CHAPTER 33

656 21 2
                                    

Chapter 33

Theon's POV.

LOVING someone isn't easy.
If you're scared of rejection then you're just a big fool. There's nothing wrong of trying to confess your love for someone.

Hindi yung maiisipan mo lang na umamin kapag huli na ang lahat.
Sabi nga nila, nasa huli ang pagsisisi.

I always imagined myself marrying her but I'm scared to confess my love for her.

At the age of 18, I planned to confess my love for her pero naduwag ako, natatakot ako na baka masira lahat ang pinagsamahan namin bilang magkaibigan, kasi kapag naging kami tapos kapag naghiwalay kami ay magiging awkward na ang lahat.

Mawawala siya sa akin, mawawala ang lahat ng pinagsamahan namin.
I promised myself that I will marry her.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at ganito ang ending ng mga imahinasyon ko noon.

"Tulala kana naman" nagulat ako nung pitikin ni Kate ang noo ko.
I smiled at her.

"Malaki na iyang tiyan mo, tuturuan ko yan maglaro ng basketball" natawa ito dahil sa sinabi ko.

"Uugod ugod kana paglaki nito" humalakhak ito.
Sana araw-araw nalang na ganito.
Masaya, walang problemang inaalala.

"Bat di kapa naghahanap ng mapapangasawa? Ilang taon kana, ano hanap mo sugar baby?" Nakangising tanong niya sa akin kaya umiling lang ako.

"I don't see myself marrying someone in the future, tsaka ayokong magpakasal, kahit single ako habang-buhay okay lang" I looked at the bright sky.

"Sus! Di na uso yan gago, maghanap kana, tutulungan kita sa panliligaw" she flashed a wide smile.

"Nah, I'm okay" sumimangot ako.
Kinuha ko ang lemonade na nasa harapan namin tsaka ako uminom.

"Hmm, miss ko na si Lev, magkasama kaya sila ni Lolo Von ngayon?" Tumingala siya sa kalangitan.

Kahit sa kabilang buhay ay hahanapin kita, kahit hindi parin ako.

"Siguro?" Nag- iwas ako ng tingin.

Naaalala ko nung libing ni Lolo Von.
Halos magwala si Kate noon, pinapaalala ko sa kanya ang bata na nasa sinapupunan niya.

Pinatahan ko siya, inasikaso ko ang lahat.

"Sabi niya noon sa akin ay aalagaan niya pa ang Apo niya sa tuhod, pero ganito ang nangyari" napatingin ako kay Kate nung marinig ko siyang suminghot.
Iniabot ko sa kaniya ang panyo na dala ko, alam kong ganito ang ending namin. Mag-iiyakan na parang tanga.

Sinamahan ko siya sa pag-iyak, kahit ang inaalala ko ay baka manganak siya ng wala sa oras.

Malaki na ang tiyan niya, baka manganak na siya anytime, kahit iniisip ko palang ang panganganak niya ay parang mahihimatay ako dahil sa takot.

"Uwi na tayo, kanina pa tayo dito" mabilis akong tumayo at inalalayan siya sa kaniyang pagtayo.

Pinampag niya ang kaniyang suot tsaka siyang bumaling sa mga lapida nila Lev at Lolo Von.

"Aalis na kami, babalik ulit kami dito, promise yan Lolo.... Lev, malapit na ang paglabas ng makulit mong anak, sana naman ay hindi lumaking babaero 'tong anak mo, naku hindi ko kakayanin!" Umiling pa siya kaya natawa ako.

"Hmm sige, babye na!" Kumaway ito tsaka siya tumingin sa akin.
Nasa likod niya lang ako habang pabalik na kami sa sasakyan.

Hindi naging madali ang pagtanggap niya sa pagkawala ng kaniyang asawa at Lolo.

Malaki ang naging parte nila sa buhay niya.

"Theon......"


"M-masakit ang tiyan k-ko" umawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Kate.
Bumilis ang tibok ng puso ko at parang hindi gumagana ang utak ko sa oras na ito.

"Gago! Dalian mo!" Sigaw niya sa akin.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito patungo sa ospital.

___________

THANK YOU FOR READING!!

Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon