CHAPTER TEN - HOT AND SWEET

99 2 0
                                    

SELENA'S POV


*Regain consciousness*

Naalimpungatan ako sa init ng araw na dumampi sa mukha ko. Sa pagbukas ng mata ko ay ang liwanag ang unang bumungad sa akin. Mula yon sa binta ng kwarto na to.

Hmmm...

Marahan akong naupo mula sa pagkakahiga ko. Niyakap ko ang kumot na nakabalot sa hubad kong katawan. Ang isa kong kamay ay hinaplos-haplos ang braso ko, paraan ko ito para bahagyang pawiin ang sakit ng katawan ko. I'm still sore after Nicholas and I, did something really unexpected.

At sa tuwing naalala ko ang mainit na pagtatalik namin kagabi ay bumibilis ang kabog ng puso ko. Ang tunog nito ang nangingibabaw sa loob ng kwarto na to.

I can't believe na nagawa ko ang bagay na yon sa lalakeng hindi ko mahal.

Pero hindi naman mali yon. I mean, having sex with your husband is normal. That is my obligation as his wife. Walang dahilan para mahiya ako sa kanya.

(Creaking door sound)

Speaking of my husband...

Tumingin ako sa pintuan dahil narinig kong magbukas yon. Sa pagbukas nito ay nakita ko ang isang matangkad na lalake.

He is topless and only wear pajama. Ang maskulado nitong chest, biceps at mga abs ay tanaw na tanaw ko. For a moment, I felt my world slowing down.

Namula ang mukha ko at agad na iniwas sa kanya.

Damn.

Bigla akong tinamaan ng matinding ilang. Nararamdaman ko din ang pag-init ng mukha ko, maybe I'm blushing right now!

I mean sinong hindi mag ba-blush. Sya ang kauna-unahang nakakita ng hubad kong katawan at nakasama ko sa kama.

Sariwa pa din sa ala-ala ko kung paano nya ako haplusin at halikan. Kung paano nya inangkin ang katawan ko at kung paano din ako nag enjoy sa ginawa nya!

Sobrang nakakahiya...

"Morning, I prepare you a breakfast." Narinig kong sinabi yon ni Nicholas. At ang marinig muli ang boses nya ay pinasisikip ang dibdib ko.

I can't even look at him.

"S-Sige susunod na ko." Sagot ko sa kanya habang mahigpit na yumayakap sa kumot ko.

"Are you sore?" Nicholas asked me. Sunod na noon ay ang mga yabag ng paa nyang palapit dito sa kama. Minabuti kong tingnan sya.

He went beside me and sat on the bed. Ang malapad na palad ni Nicholas ay dinala nya sa kamay ko ay hinawakan yon.

His palm felt so warm. As if it traveled through my body, wanting to melt my heart. It was a simple touch pero may dulot na kuryentong pinananabik ang sistema ko.

After having sex with this person, pakiramdam ko gusto kong ulit-ulitin sa kanya.

O///////O

Teka Selena? Kailan ka pa naging kamanyakis ng ganito?

"Gusto mo bang buhatin kita papunta sa kusina?" Nicholas told me.

Nagulat ako sa sinabi nya kaya naman tumingin agad ako sa kanya. Ang mga green nitong mata ay tinagpo din ang mata ko. Sya dahilan ng pagkabalisa ko. Sinamahan pa ng mabangong amoy ni Nicholas.

"H-Hindi na. Kaya ko naman eh." Sagot ko sa kanya.

Ngumiti sa akin si Nicholas, that I felt my blood rushed up to my cheeks. His smile goes viral around the room, how can it not?

WIFE OF THE BEAST  #Book8Where stories live. Discover now