CHAPTER 2

1.4K 41 12
                                    

Chapter 2

Theon's POV.

      HUMIGA na ako sa kama at inalala ang nakita ko kanina. Umuwi na ng pilipinas si Isaiah. At nakita ko kung pano niya kausapin si Kate.

Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang notifications ko.
Finollow ako ni Kate sa instagram.
Inistalk ko ang bagong account niya

1 post
427 followers
16 following

Talagang nakafollow siya kay Chris Evans, crush na crush ampota.

Finollow niya din si Isaiah.
Nakasuot siya ng red two piece sa profile niya kaya naman nakaramdam ako ng inis.

Tinignan ko ang post niya at mukha nila ni Isaiah ang bumungad.
Wtf!

Nakapatong ang mukha ni Isaiah sa balikat ni Kate.
Picture nilang tatlo nila Chiara ang nasa last post niya.
Panay seafood ang ibang post niya.

Tinignan ko ang mga comment sa post niya at karamihan doon ay mga kaibigan o kaklase namin sa school.
May mga comment din ang mga kaibigan ni Isaiah.
Pati si Aaliyah ay nagcomment din.

'OMG! Sino siya? Bagay kayo!' - liah501.

'Ayyy nakamove on na ang lola niyo! Ship!' - HavenAaliyah♡

'Your so lucky bro' - itsArthur

'Ang sweet niyo kanina, nakakainggit' - ChiHayes🥀

Napairap ako dahil sa mga comments nila. Pinatay ko na ang phone ko at pinilit na kalimutan ang mga nasa isip ko.

* * *

Paggising ko ay hindi na ako kumain ng breakfast.

"Ang haba naman ng hair ng Kate na yan!" Kantyaw ng mga kaklase namin sa kanya. Nakangiti lang ito.

Dumaan na ako sa tabi niya pero di niya ako pinansin.

To: ItsKateEmery♡

Hey, can we talk later? Or sabay tayong maglunch?

Kita ko kung pano niya tignan ang phone niya at di manlang nagreply.
The fuck? What's wrong with her?
Dati ay agad naman itong nagrereply

Hanggang sa pagsapit ng lunch ay hindi nagreply si Kate sa message ko.
Nauna na siyang lumabas ng classroom.

Akmang susundan ko siya pero may kumapit sa braso ko.
Xyra

"Babe, lunch na tayo" nakahawak lang siya sa akin hanggang makalabas kami ng school.

Half day lang ang pasok namin  kaya naman mahaba ang time ko para sa mga gusto kong gawin.

Pagkatapos ng nga klase namin noon ay sasama agad sa akin si Kate, pipilitin niya akong maglunch kasama siya.
Ba't ba siya nalang ang nasa isip ko?

May sinasabi si Xyra pero di ako makafocus dahil si Kate ang laman ng isip ko.

"May lakad kami ng cousin ko, mauna na ako" hinalikan niya ako sa labi bago siya umalis.

I decided to go home and be with my sister.
She's 19 now, gusto ko ring makita ang mga pamangkin ko.

"AYY TANGINA!" mura ni Aaliyah nung buksan niya ang pinto.
Kakatok na sana ako pero nauna siyang nagbukas.

"Good Afternoon!" I smiled at her, iniabot ko sa kanya ang box na hawak ko. It's a cake.

"Hello!" Masayang bati ko sa nga pamangkin ko. Sabay ko silang binuhat, mabibigat na sila.

"Nakita mo yung post ni Kate?" Hanggang dito ba naman si Kate parin?

"Umuwi na pala si Isaiah, may family reunion daw tayo next week" napatingin ako sa kanya.
Nakaignore message sa akin ang mga Family Groupchat namin.

"Kayo na pala ni Xyra, hindi naman sa nakikialam ako sa relasyon niyo pero nakita ko siya kahapon sa supermarket, kasama niya si Paolo, naalala mo yung guitarist sa isang banda sa school niyo?" Tanong niya habang hinihiwa ang cake na inuwi ko.

Yeah, may nagtanong din sa akin na kaklase namin kung kami pa ba ni Xyra dahil nakikita daw nila itong kasama si Paolo.
Hindi talaga ako naniniwala nung una pero nakita ko rin sila last week.

"Seryoso ba siya sayo?" Natatawang tanong ng kapatid ko.
Nilunok ko ang nginunguya kong pagkain bago ako nagsalita.
Alam ng kapatid ko ang lahat ng sikreto ko, at alam ko din ang sa kanya.

"Nung sinagot ako ni Xyra, nararamdaman ko na umiiwas na sa akin si Kate" kwento ko sa kanya.

"Gago syempre iiwas siya kung may girlfriend kana, ano nalang ang mararadaman ng girlfriend mo kung makita ka niyang laging kasama si Kate?" Natahimik ako dahil sa sinabi niya.

"Tsaka bilib din ako kay Kate, imagine ilang taon siyang nagkagusto sayo tas ganun lang? But I'm hoping the best for her, baka si Isaiah talaga ang para sa kanya" sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya.

"Nasaktan mo yung tao kaya lumayo na sayo, ano yun hihiwalayan mo si Xyra dahil nagcheacheat siya sayo tas susuyuin mo si Kate? " Humagalpak pa ito ng tawa.

"Nanggiguilt trip ka" sabi ko sa kanya at natawa siya.

"Nagsasabi naman ako ng totoo" yeah.

Pagkatapos naming magkuwentuhan ay nakipaglaro ako sa mga pamangkin ko bago ako nagpasiyang umuwi na sa condo unit ko.

Habang nagmamaneho ako pauwi ay naiisip ko parin si Kate.
What if magustuhan niya si Isaiah? Tapos makikita ko silang magkasama kapag may family reunion kami, masakit yon.

________

Thank you for reading!!

Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon