako ng kaunting kanin sa plato ko at kaunting ulam.
There's a chicken curry kaya iyon ang kinuha ko.

"Drina loves Chicken curry" nakangiting sabi ni Ate Roise habang naglalakad kami pabalik sa table namin.

Nilalaro ni Drina yung phone ni Ate Roise kaya behave lang siya.

Inilibot ko ang paningin ko at natigilan ako nung magtama ang paningin namin ni Theon, he's staring at me, and I can see pain in his eyes.
Namamalik-mata kalang Kate!

Naiiling akong nag-iwas ng tingin tsaka ako nagsimulang kumain.

Napatingin kami kina Aaliyah at Lucas nung pinatunog ni Ate Roise ang wine glass niya gamit yung tinidor na hawak niya.

"KISS!" sigaw nito.
Nakigaya na rin ang ibang tao pero hindi ko iyon ginawa.

I saw how he sucked her lower lip and I looked away.
Sinabi ni Aaliyah na buntis siya kaya naman pumalakpak ako.
They're so lucky for each other.
Bagay na bagay sila.

Pagkatapos ng seremonya ay nagpasya na akong magpaalam.

"Congrats" nakangiting sabi ko kay Aaliyah.

"Thank you, ninang ka ulit ha?" Sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya.
Ninang ako ni Inessa at Israel.

"Kailangan ko ng umalis" Tumango ito bago ako hinalikan sa pisngi.

"Ingat ka sa daan, umuulan daw sa labas" sabi niya kaya tumango ako.
Sanay na akong magdrive kahit umuulan.

"Again, congrats sa inyo" Nginitian ko sila ni Lucas. Nahihiya pang ngumiti si Lucas naman inirapan ko siya.

"I'll go now" kinawayan ko ang mga anak nila bago ako tumalikod.

* * *

Habang naglalakad ako patungo sa kotse ko ay parang may sumusunod sa akin kaya binilisan ko pa ang paglalakad.

"AAAAAHHHH!" Gulat akong sumigaw nung may humila sa akin.

"I'm sorry" mabilis kong iwinaksi ang kamay ni Theon tsaka ko siya sinamaan ng tingin.

"Napakawalang hiya mo" nanggagalaating sigaw ko sa pagmumukha niya.

"Hindi ko sinasadya" nangilid ang luha nito.

"HUWAG MO'KONG DRAMAHAN PUTANGINA MO!" Sigaw ko.
Akmang hahawakan niya ulit ako pero mabilis ko siyang sinampal.
Napahawak siya sa pisngi niya pero wala akong pakialam.

"Ang kapal ng mukha mo, ano yun? Aksidente mong narecord yung video tapos aksidente mong napost?" Mapakla akong tumawa.

"Putangina mo, sana hindi nalang kita nakilala noon pa, nakakapagsisi" walang emosyong sabi ko sa kanya.

"I'm sorry" iyak nito kaya naman mas lalong namuo ang inis sa loob ko.

"Sabing huwag kang magdrama, tangina mo paawa effect kapa, sana makalimutan na kita, nakakapagsisi lang na nakilala kita dahil putangina mo!" Inis na sabi ko.

"Don't say that please, hindi ako nagsisising nakilala kita, I love you" sinampal ko ulit siya dahil sa sinabi niya.

"Anong pagmamahal don? Dagdag ba sa pagmamahal mo yung pagsira sa buong pagkatao ko? Dahil sa ginawa mo, nasira na rin ang pagiging anak ko sa Daddy ko, napaka walanghiya mo" nangilid ang luha ko.

"I really love you, please believe me" umiling ako at mabilis na umatras.

"HUWAG KANANG UMASA NA MAGTITIWALA PA AKO SAYO, DAHIL ANG PANGARAP KO NGAYON AY ANG MAKALIMUTAN KA, MABAOG KA SANA TANGINAMO!" sigaw ko sa kanya bago ako pumasok sa kotse ko.

Tumulo ang luha ko nung makapasok na ako sa kotse ko.

Mabilis kong pinalis ang mga luha ko bago ko pinaandar ang sasakyan ko.
The engine roared.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan  ko. Hindi ko alam kung saan na akong nagtungo basta nagmaneho lang ako.

* * *

Mahirap maaninag ang daan dahil aa malakas na ulan.
Madulas din ang kalsada, walang masyadong sasakyan ang dumadaan.

Tinignan ko ang mga gamit ko sa backseat, I drove as fast as I can.

Sinubukan kong tapakan ang break ng sasakyan ko pero hindi na ito gumana.
I smiled sadly.

"Thank you for the happy memories that we made, and the painful things you did to me. Maybe we're not really meant for each other" tumulo ang luha ko kasabay ng malakas na pagbunggo ng sasakyan ko.

Tumitig ako sa mga patak ng ulan sa kalsada. Bumaliktad ang sasakyan ko.

Unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman.

                                End









HAHAHAHA Joke lang :>

_____________

THANK YOU FOR READING!!

Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon