CHAPTER TWENTY SIX - HEART BREAKING

74 2 0
                                    

NICHOLAS' POV

"Enough Nicholas!"

Umaalingaw-ngaw ang malakas na pag-iyak ni Selena sa paligid, pero hindi ko sya nagawang pansinin. Ang buong atensyon ko ay naka-focus sa binatang nasa ilalim ko.

Kay Axel.

Nakahiga sya sa sahig at nakaupo ako sa tyan nya. Paulit-ulit akong nagpapakawala ng malalakas na suntok tungo sa mukha nya. Pwersado at gustong-gusto ko na syang tapusin.

My anger took over me, para syang isang lason na kumalat sa buong katawan ko at nawalan na agad ako sa katinuan. Pinangangatalan ako ng katawan at humihingal.

Gusto ko na syang patayin tang-ina pero...

(Creaking door sound)

Pero nabigo ako nang biglang may nagbukas ng pintuan.

Hindi ko sana papansinin yon pero, "Sir. Nicholas! Tumawag po ang Saint Fatima hospital! Sinugod daw po ngayon dun si Miss Alora!"

Yun ang mga bagay na narinig ko mula sa staff ng sarili kong hotel.

At...

Lahat ng galit na nangingibabaw sa akin ay nalusaw dahil sa balitang yon. Sa isang idlap, kinabahan ako ng todo. Nataranta. Natakot para sa posibleng nangyari sa kaisa-isang pamilya na meron ako.

Sandali akong nawalan ng kibo habang ang puso ay kakabog-kabog ng malakas. Hindi ako makapag-isip ng tama sa susunod kong gagawin. Kung ipagpapatuloy kong basagin ang mukha ng lalakeng to o kung susugod na ako sa hospital.

Fuck!




SELENA'S POV

Nakaupo lang ako sa sahig nang biglang may pumasok na isang staff ng hotel na to dito sa kwarto ko.

"Sir. Nicholas! Tumawag po ang Saint Fatima Hospital! Sinugod daw po ngayon dun si Miss Alora!" At sinigaw yon na syang nakakuha ng atensyon naming lahat.

Ganun din kay Nicholas. Itinigil nya ang ginagawa nyang pakikipagsuntukan at tumitig sa babaeng staff. Bumakas din sa mukha nya ang pag-aalala.

Nabalot ng katahimikan ang paligid.

Pero may mga katanungang bumabagabag sa isipan ko. Kagaya ng kung sino ang staff na to, at bakit kilala nya ang asawa ko at si Alora.

Wala akong ideya.

Hanggang sa, bumuka ang labi ni Nicholas. Tila ba nagmura ito sa ere, pero wala itong nilabas na boses. Then stood up, ang mga binti nya ay binuka nya ng malaki at gumawa ng mabilis na pagtakbo paalis sa lugar na to.

Nicholas left.

O. O

Ako naman ay tumayo din at naglakad palapit sa staff na nanatiling nasa may pintuan. Pinahid ko ang mga luha ko habang ang puso ay kakabog-kabog ng malakas.

Ni hindi ko na nagawang pansinin si Axel na nakalugmok sa sahig at punong-puno ng pasa, sugat at galos.

Nang sandaling makalapit ako sa staff ay hinawakan ko ang braso nya.

WIFE OF THE BEAST  #Book8Where stories live. Discover now