CHAPTER THIRTY THREE - SO CLOSE

73 5 0
                                    

SELENA'S POV

"Oh no!" Hagulhol ko at hinawakan si Jewel sa braso nya. Hinatak ko ito para takasan sana si Axel, pero hindi sumama sa akin ang kaibigan ko.

Nanatili syang nakatayo sa kinape-pwestuhan nya.

"Jewel! Hurry up! He will hurt me for sure!" Sigaw ko sa kaibigan ko habang humihingal. Nangangatal ang buong katawan ko, lalo pa at nakita ko ng gumagawa ng mababagal na hakbang palapit sa amin si Axel.

I was so terrified na makuha ako ni Axel! Alam kong ikukulong nya ako na parang preso sa poder nya!

"Selena, bakit ka ba natatakot kay Axel? He loves you nga eh! Huwag mo na syang layuan!" At sinabi sa akin ni Jewel ang mga bagay na yon.

But I shook my head, "You don't understand Jewel!"

"Selena don't let that Nicholas deceive you! Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo sa Nicholas na yon! Sigurado akong tinatakot kalang nya kaya ka nagkakaganyan!"

Argh!

Bakit nagkakaganito si Jewel? Bakit pinangungunahan nya ako sa mga bagay-bagay? Dinala nya dito si Axel dahil iniisip nyang hindi ko talaga mahal si Nicholas? Anong kalokohan yon!?

Hindi ko kinaya ang bugso ng damdamin ko at pinagsalubungan ko ng kilay si Jewel. Pinakita ko sa kanya ang matinding galit na nanaig sa akin.

"I love him Jewel---" sigaw ko rito pero naputol agad ang sinasabi ko nang maramdaman ko ang isang malakas na brasong humawak sa likod ng buhok.

And I scream, dito ko lang napagtanto na nakalapit na si Axel sa amin. Hawak-hawak nya ang buhok ko at ang isang kamay ay nakadakma sa panga ko.

Umiyak ako ng malakas. Axel is giving me an intense stare and a sinister smile, enough to scare me. Nangatal ang buong katawan ko at nagsisigaw ako.

"Let me go Axel!"

"S-Selena, huwag ka na kasing magmatigas. Tatlong taon din ang pinagsamahan nyo, alam kong maayos nyo pa to." I heard uttered those things.

Na syang nakapagpabwiset sa akin. Umirit ako sa galit na paraan, na halos mapilas pa ang lalamunan ko. Hindi ko maunawaan kung bakit ginaganito ako ni Jewel!

Ano ba sa tingin nya ang nangyayari sa aming dalawa ni Axel? Isang simpleng away lang na maayos pa? Hindi ba nya nakikita na nasa panganib na ang buhay ko sa mga oras na to but still, she keeps pushing me to this person!?

"I don't love Axel!" I shouted angrily.

Kasunod na noon ay ang paghigpit ng dakma ni Axel sa buhok ko at panga ko. Na alam kong nagalit sya sa sinabi ko. I shut my eyes tight out of pain and fear.

"Bakit ganun lang kadali sayo Selena?" Bulyaw sa akin ni Axel.

Minulat ko ang mata ko. Though nangangatal na ako sa takot ay nilakasan ko ang loob ko.

"Don't blame me for unloving you! Niloko mo ko Axel, sinaktan mo ko kaya hindi mo ko masisise kung bakit inayawan kita!" I tell him the truth.

Kasabay noon ay ang pagbagsak din ng mga luha ni Axel pero nanatili ang galit nyang titig. Na para bang wala na sya sa katinuan nya.

"Pero pinipilit kong ayusin Selena! Bakit hindi mo ko pagbigyan ulit?" He spat.

Ang pinaglalaban ni Axel ay napaka-unfair ng dating para sa akin. Sa tingin ba nya ay ganun lang kadali sa akin yon? Iniwan nya ako sa ere dati kung kailan kailangang-kailangan ko sya. Nasaktan ako at si Nicholas lang ang taong nasandalan ko sa pag-iisa ko.

WIFE OF THE BEAST  #Book8Where stories live. Discover now