CHAPTER 28

617 16 0
                                    

Chapter 28

Theon's POV.

NAKITA ko kung pano sila magyakapan at kita ko kung pano siya halikan ni Lev.

"Bago ka magalit kay Lev, alalahanin mo yung mga ginawa mo noon" sabi ni Maverick, nakaupo sa mga hita nya ang kanyang anak.

"He's so annoying" nakasimangot na sabi ko.
Ano? Iiyak na naman ba ako ngayon?

"Daddy, my tummy hurts" napatingin kami sa anak niya nung bigla itong umiyak.

"LIAH!" Sigaw ni Maverick.
Kita ko ang takot sa mga mata niya.

"Ihahanda ko na yung sasakyan" tumakbo ako palabas ng bahay nila.
Lagi kong nakakasama at nakakalaro ang anak nila kaya malapit talaga ang loob ko sa kanya.

"NANGYAYARI NA NAMAN BA?!" Mangiyak-ngiyak na sumakay si Maverick sa loob ng sasakyan.

Hindi ko alam kung bakit hindi na sumama si Liah.

* * *

Pagpasok namin ng ospital ay inasikaso agad nila ang anak nila Maverick.
Hindi kami pinapasok sa ER, rinig namin ang iyak ng anak ni Maverick.

I saw Maverick crying and praying silently.

"Natatakot ako, Theon. Ganito din iyong kapatid ko noong pitong taong gulang siya, nagsimula lang sa sakit ng tyan pero hindi lang iyon ordinaryo, she had a cancer" he cried more.

"Kaya niya yan, I'll pray for him" I sadly smiled at him.

Umupo ako sa tabi niya at tumitig sa kawalan.

"PLEASE HELP US!" Agad akong napatingin sa sumigaw.
My eyes widened and my lips parted when I saw her.

She's crying while holding that guy's hand.

"Ma'am, dito nalang po kayo, hindi po kayo pwedeng pumasok sa loob" sinamaan ng tingin ni Kate ang nurse.

"But he's my fiancè" giit ni Kate.

"You need to stay here ma'am, kami na po ang bahala sa kanya" ipinasok na nila sa loob si Lev.

"God please help us" umiiyak itong umupo sa isang gilid.
I wanna hug het tightly but I don't have the right to do that.

"Hey" pagpapapansin ko sa kanya, tumingin ito sa akin. Bakas ang gulat sa mga mata nito nung makita ako.

"What happened to your fiancè?" Tanong ko.

"Nahimatay nalang siya bigla and I saw him pulling his hair, parang nasasaktan siya ng sobra" malungkot itong tumingin sa akin.

Sabay kaming napatingin sa doctor na lumabas mula sa ER.

"Ma'am, gising na po ang pasyente, gusto niya po kayong makausap" malungkot itong ngumiti.

Agad na pumasok si Kate.

Lumabas din ang isang doctor at lumapit kay Maverick.

"We need to do some test, hindi pangkaraniwang sakit ng tiyan ang nangyayari sa bata" paulit-ulit na umiling si Maverick.

"I'm scared" humagulgol ito.
Naalala ko yung sinabi niya kanina.

I never knew that he had a sister.

"HINDI ITO TOTOO! NANANAGINIP LANG AKO! PLEASE WAKE UP, DON'T LEAVE ME" Natigilan ako nung marinig ko ang sigaw ni Kate.

"HINDI! PLEASE WAKE UP LEV, YOU SAID YOU WON'T LEAVE ME, NANGAKO KA" Malakas na iyak ni Kate ang naririnig ko.

Seeing her crying because of Lev hurts me so much, pero mas matindi ang nararamdaman niyang sakit ngayon.

Her fiancè died.




Lev Died.

__________

THANK YOU FOR READING!!



Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon