CHAPTER SEVENTEEN - PAST VS PRESENT

82 3 0
                                    

AXEL'S POV

You got a lot of nerve baby...

[Does She Know - Kianna Valenciano]


The speaker is on.

Nandito ako sa condo unit ko at kasama ko si Alora. Nakaupo kaming dalawa sa kama. Si Alora ay maingat na nililinis ang mga sugat ko gamit ang bulak.

Tahimik lang akong pinagmamasdan si Alora habang pinalilibutan kami ng musika.




Coming up to me like I did you wrong...
Acting like you own the world lately....




Sinasabayan ng musika ang mabagal na pagtibok ng puso ko. Totoong masakit ang pasa at sugat na natamo ko, pero hindi ko maikakailang mas nangingibabaw ang sakit na hatid ni Selena dito sa puso ko.

Kanina nang makita ko sya, bumigay ako ng todo. Paulit-ulit ko mang sabihin sa sarili ko na dapat kalimutan ko na sya dahil nagsasama na kami ni Alora pero...

Pero hindi ko magawa.

Na sa bawat paglipas na malayo ako kay Selena ay mas nangungulila ako sa presensya nya.





No need to deny....
I know what's going on...





I'm missing her.

Fuck. What is wrong with me? Ako ang nakipaghiwalay sayo Selena. Ako ang lumayo pero bakit sa paglipas ng panahon ay ako din ang nasasaktan.

"Axel..."

Mula sa pagkakatulala ko ay narinig ko ang mahinang tinig ni Alora. I gathered all my thoughts and tilted my head. Only found her lovely pair of green eyes in this cold room, staring at me.

Indeed, Alora is pretty.

Nasa kanya lahat ng bagay na hahanapin mo sa isang babae. Ang magandang mukha, ang talino, tapang at yaman.

Kaya paanong si Selena pa din ang hinahanap ko kung isang jackpot na ang kasama ko!?

Damn!







You've been off of your pride...
I know you're broken inside....








Hinawakan ko si Alora sa balikat nya at pwersa ko syang inihiga sa kama.

"Axel!" Nagulat ito sa ginawa ko pero hindi ko sya pinansin. Sa paghiga nya sa kama ay syang pagtibok ng puso ko sa mabilis na paraan. Nangibabaw sa akin at tukso.

I quick went on her top.

Pinagmasdan ko ang mukha nya. Nakakabaliw ang hatid na alindog ni Alora. Na kung sino man ang lalakeng mapupunta sa ganitong sitwasyon ay alam kong hindi sya papalagpasin.

"Axel..." mahinang bigkas ni Alora at dinala nya ang dalawa nyang malambot na palad sa magkabila kong pisnge.

Napakalambot nito. Ang dahilan ng pamumungay ng mata ko. Animo'y may kapangyarihan ang haplos nya at binabaliw ako.

"Alora." I whispered in the wind as I kissed her lips. Niyakap ako ni Alora sa leeg ko at tinugon ang halik. It was rough and hot.









WIFE OF THE BEAST  #Book8Where stories live. Discover now