CHAPTER 30

658 16 0
                                    

Chapter 30

Theon's POV.

WALANG tigil sa pag-iyak si Kate habang nakahawak sa kamay ni Lev.
Nasasaktan din ako kasi nakikita ko siyang umiiyak.

Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Chiara, nakatingin lang ito sa kaniyang pinsan.

I saw Kate's father with his new wife and with their little daughter.

"Nakakalungkot ang nangyari sa kanila, hindi pa sila ikinakasal pero ganito ang nangyari" rinig ko ang sabi ng isang babae sa likod ko.

Binalewala ko nalang sila at binalingan si Kate.

"I will never ever forget you, I promise you that I will take care of our child, papalakihin ko siya ng maayos at hindi ko siya sasaktan" She smiled sadly.
Napalunok ako bago ako tumingala, ayokong umiyak.

"Ikaw ang pinakamamahal ko, ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." Tumingin ako kay Lolo Von.
He's crying.

Pagkatapos magsalita ni Kate ay ibinaba na ang kabaong ni Lev.
Tumabi ako kay Kate tsaka ko inihagis ang puting rosas sa ibabaw ng kabaong ni Lev.

"I will always love you" Rinig kong sabi ni Kate habang yakap yakap siya ni Lolo Von.

* * *

Pagkatapos ng libing ay nakatayo lang ako malapit sa kinaroroonan nila Kate, ayaw niyang umuwi.

"Bibisita ako dito araw-araw, para kahit papaano ay makita mo ang anak mong makulit kahit nasa loob palang ng tiyan ko" pinalis niya ang kaniyang luha, suminghot na naman ito.

"Let's go home Apo, you need to eat" sabi ni Lolo Von.

Tumango na si Kate at nagpasiyang umuwi na.
Nakasandal siya kay Lolo Von habang nakaalalay sa bewang niya ang isang braso ng matanda.

Nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa kanilang bahay.

Ako ang kumuha ng kakainin ni Kate at saktong katabi ko si Chiara habang kumukuha ng makakain.

"Pinagsisihan ko ang mga ginawa ko kay Kate" sabi nito tsaka siya tumingin sa akin.

"Nagpakamatay daw si Xyra sa loob ng kulungan" sabi nito.
Binalewala ko siya tsaka ako bumalik sa table nila Kate.

"Stay strong Hija" nanlaki ang mga mata ko nung makita ko si Mommy sa tabi ni Kate.

"Opo Tita" she smiled at my Mom.
Wtf?

Inilapag ko sa lamesa ang pagkain kaya napatingin sila sa akin.
I looked at my Mom and she just stared at me.

"Buti nalang at nandito ang anak mo, siya ang magbabantay sa Apo ki dahil maraming nakaabang na panganib sa kanya sa labas" sabi ni Lolo Von.
Nagsimula nang kumain si Kate.

Namamaga ang mga mata nito habang nakatingin lang sa pagkain niya.

"Gusto kong bantayan mo ang Apo ko, but you should promise me that you will never have feelings for my Apo again"

Pumayag ako sa gusto ni Lolo Von.
Kahit ganun ang mangyayari ay okay lang, basta makakasama ko si Kate at mababantayan ko siya ng mabuti.

____________

THANK YOU FOR READING!!


Chasing The CEO ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon