CHAPTER TWENTY FOUR - HATE WITH LOVE

78 4 0
                                    

SELENA'S POV

Nag check in ako sa isang hotel para magpalipas ng gabi.

Ngayon ay nakaupo ako sa kama at may hawak na phone. Kausap ko kasi si Jewel sa kabilang linya.

"So what's your plan?" She asked me. Naikwento ko na sa kanya ang naging pagtatalo naming dalawa ni Nicholas. Jewel is my friend, so updated sya sa buhay ko. Sya na lang din ang natitirang pamilya ko. Kaya naman malimit sa kanya ako naglalabas ng hinanaing sa buhay.

Hindi ko napigilang bumuntong hininga habang nakatitig sa bintana ng hotel. Madilim na sa labas at patuloy sa pagbagsak ang mga ulan. Paulit-ulit ding kumukulog at kumikidlat.

"Hindi ko alam Jewel. Sa ngayon, lumayo muna ako kay Nicholas." I told her.

"Your husband is handsome and rich. He is the most appropriate person for you, hindi ako makapaniwala na may mga bagay kang aayawan pa sa taong yon." Hagikhik ni Jewel sa kabilang linya ng phone.

Sandali akong nakatihimik. Ang mga binitawang salita ni Jewel ay bumagabag sa isipan ko. Totoo naman lahat ng sinabi nya kay Nicholas. Gwapo si Nicholas, matipuno at mayaman kaya nga diba ang dami-daming naghahabol sa kanyang babae.

Marahil ay jackpot na nga ang makabingwit ng kagaya ni Nicholas Madden pero...sapat ba ang itsura at estado sa buhay para mag stay ako sa kanya?

Isakripisyo ang sarili kong kagustuhan at mga pangarap pala lang maging asawa sya?

"Nicholas was...scary." yun nalang ang nasabi ko kay Jewel.

Humagikhik muli ang kaibigan ko sa kabilang linya ng phone, "Then divorce him. Wag kang masyadong ma-pressure Selena, napakabata mo pa at ang dami pang opportunity na nakalaan sayo."

My heart skipped a beat as I heard the word divorce. Part of my heart wants to leave Nicholas but, the other part wants to stay. Masyado na akong nalilito sa nararamdaman ko, at yun ang dahilan kung bakit ang hirap-hirap mag desisyon.

Maliban doon, may isa pang bagay akong pinanghahawakan kung bakit hindi ko pwedeng iwan nalang sya basta-basta.

Yun ay, "I can't divorce him. May pangako kami sa isa't isa na dapat tupadin."

"Pangako? Uso pa pala yon ngayon, sa movie ko nalang naririnig yang ganyan. Ano naman ang pangakong yon na pumipigil sayong hiwalayan sya?" Tanong nya sa akin.

I took a deep breath to prepare my words, "Promise that I will be a responsible wife for him, kapalit ng pagtulong nya sa akin na hanapin ang taong pumatay kay daddy." I explained.

Pagkatapos na noon ay ang katahimikan. Hindi nagsalita si Jewel sa kabilang linya ng phone at ang tanging naririnih ko lang ay ang nagwawalang kulog sa kalangitan.

Ang kidlat ay nag pa-flash sa bintana, animo'y isang matalas na bagay na pumipilas sa kalangitan.

"Jewel, are you still there?" Hindi na ako nakatiis at muli akong nagsalita.

"Ah, y-yes." Hindi ako sigurado kung nangatal ba ang boses nya noong magsalita sya o kaya naman nag chopy lang ang linya dahil nga sa sama ng panahon. Pero hindi ko na pinagkatuunan yon ng pansin.

"Yun ang dahilan kung bakit hindi ko maiwan si Nicholas." Pag-uulit ko sa kanya.

"Selena."

"Hmm?"

"Sa tingin ko hiwalayan mo nalang sya." Jewel told me. I froze for a seconds. Hindi ako makasagot sa maimpluwensyang option na binigay sa akin ni Jewel.

WIFE OF THE BEAST  #Book8Where stories live. Discover now