Zein's Point of View:
Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot. Aaminin kong nagulat ako at hindi ko inaasahan ang nangyari kanina dahil alam kong aksidente 'yon. Hindi ko sinasadya at hindi ko kailanman gagawin ang bagay na 'yon. Iniisip niya kayang sinasadya ko s'yang hawakan para magpapansin sa kanya? Iniisip niya kaya na kagaya ng ibang babae, gagawin ko ang lahat para mapalapit sa kanya? Napailing ako.
Natasha helped me and I thanked her for saving me. Brenda said sorry to me dahil s'ya ang nakabangga sa akin at pinatawad ko kaagad s'ya dahil pareho naman naming hindi inaasahan. Mrs. Martinez says their apologies to me at naiintindihan ko naman 'yon dahil wala rin naman silang kasalanan. Pinipigilan ko ang luha ko dahil napagtanto kong may mali rin ako. I almost touched his... never mind at pinagalitan rin ako ng manager dahil sa kabobohan na nagawa ko.
Sunday came and I did my routine. Workout, diet, and control. Naglalaba kami ngayon dahil nagpalit kami ng shift ni Precious at nag-aalala rin sila na baka maulit ulit ang nangyari nung isang araw. Si papa ay namasahe gamit ang jeep bagay na ginagawa niya kapag linggo at sabado. Lahat ng pera na sahod ko sa casino-restaurant ay nakalagay sa bank account. Ayaw ni mama na gagastusin ko ang mga 'yon o ibigay sa kanila dahil pinaghirapan ko ang bagay na 'yon, naiintindihan ko.
"Zein, bakit nga pala hindi ka bumili ng cellphone mo? Magagamit mo 'yon sa pag-aaral mo," sabi ni mama.
"Hindi ko naman po kailangan at isa pa po, ayaw ko po ng cellphone," natatawang sabi ko. She chuckled and shook her head.
"Natatakot ka bang gumastos?" tanong niya. Hindi ako sumagot kaya napa buntong hininga s'ya. "Anak, pwede mong gastusin ang pera mo at hindi mo kailangan na mag-alala sa amin ng papa mo. Kaya namin, okay? Unahin mo ang pag-aaral mo at pangangailangan mo."
I smiled. "May tamang oras po sa cellphone o sa mga materyal na bagay. Ako na po ang bahala dyan."
"Ikaw talaga..." natatawang sabi ni mama. "Sabihin mo lang na bibili ka ay sasamahan ka namin ng papa mo. Kumusta pala ang school? Wala bang bullies?"
Natigilan ako at napawi ang ngiti. Kung alam lang siguro ni mama ang mga bullies sa school, ako ang target nila.
"Okay naman po, mama. Masaya naman po ang school," ngumiti ako nang maliit. She looked at me intently.
"Sigurado ka anak ha? Magsabi ka lang sa akin. Pupuntahan ko ang mga 'yan."
Pagkatapos naming maglaba ay tumulong ako sa pagsasampay dahil tulog pa si Julius. Nagdilig rin ako sa maliit naming farm dito sa bahay dahil mahilig talaga ako sa mga bulaklak. Naalala ko na naman na si Cielo lang ang kaibigan ko sa school dahil lahat sila ay ayaw sa akin, ayaw ko rin naman sa kanila. Napailing ako at narinig na may kumakatok sa malaki naming gate.
"Sino naman kaya ito? Kakabayad lang namin ng bill ha?" bulong ko. Nagpatuloy ang pagkatok. "Sandali lang!"
Nagmamadali kong binuksan ang gate namin at nalaglag ang panga ko nang makita sila Kent at Natasha. Nakasandal si Natasha sa motor niya habang si Kent ay nakatayo sa gilid niya habang magka-krus ang mga braso sa dibdib niya. Nagtataka ko silang tinignan at naging dahan-dahan ang kilos ko.
"You will stare at us the whole time?" malamig na tanong niya. Iritado na kaagad kaya kumunot ang noo ko.
"Kuya!" si Natasha at awkward na ngumiti sa akin. "We came here because we want to talk to you about what happened last night. Can we come in?"
Narinig ko ang boses ni mama ngunit nanatili kaming magkatitigan ni Kent. I shook my head and averted my eyes.
"Zein, ano bang—Kent?" gulat na tanong ni mama. Natataranta niyang binuksan ang gate namin. "Naku! Pasok kayo. Pasensya na."
BINABASA MO ANG
Mafia Series 2: Taming The Heir (UNDER REVISION)
БоевикZein Ashley Salvador is a hardworking, talented, and competitive woman with a strong sense of self-worth. She was happy growing up with a complete family, but she became a target of bullying due to her imperfections. Her body is chubby, but she is s...