CHAPTER 3

1.3K 37 11
                                    

Chapter 3

Kate's POV.

    NAGSUSULAT ako ng mga words na kung ano-ano sa notebook ko.
Naboboring na ako, napahikab pa ako kaya napatingin sa akin si Liah.

"Boyfriend mo ba yung nasa post mo dun sa Instagram?" Humarap ito sa akin kaya napangiwi ako.

"Hindi" simpleng sago ko.

"Manliligaw mo?" Umiling din ako kaya napairap siya.

"Basta manok ko yun,si Theon ang manok ni Karla kaya nagpustahan kami" umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

"Ansama niyo!" Sabi ko at natawa lang siya. Ganun nalang lagi, dinadaan sa pustahan.

* * *

Pagsapit ng lunch ay naglakad na ako kasama sina Liah at Karla patungo sa canteen.
Habang naglalakad kami ay narinig namin ang galit na sigaw ng isang babae.
Sa boses palang ay kilalang kilala ko na.

"IPAGPAPALIT MO NA BA AKO SA BABAENG YON?!" Sigaw nito.
Inilibot niya ang paningin niya at nagtama ang paningin namin.

"OH AYAN NA PALA! ALAM NA NGANG MAY GIRLFRIEND SI THEON PERO NILALANDI MO PARIN!" Namuo ang galit sa buong sistema ko dahil sa sinabi niya.
Tangina anong palabas yan?

Lumapit siya sa akin at hinila ang buhok ko. Napasigaw ako dahil sa sakit ng anit ko.

"Bitawan moko!" I said while trying to shove her hand away.

"IPAKITA MO SA KANILA ANG KALANDIAN MO! MAG NAGSUMBONG SA AKIN NA LAGI KA DAW SUMUSUNOD SA BOYFRIEND KO!" Itinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig.

"TALAGA BA? BA'T MO SINASABI SA AKIN ANG MGA SALITANG NARARAPAT SAYO? SA TINGIN MO WALANG NAKAKAKITA SA INYO NI PAOLO? YUNG PAGHALIK AT PAGYAKAP MO SA KANYA?" Buong lakas na sigaw ko.
Kita ko ang gulat sa mata niya.

"OO AAMININ KO! NAGKAGUSTO AKO KAY THEON PERO NIRERESPETO KO ANG RELASYON NIYO KAYA UMIWAS NA AKO, TSAKA ANONG AKALA MO SAKIN, DESPERADA KATULAD MO?" Tuluyan ng tumulo ang mga luha niya.

Tanginang acting skills yan.

"Hayaan mo, ako na ang mag aadjust para sa toxic relationship niyo, pagkagraduate ko ay aalis nako, next month na ang graduation kaya stay strong sa inyo" I smiled at her sweetly.
Lumipat ang tingin ko kay Theon, nakakainis sila.

Inayos ko ang itsura ko bago ko sila nilampasan.
Nakakasira ng araw tangina.

Bumili ako ng mineral water at agad na inubos iyon.

Buti nalang at wala na kaming pasok mamaya dahil may meeting ang mga professor.

Pagkalabas ko ng school ay tinawagan ko si Kuya Rik para masundo na niya ako, gusto kong gumala ngayon kaya siya nalang ang kasama ko.

Tsaka bibili narin ako ng dress para sa party na sinasabi ni Isaiah, inaya niya ako bilang partner niya daw.

"Kuya, sa mall tayo" nginitian ko si Kuya Rik.
Seryoso lang itong nagmamaneho, nabobored ako kaya kukulitin ko kuna siya.

"Kuya, Ilang taon kana ulit?" Tanong ko.

"I'm 26 years old" sagot niya at napatango tango ako.
Pareho kaming mukhang masungit pero mabait talaga kami.
Talaga ba Kate?

"May kalmot ka sa pisngi, sinong gumawa niyan sayo?" Tanong niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at inopen ang camera nito.
May kalmot nga.

"Napaaway ako kanina" nakangusong sabi ko kaya natatawa siyang umiling.
Happy ka? Kasi siya happy na sa iba.

"May girlfriend kaba, Kuya Rik?" Tanong ko. Minsan talaga nagtataka nalang ako kasi magaling siya mag english, tsaka mukhang may lahi rin.

"Wala, I don't need a girlfriend, kasi ikaw lang sapat na" humagalpak kami ng tawa dahil sa kamaisan niya.

"Gago, ang corny" naiiling kong sabi.
Nanlaki ang mata ko nung marealize ko ang sinabi ko.

"That's okay, wala naman tayo sa bahay niyo" natatawang sabi niya.

Pagkarating namin sa mall ay bumaba na agad ako. Nasa likod ko lang si Kuya Rik hanggang makapasok kami sa mall.
Inaya ko na siyang maglunch at pumayag naman siya.

"Samgyup tayo, Kuya!" Natutuwa akong kumapit sa braso niya.
Close kami ano ba?
Healthy yun.

"Nakakahiya, bitiwan mo'ko" bulong niya kaya nakasimangot ko siyang binitawan.
Ginulo niya ang buhok ko habang natatawa siya.

"Sus, sa ganda kong to, anong nakakahiya dun?" Tanong ko.

Umorder nako, sure naman akong mauubos namin to kahit kaming dalawa lang ang kakain.

Nung dumating ang order namin ay agad kong inilabas ang aking cellphone.

"Picture!" Mabilis siyang umiling dahil sa sinabi ko. Pero wala na siyang nagawa kaya natawa ako.
Nagselfie ako bago ko siya kinuhanan ng picture.

"Magpost ka, Kuya" sabi ko at napasimangot siya.

Nakahawak siya ng chopstick, itinapat niya ito sa labi niya bago siya ngumiti.
Amputi ng ngipin, sana lahat.

"Ayy pogi! Ihahanap kita ng girlfriend!" Sabi ko, sabay kaming natawa dahil sa kagagahan ko.

Nakablack suit siya kaya hindi siya nagmumukhang driver o kaya bodyguard.
Mukhang sugardaddy oo.
Char

"Hmmmm kung pwede lang na ganito ang kainin ko araw-araw gagawin ko talaga, pero ayokong tumaba" sabi ko.
Napatitig sa akin si Kuya Rik kaya inirapan ko siya.

Busog na busog nako kaya si Kuya Rik nalang ang umubos, natawa ako nung magreklamo siya.

"May gusto ka bang bilhin?" Tanong niya at napatingin ako sa Potato Corner.

"What? Kakakain lang natin" sabi niya pero kinindatan ko lang siya bago ako nagtungo sa Potato Corner.

Bumili ako ng dalawa, yung cheese flavor kasi mas gusto ko yun.

"Kakainin ko'to mamaya, pagkauwi natin" sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng mall.

Tahimik lang kaming naglalakad pero nung nasa loob na kami ng kotse ay agad na may tinawagan si Kuya Rik.

"May sumusunod sa amin, I need you all here" Kinabahan ako dahil sa narinig.

Hindi ito ang unang beses na may sumunod sa amin, nung elementary ako ay may sumunod sa amin noon at muntik na akong tamaan ng bala sa binti, buti nalang at iniligtas ako nung isang driver namin noon.

"Shhh, don't panic, I will protect you" seryosong sabi ni Kuya Rik kaya tumango ako.
Dapat lang. Di pa kami ikinakasal ni Theon. Joke.

Habang nagmamaneho si Kuya Rik ay napatingin ako sa side mirror ng sasakyan namin, may sumusunod nga sa amin, black na SUV.

"I know him, but you still need to escort us" napatingin ako kay Kuya.

"That's Theon" my lips parted because of what he said.
Ba't naman niya kami susundan?
Tangina akala ko mamamatay na kami kanina dahil sa kaba.

Nung makapasok kami sa gate ng bahay ay sumunod na pumasok si Theon.
Tangina lang?

"Thank you sa pagsama sakin, Kuya!" Nakangiting sabi ko kay Kuya Rik tsaka ko iniabot sa kanya ang fries na binili ko kanina.

"No problem, food buddies" I gave hima fist bump bago ako umakyat sa taas.

Pumunta dito si Theon para lang magsorry.

Akala ko manunuyo, tas sasabihin
"Mahal na ata kita"
Yiee imagine pa gago.

____________

Kuya Rik and Kate endgame HAHAHAH jk

Thank you for reading!!

Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon