CHAPTER TWENTY EIGHT - INSANELY INLOVE WITH HER

73 3 0
                                    

SELENA'S POV

Tinitigan ko ng diretsyo si Axel nang sigawan nya ako. Ang buong atensyon nya ay nasa kalsada pero bakas sa mukha nya ang matinding galit. Naglalabasan din ang malalaki nyang biceps habang nakahawak sa steering wheel.

At inaasahan ko na to.

Yung magagalit si Axel pagkatapos kong sumama sa kanya pero sa kalagitnaan ng pagtakas namin kay Nicholas ay aatras ako. Pero anong gagawin ko? Ito anh dinikta ng puso ko.

I can't be with Axel if I know to myself na may nararamdaman na ako sa asawa ko?

"Axel please stop the car---" mahinahonh sabi ko rito pero pinutol nya ang pagsasalita ko.

"Tumigil ka Selena! Hindi kana babalik sa asawa mo!" He shouted at me. Hinampas pa nya ng palad nya ang manibela.

Nagulat ako sa naging asal ni Axel kaya naman napahinga ako ng malalim. Umipod din ako ng konti palayo kay Axel.

He glanced at me multiple times. Ang mga mata nya ay nanlilisik na parang malulusaw ako kapag nagtatagpo ang mga mata namin. Madiin ding magkasalubong ang kilay nito.

"You are mine Selena!" Muling sigaw nito sa akin.

Nanlake ang mga mata ko sa mga katagang yon. Ang puso ko ay tumutol rito kaya agad kong iniling ang ulo ko. Though may takot na nananalaytay sa akin ay nagawa ko pa din syang kontrahin.

"Axel you don't own me! I'm married to Nicholas---"

(Car squealing sound)

Axel stopped the car on the middle of the highway.

Nawalan muli ako ng lakas ng loob sa mga sandaling to. Muling humarap sa akin si Axel at kagaya ng kanina ay nananaig sa kanya ang matinding galit.

At ito ang unang beses na umakto sya ng ganito.

Nakakatakot.

"A-Axel..." na nagdulot sa akin ng pangangatal.

"Sinasabi mo ba sa aking may gusto ka na sa asawa mo?" And he asked me those things.

Iniwas ko ang tingin kay Axel. Nablanko ako at natahimik dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo. Baka mamaya ay mas magalit lang sya sa akin kapag nalaman nyang si Nicholas na ang nagmamay-ari ng puso ko.

Ang hangin dito sa loob ng kotse ay dumadampi sa tenga ko at mas pinabibigat lang nito ang dibdib ko. I want to leave this place as soon as possible.

"Sagutin mo ko Selena! May gusto ka na ba sa asawa mo!?" His voice was so loud, so thunderous, that I couldn't concentrate on what he said. He became a different person. His eyes had warped into a miserable black.

"Axel aalis na ako. Sa ibang araw nalang tayo mag-usap." I told him in order to avoid his question. Inalis ko ang seatbelt sa akin at tinalikuran ko na sya. Pero nang akmang hahawakan ko na ang door handle ng kotse nya para lumabas ay bigla nalang akong dinakma ni Axel sa braso ko.

He spin me to face him.

"Axel---"

I stopped as I saw him staring at me. He was angry, I could tell by the way his hands were shaking. I can feel his temperature rising. Vein bulging out of his head.

My pulse sped up and my was breathing very shallow.

"You can't leave me Selena for that person."

O. O

My eyes widened.

Leave me? Yun ang mga salitang paulit-ulit kong naririnig sa magkabilang tenga ko at bumabagabag sa isipan ko.

WIFE OF THE BEAST  #Book8Where stories live. Discover now